Chapter 07 / Original Version 2013

23.1K 194 73
                                    

ENJOY!

*Chapter 7: And it has been cracked, again*

Maganda ako. Hmmm. Yes, I know. Maganda ako. Bata pa lamang ako, tinatanong ko na sa sarili ko kung bakit ang ganda ganda ko. Yung tipong titingin palang ako sa salamin, napapa-wow na ako sa reflec-

"Bitter butter ko.. Gising na. Nahihibang ka nanaman. Puro kagandahan mo nanaman sinasabi mo."

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbangon ko ng marinig ko ang boses niya.

Pucha!

"What the fuck! What am I doing-"

"Stop cursing, Nicole." 

Ang blurred na paningin ko ay unti unting luminaw. Pati utak ko. Shet. Oo nga pala, nasa hotel nga pala kami.

Wait- Don't get me wrong.

Hindi po ito ang scenes na karaniwan niyong mababasa. 

Una; Sa mga librong binabasa ninyo ang lalaki ay naka-higa at nakayakap sa babae. Yung tipong 'Gumising ako at tadaa! Nakayakap ang mabibigat niyang braso sa akin and we are inches away from each other. Omg.' Nope. Not like that. Naka-ayos siya habang naka-upo sa dulo ng kama.

Pangalawa; It ain't cliche! You know why? Kasi napansin kong merong kumot sa couch. Which means, doon siya natulog.

Pangatlo-

"Hey, before you assume.. Ikaw ang natulog sa couch."

Teka, mind reader ba 'tong lalaki 'to?

"What? Eh bat ako nandito?"

"Ewan ko sa'yo.. Nagulat na nga lang ako nung nakita kong katabi kita eh."

"Seryoso ka ba diyan, Bryan?" =___=

"Joke. Pero dun ka nga natulog. Nagising lang ako ng maaga kaya binuhat kita papunta diyan. Bigat mo nga eh." Sabi niya sakin.

Bigla akong nakaramdam ng insecurities sa katawan. Shet! Bat kasi andami kong kinain kagabi?!

Tumayo ako at humarap sakanya. "Mataba ba ako?" 

"Mahal kita." Deretso niyang sagot.

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko and I was about to ask him what he meant when he started to laugh his ass off.

Urgh! Biniro nanaman ako.

Asshole.

"Trip mo talaga ako no, Bryan? Leche ka talaga!"

"HAHAHAHA! Your face was priceless! Dapat nga pinicturan ko!"

Umirap lang ako sabay hinagis ko ang unan sakanya. "Shut up!"

Tumawa lang siya for five minutes habang ako ay hindi tumitigil sa pag-bato sakanya ng kahit anong hawakan ko.

Bwisit talaga!

"Hahahaa! Ang pangit mo kanina Nicole! Hahahaha!"

I was about to kick his ass nang marinig namin ang katok sa pinto.

"Haha-wait!"

Umirap lang ako saka ako humiga ulit sa kama.

Habang hinahanap ko ang phone, naalala ko bigla yung nangyari kagabi at yung weird na text sakanya nung tatay niya. Which reminds me of... 'SHE' Sino ba yung she na yon? Uh.. Baka mommy niya?

"Hey, baby.."

Lumingon ako kay Bryan at nagulat nang makita ko siyang may dala dalang tray.

Nilagay niya ito sa kama kaya umupo ako.

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon