BIL 1: Demonyita
"Hey!" Untag niya kaya napatikom ang nakangangang bibig ko.
"H-Ha?" Shix! Ang gwapo masyado ng isang 'to! Nakakawala ng ulirat!
"I'm asking you. Mga anong oras mo balak mag sorry?" Masungit na ulit niya. Oo nga't ubod siya ng gwapo pero ayoko ng tono ng pananalita niya. Himig demonyo!
"Ha? Bat naman ako magsosorry?" Nakakunot noong tanong ko bago kinuha ang mga libro mula kay anghel "Salamat" Nakangiting baling ko sa kanya bago tumayo.
"Because you bumped me." Aba-aba! Angas makapagsalita ng isang 'to ah? Saka anong binanggang pinagsasasabi niya? Hello? Pader kaya yung nabangga ko!
"Nagpapatawa ka ba?" Natatawang tanong ko. Kitang-kita ko ang panliliit ng mata niya at ang pag-igting ng kanyang panga. Galit na siya niyan?
"Hey miss beautiful! Matanong ko lang, kilala mo ba 'yang kinakausap mo?" Singit nung isang kasama nila na nakatayo sa likod niya.
"Hindi. At wala akong balak malaman." Mataray na sagot ko. Ang sabatero kasi masyado eh!
"Woah!" Natatawang reaction nung dalawa pang kasama nila. Ano ba sila? Gang?
Napatingin ako kay anghel na nakangiti . Para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Bakit? Ano bang meron?
"Mabuti pa, mag sorry ka na lang sa kanya kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo dito." Sabi ulit nung sabatero sabay turo kay demonyo. I knew it! Demonyo talaga ang isang 'to!
"Pwede ba mga manong? Wala akong oras para sa 'wow mali' ninyo." Iritado kong tiningnan 'tong si sabatero at si demonyo bago ako humarap ng nakangiti sa anghel na tumulong sa'king pulutin ang mga libro ko kanina. "I have to go. Malelate na ako." Paalam ko sa kanya. Oo, sa KANYA lang. Sa anghel lang. Sorry demonyo, pero hindi basta-basta ang 'sorry' ko.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tumakbo na ulit ako ng pagkabilis-bilis bago sumulyap sa relo ko. SHIXXX! 12 minutes late na ako!
Napalunok ako habang inaayos ang gurang kong buhok.
Zamn! I'm late!
Dahan-dahan akong sumilip sa loob ng room ng marating ko ito.
Wait... WHAT!?
Pakiramdam ko naubos lahat ng dugo sa katawan ko dahil sa bigla nitong pag-akyat sa ulo ko.
Nakakainis! Walang prof! Madapa-dapa na ako sa pagtakbo tapos ito ang aabutan ko?
Lumipas ang oras ng first class ko ng 'di ko manlang nasilayan ni anino ng prof namin.
Nakakainis! Nakakainis talaga! Kung alam ko lang na wala din pala kaming prof para sa klaseng ito, edi hindi na sana ako nagmadali! Edi sana mas matagal ko pang nakasama yung anghel kanina!
Nakakainis! Ang bilis tuloy ng naging unang pagtatagpo namin!
Tsk! Baka mamaya makaapekto pa yung pagmamadali ko kanina sa road to forever namin! HUHUHU!
Naglalakad ako ngayon sa buwan... I mean, sa corridor papunta sa next class ko.
Tinamad ako biglang pumasok. Mamaya kasi wala nanamang sumipot na prof. Kaboring kaya!
Malayo pa lang ako ay natatanaw ko na ang kumpol ng kababaihang nakapalibot sa room na pupuntahan ko.
Anong meron?
Habang papalapit ako, narinig ko na ang pigil na tilian nila...
"Oh my gosh! Ang gwapo talaga niya!" Sabi nung isang babae na akala mo inaatake ng epilepsy sa sobrang paninisay. Gwapo? Wait... si anghel ba ang tinutukoy niya?
Nahirapan ako sa pakikipagsiksikan para lang makapasok sa room ng next class ko. Ano ba kasing meron? Bat sila nandito at nagkakagulo? May artista ba?
Agad nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan na akong nakapasok sa classroom...
Aba't tama ang hinala ko! Nandito nga ang anghel na kaforever ko!
Automatic na nag stretch ang mga muscles sa aking mukha.
OMG! Ang gwapo niya talaga! Bagay na bagay sa kanya ang white V-neck shirt na suot habang prenteng nakaupo sa armchair niya at nakikinig ng something sa earphone niya.
Ano kaya ang pinapakinggan niya? DZMM? Teleradyo?
"Look who's here!" Napatingin ako sa biglang nagsalita.
Aba't nandito rin pala ang sabaterong 'to?
Inilibot ko ang tingin at nakitang nandoon din si demonyo pati yung dalawang kasama nilang patawa-tawa kanina.
Nagulat ako ng biglang tumayo si demonyo sa upuan niya bago maangas na naglakad palapit sa'kin.
OH MY! Angel help! Mukhang mansasakmal ang demonyong 'to eh!
"Tingnan mo nga naman! Nagkita ulit tayo. Mukhang minamadali talaga ng Diyos ang paghihiganti ko sa'yo..." Baka si Satanas kamo? Napairap tuloy ako.
Sasagot sana ako pero nawala sa isip ko ng mahagip ko ang mga mata ni anghel na nakatingin sa'kin. Shix! Forever na this!
Kaya imbis na mag sayang ng laway ay naglakad nalang ako papunta sa bakanteng upuan sa likod ni anghel.
Kaya lang, 'di pa man ako nakakalayo...
"Hoy pandak! Kinakausap pa kita!" Di ko siya pinansin. KYAAAH! Kakainis! Occupied naman na kasi yung mga upuan sa magkabilang side ni anghel. Tabi sana kami!
"HOY!" Sabay higit niya sa braso ko. Tsk!
"ANO BA?" Naiinis na baling ko sa kanya. Mag eskandalo ba naman kasi, dito pa sa harap ng kaforever ko?
"Sabi ko, kinakausap pa kita!"
"Ano ngayon?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Problema ba ng demonyong 'to?
"Kaya wag mo akong tinatalikuran!" Madiin niyang sabi. Natawa ako sa itsura niya.
"Pake ko ba sa'yo?"
"BURN!" Sabat nanaman ni sabatero bago sila humagalpak ng tawa nung dalawa pang kasama nila. Hilig talaga sumampitaw ng isang 'to ah?
Natahimik sila ng tingnan sila ng masama ng demonyong ito.
Uh-Oh! Ikaw ba naman bigyan ng killer look ng isang demonyo, di ka kaya matakot?
Sa halip na pansinin lahat ng galaw nila, naglakad na lang ulit ako papunta sa upuan na nasa likod ni anghel na kaforever ko. MEGAD! Likod pa lang, ulam na!
"AKO DIYAN!" Sigaw nanaman ni demonyo bago pa ako makaupo sa upuang gusto ko. Tsk!
"So what pake ko?" Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Pansin ko rin ang pagpipigil ng tawa ng mga kasama niya dahil sa sinabi ko.
Padabog niyang kinuha ang isang color gray na bag na nakapatong sa upuan na nasa harap ni anghel.
Oh? Akala ko ba dito siya? Eh bakit nandun yung bag niya?
Padabog siyang naglakad palapit sa'kin.
Halos atakihin naman ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko.
"You'll pay for this." Matigas na bulong niya bago padabog na umupo sa isa pang bakanteng upuan sa likod ko.
Aba! Siga nito masyado ah? Kaya naman wala pang sampung segundo, humarap na agad ako sa kanya.
"Magkano?" Nakangiting tanong ko. Don't get me wrong... Ngiting nang iinis ang ibinigay ko. Dao Ming Si, huh?
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya kasabay ng muling pag igting ng kanyang panga. Ooopsss!
"Sasapakin mo ba 'ko? Sige ba! San banda mo gusto?" Nginitian ko ulit siya. Yung mas nakakairitang ngiti.
"Tss..." Iiling-iling siya. Para bang 'di siya makapaniwala na nabara ko siya?
Kindat with matching ngiting aswang ang iniwan ko sa kanya bago humarap sa anghel na nakatadhanang maging forever ko.
Demonyo ka? Pwes... Demonyita ako!