*Chapter 3: Minsan, kailangan nating mag-sinungaling*
2ND DAY
Nakatulog na ang bruha kong kaibigan na si George. Well, kahit anong pilit niya.. Hindi ko kwinento ang mga nangyari kanina. Sa kadahilanang, wala lang. Ayoko lang.
Ang kwinento ko lang ay ang mga effort ni Bryan. Mukha namang mahimbing na ang tulog niya kaya't bumangon ako papunta sa aking study table saka ko tinignan ang aking laptop.
Mag-ta-type ako. Obviously. Hindi lang naman math ang paborito ko. Gustong gusto ko rin ang pagsusulat. Kaya naman pumupunta ako sa wattpad para mag-sulat. BWAHAHAHA! Meron na rin naman akong readers. Marami na nga eh. Ganda ko talaga!
Anyway, ano nga ba ang nangyari kanina?
Well... Ganito kasi yun..
>> Flashback
After ng siomai moment namin, umalis na rin siya at nagpaalam para mag-ready sa meeting mamaya kasa ang CEO.
Kabado ako. Pero alam kong maganda ako, therefore, hindi dapat ako kabahan. Psh >_>
"Ready na ba lahat ng files?" Tanong ko sa sekretarya kong maarte. Tumingin siya sakin saka niya pinakita ang mga files na hawak hawak niya. Hello?! Di man lang sumagot! Sipain ko kaya to?! =___=
Nauna kaming pumunta sa conference room para i-ready ang powerpoint presentation. Maganda naman ako kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa rest room para lang tignan ba kung mukha akong presentable.
Maya-maya dumating na ang iba't iba head ng bawat ng departments together with their secretaries na ang upuan ay nasa likod namin.
Nakita ko si Bryan na kasama ang ibang mataas ang posisyon na nag-uusap usap. Actually, yung isa doon ay tita niya. They are talking about some stuffs. Pagkatapos nila magg-usap ay naupo na rin sila. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tabi ko naupo si Bryan kahit alam kong hindi siya dapat doon naka-upo. Dahil dapat ang katabi ko ay ang head ng marketing department.
"Nervous?" Tanong niya sakin.
"Nope." Confident na sagot ko.
Ngumiti siya sakin kaya mas kinabahan ako. Ang ginawa ko, hindi ko nalang siya tinignan saka ko ini-scan ang mga papers. Isa isa ng binibigay ng sekretarya ko ang hinanda naming files sa mga tao na nasa loob rito.
Dumating na rin ang CEO dahilan para batiin namin siya bilang isang pagbibigay galang sa pinaka boss namin.
Maya-maya lang ay nag-start na ang meeting.
Tatlong oras lang naman ang naka-laan para sa meeting na ito pero hindi ko maintindihan kung papaano at bakit ganito ang nararamdaman ko.
Gusto kong laiitin ang bawat taong nandito pero hindi ko magawa. Kilala niyo ako. Lagi akong nang-aapi. Pero ngayon, hindi ako makapagsalita.
May mali sa papers.
"Miss Cortez. Did you check this paper?" Tanong sakin ni Mr. Lopez. Para akong dahon na natuyo dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. "Alam mo ba na sobrang ang zero sa budget mo? Is this a typo? One hundred thousand became one million." Kalmado lang ang boses niya pero alam kong bad shot na ako sakanya.
"Sir I'm-" Hindi pa man din natatapos ang salita ko ay may nagsalita sa likod ko.
"Actually sir, it was my mistake."
Lahat ng atensyon at napabalin sakanya. Nanlaki rin ang mata ko sa sinabi niya. What the! Nababaliw na ba siya?! Magsasalita sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko na nakapating sa hita ko.
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
HumorCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.