B I L - 14

51 8 0
                                    

BIL 14: Never

Alas singko pa lang kanina, gising na ako.

Naghanda ako kaagad ng almusal para sa sarili ko bago naligo.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ko sa aming body sized mirror.

I'm wearing a black and red flannel top na tinernohan ko ng black high-waisted skinny jeans na may cut sa bandang tuhod.

Plano ko sanang mag dress kaya lang naalala ko na motor nga pala ang service ni Giro. Mas makakasakay ako ng maayos kung ganito ang suot ko.

Kinuha ko ang aking puting flat sneaker bago dumiretso sa may sofa at isinuot ito.

Tumayo ako sa pagkakaupo at itinadyak-tadyak ang paa ko para mafit ng maayos ang sneaker ko.

Pagkatapos ay pumunta ako sa study/work table namin ni kuya na may salamin sa harap. I checked my face and put some powder on it. Inayos ko rin ang kilay ko bago nagpabango.

I brushed my hair and putted some hairpin on the left side. I sigh when I'm done.

Bakit? Why the hell I'm preparing? Bakit ako nag-aayos? Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako susunduin at kung saan kami pupunta! And wait... Why am I going, by the way?

Napatalon ako ng may biglang kumatok sa pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko...

"Lara?" Tawag ni aling Ester. Ang landlady namin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang na disappoint ako. Why Lara? Sino ang iniisip mong kakatok diyan?

"Po?" Tamad akong naglakad papunta sa pintuan at pinagbuksan si aling Ester.

Napaawang ang kanyang bibig bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Ng matapos niya akong ieksamin ay saka pa lang siya nagsalita... "May poging naghahanap sa'yo sa labas. May date kayo?" Ngumisi siya sa'kin.

"Wala po. 'Di ko po 'yon boyfriend!" Kinakabahang sagot ko. Shix! Mamaya itsismis niya kay kuya na nakipag date ako kahit na hindi! Madaldal pa naman ang isang 'to!

"Asus! Nag deny pa! Bakit? Sinabi ko bang boyfriend mo?" Bumungisngis siya. Tsk. Mabait itong si aling Ester pero madalas, walang kwentang kausap.

Kaya imbis na magpaliwanag sa kanya, aalis na lang ako dahil alam ko namang 'di rin siya maniniwala. Kay kuya na lang ako magpapaliwanag kung magkataon...

"Sige po aling Ester. Ako na po ang bahala sa kanya." Sabi ko at sinaraduhan na siya ng pinto.

"Teka lang Lara! Paano yung nagsusundo sa 'yong tsinito? Break na ba kayo?" Rinig kong tanong niya kahit na nasa loob na ako. What the hell? Is she reffering to Maxwell? Oh Gosh! Kung alam niya lang!

Hindi ko na pinansin ang pahabol na tanong niya. Dumiretso ako sa study table at kinuha ang cellphone kong nakapatong doon.

I turn it on and checked the time. 7:07 AM. Early nga!

Sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa salamin at mabilis ng naglakad patungo sa pinto.

Pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang kumalabog ang puso ko. I don't know why but I unconsciously walk back to the study table.

I checked my hair and my face again. What? Why do I feel nervous?

Napatitig ako sa sarili ko ng ilang Segundo.

Damn! I'm unconsciously, conscious!

Umiling-iling ako para iwaksi ang mga naisip ko. No! I can't be conscious! Bakit naman ako makoconscious? Like duh? Si demonyo lang 'yan! Hindi dapat ako kabahan or anything!

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon