CRAPPY PO ITO. PANGET TALAGA SORRY.
*Chapter 10: Isampal ko kaya sa'yo 'tong bote ng tubig?*
Hindi parin siya gising.
In short, nasa comatose parin siya.
"Chill ka lang sis."
Chill?! Paano ako makakapag-chill kung ganun parin ang lagay nung bwisit na lalaking 'yun! Duh. Nakaka-irita! Nakaka-inis! Sasampalin ko talagang impokritang Perry na 'to eh. Sarap sapakin. Bwisit talaga. Kung di naman siya pumagitna sa daan eh hindi siya ililigtas ng nag-aala bayaning si Bryan.
Hah! Badtrip talaga!
Okay. Badtrip nanaman ako. Eh anong magagawa ko!? Eh sa bwisit na bwisit ako. Kairita talaga mga maarteng tao! Sarap pugutan ng ulo. Bwisit naman. And the worst part of it, hindi ko alam ang buong kwento kung paano at saan nasagasaan si Bryan! Ayoko namang itanong kay Perry the Platypus. I'd rather die than talk to that girl.
"Hey, Nicole. Sasabog ka na. I know, I know that you're so freaking pissed pero pwede ba? Calm down. Maraming works ang kailangan mong gawin. And besides it wouldn't help you kung ganyan ka nang ganyan." Pangangaral sakin nitong si Chanel.
Ugh! I'm really really stressed. Nakakainis naman talaga! Bwisit. Ewan ko rin kung bakit naiinis ako. Pero, basta! Naiirita ako.
Leche.
"Oo na! Pwede ba. Tigilan niyo na nga ako!" Bwisit kong sagot sakanila habang nasa harapan ako ng laptop at gumagawa ng mga dapat gawin sa office. Eto pa 'yun eh. Kasalanan ng tatay ni Bryan kung bat badtrip ako. Tinambakan ba naman ako ng sangkatutak na trabaho?!
Dapat nga magpasalamat siya sakin kasi..
"It's a good sign. I'm really glad na nag-respond si Mr. Bryan kay Ms. Cortez. Looks like she's really his girl."
Ayan ang sinabi nung doctor sa harap naming lahat. Pabiro. Patawa. Pero gusto kong sumabog sa kakatawa noong makita ko ang mukha ni Perry lalong lalo na ng tatay niya. Mwahaha! Ngiting tagumpay ako nun. Kasi nga naipamuka ko sakanila na AKO ang kayang makapag-pagising kay Bryan. Hindi si Perry. Hindi ang tatay niya. Hindi ang doctor. Hindi ang hampaslupang nurses. At hindi ang isang platypus.
Kaso nga, hindi ako makakabisita sakanya kasi dun daw mags-stay yung ungas niyang tatay. Tsk. Kairitaaa!
"Eh kasi naman.. Bakit di mo itanong yang si Candace kung bakit nangyari kay Bryan 'yun?" Tanong sakin ni Georgina. As usual, nandito kami sa kwarto ko. Kumakain silang tatlo ng ice cream habang ako gumagawa ng lecheng paperworks.
"Ayoko nga. Like duh? Wala sa plano ko ang kumausap ng hayop. Hindi ako mahilig sa pets."
Tumawa silang tatlo ng mahina. "Loka! Ang bitter talaga. Haha!"
Napa-irap nalang ako. "Excuse me?"
"Eh bat hindi yung kapatid ni Bryan yung tinanong mo? Like, duh. Baka alam yung kwento."
"Pwede ba!" I exclaimed. "Hindi ko kailangan malaman kung bakit siya nasagasaan. Wala naman akong pake eh. Kaya tigilan niyo na 'ko. I'm so stressed. Hwag niyo nang dagdagan pa."
"Okay okay! Eto naman. Chill lang friend. As if namang sinabi naming may pake ka sakanya eh.. Wala naman diba?" Pang-asar na sagot sakin ni George saka sila nagtawanan.
Kahit pa nakaka-irita sila. Masasabi kong totoong totoong kaibigan sila. Walang halong kaplasktikan. Hindi sila yung tipo na tatalikuran ka. Sila yung ipagtatanggol ka kahit hindi halata. Hindi sila nanaksak patalikod. Hindi sila backstabber. Hindi nila ipagduduldulan sa'yo mga pagkakamali mo. Ganyan sila. That's why they're my best friends. Kasi sila ang compatible sakin. Sila ang tatlong taong pinaka totoo na nakilala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/7874561-288-k72172.jpg)
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
HumorCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.