BIL 16: SisikatHanggang sa makarating kami dito sa Tagaytay, wala na ulit umimik samin ni Giro.
Si Jeiz naman ay nakaidlip katulad ni Liam. Kaya ang maingay lang sa byahe after naming magstop over ay si Kiver, Lyon at Sarie.
Tanghali nang makarating kami dito at nakapag lunch. Magpahinga daw muna kung napagod sa byahe kaya heto't nandito kami ngayon ni Sarie sa hotel room namin.
Libre lahat ito ni Lyon. Hindi nga ako nagkamali. Yayamanin ang squad nila demonyo!
In-offeran kami ni Sarie ng tag-isang kwarto ni Lyon kaya lang ayaw ko at ganun din ang bruha. Pareho naming gusto na magkasama.
Alas kwatro y media na at nakatunganga parin kami dito ni Sarie. Nakatanaw siya sa veranda kung saan kita ang bulkang Taal habang ako naman ay nakadapa sa aking kama. There are two single bed inside our room. One for me and one for Sarie."Ano bang balak nila Lyon? Magpahinga dito sa hotel buong sembreak?" Naiiritang pumasok si Sarie sa loob ng aming kwarto. Natawa ako.
"Maybe? Tanungin mo kaya?" Mapang-asar na sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako lalo.
"Ikaw na kaya? Tutal ikaw naman itong inaya niya na nang-aya sa'kin!" Iritadong sabi niya at umirap pa! Wow! Taray! Humagalpak ako ulit sa tawa. Ansaya talagang inisin ng babaitang ito!
Pero wait... ano nga bang plano nila?
Napabangon ako ng may kumatok sa pinto.
"Ako na!" Ani Sarie bago padabog na nagmartsa papunta sa pinto.
Pinagbukasan niya ang kumakatok at tumambad samin ang gwapong si Lyon.
Mas lalo akong humagalpak dahil sa pagkaestatwa ni Sarie sa kanyang kinatatayuan.
"Buti't gising na kayo. I thought you two are sleeping kaya nagdadalawang isip akong kumatok..." Bungad ni Lyon.
"We didn't sleep. Baka kayo ang nakatulog? Balak niyo yatang matulog dito hanggang matapos ang sembreak eh. Sana 'di niyo na lang kami sinama!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang muling paghagalpak ng tawa.
Oh my gosh! Sarie's kinda moody today! Kanina lang sa byahe tuwang-tuwa siya! Tapos ngayon, ilang oras lang na nagkahiwalay sila ni Lyon, inis na inis na siya!"Hindi rin ako natulog. I just enjoyed the view of Taal volcano while waiting for some more time to knock you out. Ewan ko lang sa iba." Sabi niya kay Sarie pero bumaling sa'kin nang sinabi ang 'iba'.
Hindi sumagot si Sarie. Nagmartsa lang siya at naupo sa tabi ko. What's with you, Sar? Hahaha!
"Ganoon ba?" Ako na lang ang sumagot.
Bastos kasi nitong si Sarie! Kinakausap ng mahal niya, lumalayo?
"Yup. By the way, mayang 6 mag didinner tayo. Dadaanan namin kayo dito." Sabi niya bago nagpaalam.
Alas kwatro pa lang pero nag ready na kaagad si Sarie. Naligo siya at nagbihis kaya ginaya ko nalang.
She's applying some make up habang tinutuyo ko ng tuwalya ang aking buhok. Sabi niya iblower ko daw but then, I refused. Boblower pang nalalaman, matutuyo rin naman kahit tuwalya lang.
Nagkaroon nanaman kami ng saglit na habulan dahil sa make up. Pinipilit nanaman kasi niyang make-upan ako kahit na ayaw ko. At dahil mas maliit ako sa kanya, mas mabilis akong tumakbo at makasuot sa kung saan kaya sumuko na lang siya.