BIL 2: Sino
Buong klase, bwisit na bwisit ako! Badtrip kasi yung demonyong nang gugulo sa likuran ko!
Kung wala lang sigurong prof. saka anghel sa harapan ko, nabigwasan ko na ang isang 'yon.
Naglalakad na ako ngayon papuntang cafeteria. Mamayang alas dos pa kasi ang next class ko. Saka mag aalas dose na rin kaya manananghalian na ako.
Grabe nakakapagod!
Wala naman kaming masyadong ginawa sa second class ko pero feeling ko masyado akong nastress. Bwiset kasi talaga ang demonyong 'yon eh!
"Hi!" Nakangiting bati ng isang... maputi, matangkad at makinis na babae sa harap ko.
"Hello..." Sagot ko. Osige na nga. Maganda siya.
"Naging classmate mo si Giro sa isang class mo diba?" Tanong niya.
"Ha? Sinong Giro?" Nakita kong nanlaki ang mata niya pati na rin ng dawala pang kasama niya. Tulad niya, maganda rin ang dalawang kasama niya.
"Seriously? Hindi mo kilala si Giro?" Ang gandang tanga naman nito!
"Magtatanong ba 'ko kung kilala ko?" Sabay-sabay na tumaas ang kilay nilang tatlo. Wow! Astig!
"Totoo nga ang balita. Bastos ka nga talaga." Sabi niya habang tinitingnan ako na para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan.
"Nagpapatawa ka ba? Makasabi kang bastos ako, akala mo close tayo ah?" This time, kilay ko naman ang tumaas.
"Hoy! Kilala mo ba kung sinong kinakausap mo?" Sabat nung isang kasama niya. Aba!? Parang may ganitong eksena na rin kanina ah?
"Hindi. At wala akong balak makilala." Sagot ko tapos nilagpasan na sila. Kabobobo naman ng mga tao dito. Kakakita pa lang tatanungin na agad kung kilala ba si ganito si ganyan. Mukha ba akong tanungan ng pangalan?
Hindi pa ako nakakalayo ng may humablot na kaagad sa kamay ko. Aray naman!
"Wag mo 'kong tinatalikuran kung kinakausap pa kita!" Mataray na sabi niya. Wow! Yung totoo? Kakambal ba ni demonyo ito?
"Eh sa ayaw kong kausapin ka, anong magagawa mo?" Mataray ko rin na sagot sa kanya. Akala naman ng isang 'to ang ganda niya? Well... binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Panget siya. Panget sila! Hmp!
"Sa ayaw at sa gusto mo, pag ako ang kaharap mo, wala kang karapatang talikuran ako!" Sigaw niya tapos hinablot agad yung buhok ko. Teka!? Bakit may ganitong eksena!?
Pinilit kong tanggalin ang kamay niya pero huli na kasi nakisali na yung dalawang kasama niya.
SHIX! First day na first day magaguidance yata agad ako. Pero dibale na. Mas okay maguidance kesa makalbo! Kaya naman gumanti na rin ako. Kung kaninong buhok man ang nahablot ko, goodluck sa'yo.
WAAAH! Ansakit! Hindi lang kasi pananabunot yung ginagawa nila. Nangangalmot pa! Andaya! Anim na kamay laban sa dalawa! Lugi ako! Kung andito lang sana mga kaibigan ko baka patay na 'tong mga 'to!
"Anika stop!" Napatigil kaming apat sa rambolan ng may anghel na sumigaw. Nang nakita ko siya napawi lahat ng sakit na naramdaman ko. SHIX! Guardian angel na nga knight in shining armor ko pa! Forever na talaga kami!
"J-Jeiz siya kasi! Sabi niya wala daw kwenta yung squad niyo kaya nainis kami. Tapos kinakausap lang namin siya, bigla-bigla na lang nanabunot!" Sumbong nitong babaeng 'to. At ano!?
"HOY BABAENG POSTE! Wala akong sinabing ganyan! Ni ayaw nga kitang kausapin! Saka duh? Ako? Biglang nanabunot? For your information, hindi ko hilig ang manabunot. Masyado kasing mild. Kapag kasi susugod ako, sakalan ang labanan. Wala kasing namamatay sa sabunutan. Walang thrill." Inirapan ko sila bago ako naglakad. Bwiset! Sabunutan niyo na ang lahat wag lang ang nagugutom!