B I L - 15

39 8 2
                                    

BIL 15: Yours

Maaga akong sinundo ni Jeiz kinabukasan para idala sa bahay nila.

Napanganga ako ng ipasok niya ang kanyang kotse sa bakuran nila. Ang laki ng bahay nila!

Nadatnan namin sina Lyon, Kiver, Liam at Sarie. Naghihintay sila sa tabi ng sasakyan ni Lyon. So ako nalang pala ang kulang?

Napagkasunduan kasi namin kagabi na dito magkita sa bahay nila Jeiz kaya lang sinabi kong hindi ko alam kung saan kaya nagprisinta siya na sunduin ako. Ganoon din ang ginawa ni Lyon. Kaya malamang, dinaanan muna niya si Sarie bago sila dumiretso dito kila Jeiz.

Naunang bumaba si Jeiz pagkapatay niya sa makina ng kanyang sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan.

"Salamat" Ngumiti ako at ganoon din siya.

Nauna akong naglakad palapit kina Sarie habang si Jeiz ay kinuha ang mga gamit ko sa likod ng kanyang sasakyan.

"Bakit antagal niyo?" Tanong agad ni Sarie.
"Kasi..." Napayuko ako. "Sorry. Nalate kasi ako ng gising." Pag-amin ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi.

"Na-excite ka din?" Ngumisi siya.

Tumango na lang ako kahit na hindi naman talaga 'yon ang rason.

"Excited ka din pala, edi tara na!" Aya ni Kiver ng mailipat na lahat ni Jeiz ang mga gamit ko sa sasakyan ni Lyon. Nakita kong nakaayos na rin ang mga gamit nila doon.

Ginapangan tuloy ako ng hiya. Hindi naman ako gaanong nalate pero kasi ako ang huling dumating.

Ini-angat ni Lyon ang isang upuan sa gitna para maokyupa ang mga upuan sa likuran. Nag-unahan agad sa pag-upo si Liam at Kiver doon. Nang makapasok ang dalawa ay ibinalik na ni Lyon sa ayos ang ini-angat na upuan.

"Dito na kayo ni Lara. Ako ang magmamaneho at si Sienna ang gusto kong katabi." Sabi ni Lyon kay Jeiz bago bumaling kay Sarie. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ng bruha! Oh well... kinikilig 'yan, for sure!

"Okay" Ako na ang sumagot dahil mukhang walang balak si Jeiz sabay kindat ko kay Sarie.

Umikot na si Lyon sa driver's side kasabay si Jeiz. Sabay-sabay nilang binuksang tatlo ang kani-kanilang pintuan. Buti na lang at nakabukas na ang pinto sa side ko dahil sa pagpasok nila Kiver kanina.

Akmang papasok na kaming apat sa loob ng sasakyan nang makarinig kami ng busina mula sa gate nila Jeiz.

Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo habang dahan-dahang nililingon ang direksyon ng gate nila Jeiz.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok sa gate ang matte gray na R8 spyder niya.

Napasipol si Lyon bago tumingin sa'kin. What?

"Sino 'yan? Si Vilkinson?" Tanong ni Kiver habang hirap na sumisilip mula sa loob ng sasakyan.

"Sabi na eh!" Tumawa si Liam sa tabi niya at lumingon din sa akin na nagpakunot sa noo ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang bumukas na ang pintuan ng R8 niya.

Napalunok ako nang makita ang paglabas niya. May bitbit na siyang backpack na siguro ay inilagay niya lang sa tabi niya.

Nakasuot siya ng gray V-neck shirt at white maong shorts na pinartneran niya ng puting sneakers. Kaya lang nakasuot siya ng rayban kaya hindi ko makita ang mga mata niya...

Bump In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon