Chapter 17: Saavadra Enterprises' Company Anniversary
"Ingat magmaneho."
Yun ang last niyang text sa'kin. It's been like.. One week since that day. And I haven't heard anything from him. Well except sa meeting namin yesterday. Friday kasi kahapon. And yeah, he confirmed na sa El Nido, Palawan ang 60th anniversary ng Saavadra Enterprises. Marami kami which means, marami ring gagastusin. Buti nalang nasa budget ito.
Busy ako sa loob ng isang linggo na nagre-ready kaming lahat para sa big celebration. Two nights and three days ito. Next week ang alis namin. Friday night. Kaya pagdating namin doon, tulog agad. Then the next day, dun na rin gaganapin ang team building and such. Maraming teams eh. Iba't ibang department. Kumbaga, isang selebrasyon na. Big time.
"Bebe!" At syempre, iiwan ko nanaman ang dalawang best friends ko. Si Georgina lang naman kasi ang makakasama ko. Syempre, part siya ng company eh. Habang itong dalawa, hindi. Sila nanaman ang maiiwan dito. Pero ayos lang daw sakanila. Mukha namang masaya sila. Ewan ko kung anong meron.
"Uy! Ano na?" Kung itatanong niyo. Yes, bati na kaming apat. Okay naman na kami. Pati ni mama. She's quite happy. Kasi nga pinili ko siya. I tried to show na masaya rin ako. Na okay naman na ulit kami. Pero hindi eh.. Hindi ako masaya.
"Teh! Itong mga damit ko ang dalhin mo! Galing pa 'tong US. Original lahat." Saad sa'kin ni Mia habang nilalabas ang buong damit niya mula sa guest room ng bahay. Kahit kasi nandoon ang mga gamit nila, sa kwarto ko naman sila natutulog.
Nandito kaming tatlo sa guest room ng bahay. Si Chanel, Mia at ako. "Ano namang tingin mo sa mga damit ko? Hindi original?" Taas kilay kong tanong sakanya.
Ngumisi siya sa'kin at nagpatuloy ng paghahanap ng mga damit. "Not really. Alam ko namang mapili ka. Pero syempre, yung iba diyan Class A lang no."
"Hindi ko naman kailangan ng original na mga damit." Depensa ko. Oo. Yung ibang damit ko Class A lang. Pero at least, hindi fake. "Oh well. Hindi naman mahalaga yung sinusuot mo eh. Mas mahalaga yung nag-susuot."
"Excited ka na ba?" Tanong naman sa'kin ni Chanel na naka-higa sa kama habang naglalaro sa phone niya.
"Bakit naman ako ma-eexcite? Eh isang simpleng company anniversary lang 'yun. Wala namang dapat ika-excite doon." Deretso kong sagot. Tinignan niya ako at ngumiti. Nilagay niya sa side table ang cellphone niya't saka siya naupo sa kama.
"Well.. It's quite exciting. Knowing na nandun ang ex boyfriend mo."
Ah. Oo nga pala, nakwento ko na sakanila 'yun. Well, hindi naman lahat. Hindi ko naman ugaling mag-kwento ng detailed. "Lagi naman siyang nasa office ah. What's the difference?"
"The difference is... This time there are no walls that's going to be in between you and Bryan." Naka-ngising sabi niya sa'kin. "You two are going to have fun."
"FUN? Hindi no." Depensa ko. Ano bang akala nila? HINDI ako mag-eenjoy sa lecheng party na yun. No. No. Lalong lalo na.. Nandun ang napaka-arteng si Candace. Kainis. Panira siya ng bakasyon.
"You need to have fun, Nicole. Come on." Singit naman sa'min nitong si Mia na kakalapag lang ng pitong damit sa harapan ko. "And fun means wearing elegant and sexy clothes."
6 days passed. Ganun parin ang set-up namin ni Bryan. Lagi niya akong tinetext. Oo. Araw araw. Pero pare-pareho lang ang mga nasa messages niya.
"Eat on time."
"Ingat ka."
"Take care."
"Drive safely."
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
HumorCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.