B I L - 18

12 4 0
                                    


BIL 18: Please

Maaga kaming nagising ni Sarie. As usual, naghabulan nanaman kami para sa make up chuchu niya. But this time, nahuli niya ako.

She putted some light make up on my face. Hindi nga halata na may make up, eh.

Gusto niya pa nga sanang i-curl ang mahaba kong buhok tulad ng ginawa niya sa kanya, pero hindi na ako nagpauto.

I fixed my hair in a messy bun. Okay na 'to.

Nakasuot si Sarie ng green crop top at white cardigan na pinartneran niya ng black shorts.

Ako naman ay nagsuot ng white v-neck shirt na pinartneran ng faded high wasted jeans at sneakers. Not really a fan of fashion.

Lyon said we're going to skyranch today. That's why me and Sarie are so excited!

"Ready ka na?" Sarie asked habang nireretouch ang blush on niya.

"Oo, kanina pa. Ikaw lang naman itong matagal!" Inirapan ko siya. Sinimangutan naman niya ako.

Nang natapos siya ay lumabas na kami. Nagtext sila Lyon na nauna na daw sila sa lobby. Antagal kasi nitong si Sarie, eh!

Pagkababa namin ay sinalubong kaagad kami ni Kiver.

"Hey ey ey!" Aniya at akmang yayakapin kami ni Sarie.

"Iver!" Sabay na saway ni Lyon at Giro sa kanya. Napahagalpak si Kiver.

"Chill dudesss!" Aniya at natatawang nagtaas ng dalawang kamay na animo'y sumusuko sa pulis.

Binatukan lang siya ni Liam kasabay ng pag una nila Lyon sa parking lot.

--

Kapit na kapit nanaman si Sarie pagkasok namin sa Skyranch. Ewan ko ba sa babaeng 'to! Mas mukha naman siyang ate sa'kin pero kung makakapit akala mo ate niya ako.

Nasa kabilang gilid ni Sarie si Lyon. Okay... palpasali nanaman ako dito.

Nauuna naman sa paglalakad si Liam at Kiver. Sa likod namin ay si Jeiz at si Giro. Kainis! Dapat kasi kami nalang ni angel Jeiz ang magkatabi! 

"Doon tayo!" Kung saan saan ang tinuturo ni Kiver. Napapangiti ako sa kanya. Para siyang bata na napunta sa perya.

Panay ang libot at sakay namin sa mga rides. Kadalasan, magkatabi kami ni Sarie o kung 'di naman ay kaming lahat.

Kumain kami ng tanghalian. Tulad ng mga naunang pangyayari, tinabihan nanaman ako ni Vilkinson. 

Tawanan kami ng tawanan habang kumain. Pinag-uusapan kasi ang mga itsura namin habang nakasakay sa mga rides.

Pagkatapos mananghalian ay naglibot at sumakay ulit kami sa mga rides. Panay din ang picture ni Sarie. Minsan kaming lahat pero kadalasan ay kaming dalawa lang.

"Tara! Cable car tayo! Last na talaga bago tayo umalis..." Yaya ni Kiver. Napangiti ulit ako sa kanya. Ang hyper ng isang 'to ah? 'Di nauubusan ng energy! Kanina pa siya last ng last pero panay parin ang yaya.

"Sige!" Sang-ayon ni Sarie. Nagtanguan naman ang iba.

Napagkasunduan nila na si Liam at Kiver sa unang car tapos si Lyon at Sarie sa pangalawa at kaming tatlo ni Jeiz at Giro ang sa pangatlo. Dapat ay kila Kiver sasama si Giro pero ayaw niya. Sa'min na lang daw.
Pwede namang isang cable car kaming pito pero ayaw ni Lyon. No choice.

Nakapasok na sina Kiver, Liam, Sarie at Lyon sa mga cable car nila. Huli kaming tatlo.

Walang kumilos ng pinagbuksan kami ng pintuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon