Chapter 14: He doesn't deserve this kind of pain
Madaling araw noong napagtanto ko na kailangan ko na palang umuwi. Wala ako sa mood. Sobra sobra yung nararamdaman ko. Wala akong magawa kundi maalala yung mga nangyari na noon. Wala akong maramdaman kundi galit. Naiirita ako sa sarili ko. Ilang beses kong hiniling na sana hindi nalang ako ganito. Why can't I be more dependent? More gentle? More understanding? More loving? My god. Bakit ganito ako? Bakit nakaka-inis ako? Bryan changed my life! He changed me. Almost. Hindi buo. He changed me in a way na gusto kong ibahin ang sarili ko para lang maging deserving sa buhay niya. Kaso hindi.
Lumabas ako ng sasakyan ko at agad akong sinalubong ng malamig na ihip ng hangin. "Where have you been?" Nagulat ako nang makita ko si Mama na naka-upo sa couch sa sala. Tinignan ko ang relo ko. Madaling araw na! Bakit gising pa siya? At alam niya na ako 'to. Alam na alam niya. "My god, Nicole! Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo! WHERE HAVE YOU BEEN?!"
Napapikit ako sa pananalita niya. There she goes again.. Nagagalit nanaman siya. "Ma.." Paos na ako. Kahit pa meron pa akong konting boses na natitira, hindi ko alam kung pano ito gagamitin. I don't want to talk to her right now. Kasi tuwing nakikita ko ang mukha ni Mama, at ang sakit niya ngayon, wala akong ibang makita kundi ang tatay ko na may kagagawan ng lahat ng 'to.
"Are you hiding something, Nicole? I know you. Alam kong meron! Sabihin mo na sa'kin bago ko pa malaman sa iba. Dahil alam kong alam mo ang kaya kong gawin kapag hindi mo ako sinunod." Kalmado siya kahit pa ganun ang pananalita niya. Pero ramdam ko sa bawat pantig ng salitang binibigkas niya at galit sa'kin. Naka-upo siya. Gusto ko sanang tumakbo papunta sakanya at yakapin siya. Diba yun naman ang purpose ng nanay? Para meron kang masasandalan kapag walang wala ka na?
Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Alam kong galit siya sa'kin dahil alam kong may alam na siya ngayon. "Ma... Please! Hwag kang magagalit sakin kapag sinabi ko sa'yo-"
"WAG MONG SABIHIN SAKIN ANG GAGAWIN KO! JUST TELL ME!" Tumaas na akong boses niya. Sumisigaw na siya kahit pa alam niyang mayroon akong problema. She's mad at me.
"Ma..." Naiiyak akong lumapit sakanya at hinawakan ang kamay niyang nanginginig sa galit sa'kin. Hinawakan ko iyon. At alam kong malamig na malamig ang kamay ko sa sobrang kamay. "Ma, sorry. Sorry.."
"Iwanan mo na siya." Halos mabingi ako sa sinabi niya. What? Iwanan? Kahit pa mahinahon yun, alam kong seryoso si Mama.
"I can't." Deretsyong sagot ko sakanya.
"Choose! Ako o siya?"
"MA! Hindi ko kaya yan! Alam mo naman na mahal kita diba?! And he's not like my father!" Nakangiti ako noong sinabi ko yun. Kahit pa naiiyak na ako, nagawa ko parin ngumiti. At sobrang desperada ko para lang gawin iyon. Mukha akong tanga na kinukumbinsi ang mama ko na masaya ako. Na tama ako, at mali siya. "He's not like my father ma! FINALLY! Nakahanap rin ako ng lalaking pahahalagahan ako. Bakit hindi nalang kayo maging masaya parin sa'min? Hindi niya ako iiwan. He won't give me up! And I wo-"
Hindi ko na naituloy pa ako sasabihin ko nang maramdaman ko nanaman ang pagdaplis ng kamay niya sa pisngi ko. Gaya ng dati, tuloy tuloy nanaman ang luha ko. Walang pakundangan nalang silang bumagsak.
"I TOLD YOU NICOLE! LOVE CAN DESTROY YOU!" Pero hindi siya tulad ni Daddy. Hindi niya ako cinomfort. Sinadya niyang sampalin ako. "You lied to me! Kita mo na?! Kita mo na yan, ha Nicole?! Ilang beses kitang tinatanong kung nasaan ka tuwing lumalabas ka, yun pala nakikipag-kita ka sa boyfriend mo!? GINAWA KA NIYANG SINUNGALING!"
Ma naman. Ilang taon na ba ako? Hanggang ngayon ba naman? Bakit kailangan idamay mo ako sa galit mo sa mundo? Bakit kailangan masaktan rin ako kasi nasaktan ka? Bakit kailangan ilayo mo ako sa mga bagay na kailangan kong malapitan?
![](https://img.wattpad.com/cover/7874561-288-k72172.jpg)
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
HumorCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.