BIL 13: Tomorrow
"Nandito kasi yung crush ko, nahihiya ako." Kinagat niya ang kanyang labi para itago ang pagngiti.Nagbulungan ang mga tao habang nakatitig parin siya sa'kin. SHIX! Hindi ako assumera pero don't tell me na totoo ang hula ng mga kaibigan niya?
"Hala! Sino kaya?" Agarang tanong ni Sarie sa amin ni Max.
"SINO?" Sigaw ng kababaihan mula sa likuran. Namilipit ang tiyan ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit...
Hindi niya manlang sila sinulyapan. "Secret" Sagot niya bago ako kinindatan.
Shix! Naramdaman ko ang pagwawala ng mga langaw sa sikmura ko. WHAT. THE. HELL?
--
Ala una na ng tanghali ng magising ako. Alas kuwatro na kasi kaninang umaga ako nakatulog.
Yes. I'm thinking about the night out.
Jongina kasi eh... Hindi ko maintindihan!
Jeiz's supposed to be the angel and Giro should be the demon. Pero bakit parang nag palit sila ng katauhan kagabi?
Bakit ganoon makatingin sa akin si Jeiz? At bakit ako tinititigan ni Giro? And the hell... ako ba 'yong tinutukoy niyang crush niya? Err! You're so assuming, Lara!
Pero... Bakit siya nagalit kila Anika? Bakit hindi siya nakakashoot noong si Jeiz ang chineer ko? Bakit niya ako binantayan sa library? Another, bakit niya ako binigyan ng coat noong birthday ko? Speaking of coat...
Pumunta ako sa aking cabinet para halungkayin ang coat niya.
Hindi ko pa pala ito naisasauli. Hindi niya rin naman kasi hinahanap.
Ngumawa ang tiyan ko.
Err... Oo nga pala! 'Di pa kita napapakain. Relax there stomach! Eto na, kakain na!
Ibinalik ko ulit ang coat sa aking cabinet. Next sem ko na lang ito ibabalik.
Sinuklay ko ang basa kong buhok bago tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Ng maayos na ay lumabas na ako ng apartment at isinarado ang pinto.
I'm going to take my brunch again.
--
Alas tres na ng makarating ako sa school. Grabe! Tanghaling tapat na nga ako bumyahe, natraffic padin!
Wala ng pasok. Sembreak na. Andito lang ako para kuhanin ang grades ko.
Wala naman akong pangamba dahil hindi naman ako nangamote sa sem na ito.
Mag-isa ko lang ngayon dahil saka na daw kukuha ng grade si Sarie at Maxwell.
Nagpunta ako sa bawat subject teacher ko. Ang iba ay paimportante kaya inabot na ako ng dilim. Mag aalas siyete na at iilan na lang ang mga estudyante sa paligid.
Tama lang na hindi ako nangamba. Puro uno ang grades ko! Thank you po Lord!
Masigla akong naglakad papunta sa gate para makauwi na. Excited na akong ibalita kina mama at papa ang naging grades ko ngayong sem!
"Hi!" Napatigil ako ng bigla akong harangan ng apat na seniors. Nakangiti silang lahat sa'kin. Kinilabutan ako...
"Balita namin, bagong shota ka ni De Leon? Naku! Wag 'yon! Nasa loob ang kulo ng isang 'yon!" Sabi noong isa.
Unti-unti silang naglakad palapit sa'kin na naging sanhi ng pag-atras ko. What? Irerape ba nila ako? Anong gagawin ko? Tatakbo? Sisigaw?
"Pwede namang kami na lang apat... 'Di ka magsisi promise!" Nagtawanan sila. Shix! 'Di ko alam na may mga adik din palang nag-aaral dito?