Chapter 15: Heartaches and broken souls
When deep injury is done to us
We never recover until we forgive
Sunday na ngayon. Meron akong kukunin sa office. Buti nalang meron rin akong susi at meron ring iba na nandun ngayon. Kailangan kong gawin lahat ng dapat kong gawin ngayong araw dahil alam kong kailangan kong umuwi bukas. Ayokong makita si Bryan. Hindi ko pa kaya. At.. Anong sasabihin ko sakanya? Anong ire-react ko? Anong isasagot ko kapag tinanong niya ako?
Tulad kahapon, malamig parin ngayon. Akala ko nga mainit na dahil malapit lapit na rin ang summer. Pero bakit ganun? Hindi ko alam kung merong bagyo o kung ano pa man. Ang alam ko lang, malamig ngayon. Mahangin. Ramdam na ramdam mo ang malalamig na yakap ng hangin. Lumabas ako ng hotel na tinutuluyan ko at agad pumasok sa sasakyan ko.
'Bryan, let's break up.'
Maikli lang 'yon. Maikling mga salita. Pero noong itinext ko sakanya iyan.. Sobrang dami niyang messages na binalik. At wala na akong balak tanungin yun. Kasi pakaramdam ko, hindi ako makaka-hinga. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko noong sinumulan ko nang mag-drive. Naalala ko bigla yung mga panahon na party ng maarte kong kaklase. Yung kasal nila. Yung sinabi ni Bryan na hindi niya ako i-gigive up.
"She can give me hundred reasons to give up but she can also show me millions reasons not to."
Ano ba naman yan, Nicole! Wag mo na ngang isipin yan. Ano yan? Throwback feelings? Ugh! Nakaka-inis.. Nalulungkot lang lalo ako.
Hindi ko na alam yung mararamdaman ko. Kasi ayokong masaktan. Galit lahat ng nararamdaman ko. Galit sa pamilya ko at sa sarili ko. Kasi hindi ko kayang ipakita yung nararamdaman ko. Oo, meron akong mga kaibigan pero kahit kailan hindi ko naramdaman na meron talaga. Kasi never akong umiyak sakanila. Or never kong hiningi na i-comfort nila ako. Naka-depende ako sa sarili ko lang. Hindi kahit kanino. Sa akin lang. I don't know what love is. Kasi para sakin, sobrang lalim ng love. And I don't deserve an enduring love.
Napa-hinto ang sasakyan ko noong nagkabuhol buhol ng traffic. Napa-irap nalang ako sa inis. Bakit kasi dito pa ako dumaan? KAINIS! Binuksan ko nalang ang radio. Ano ba yan. Ang bibilis naman ng kanta. Puro lady gaga! Wala na bang- Agad tumugtog ang pamilyar na kanta. Kahit pa nakakalungkot 'yon, hindi ko tinanggal doon.
Without you pa talaga ang tugtog ano? Nakakainis! Nilipat ko agad yun pero wala akong mahanap na magandang kanta. Kung hindi man mabilis, sobrang nakakalungkot naman. Which reminds me of him.
Nakarating ako agad sa office ko at nagpaalam sa guard. Buti nalang pwede akong pumasok. Shit. Ito ang nagagawa kapag may kilala mo ang boss. Akala siguro nila, girlfriend parin ako ng Sir Bryan nila. Nakadagdag rin kasi yun. Bukod sa head ako ng isang department, at kinatatakutan ako.. Mangyari pang naging girlfriend ako ng isa sa mga pinaka boss. Kaya ganun. Pero ngayon, ewan ko nalang.
Maganda ang office namin. Sanay na rin naman akong naglalakad sa hagdan. Kahit pa hanggang ilang floors ito. Minsan, ginagamit ko yung elevator na pang executive officers. Malaki kasi yun. At okay naman ako dun.
Kinuha ko agad ang mga files ko at sinimulan gawin ang report ko bukas. Oo. Langya. Meron akong report bukas! And guess what, head ng meeting na yun ang ex-boyfriend ko. Punyetacles, oo!
I did my job. Ayun, naka tatlong oras ako sa office para lang sa walanghyang report na yun bukas.
Napa-iling na lang ako at nag-simula nang maglakad pababa. Nagulat ako noong makita ko ang sasakyan ni Bryan na kaka-park lang malapit sa sasakyan ko. Halos manlaki ang mata ko dahil doon. What the fuuuuuck! Nakita kong papalabas na siya kaya nagtago ako sa isang sasakyan. My goooosh. Lumabas siya at kitang kita ko kung gaano siya kalaki. Fuck naman! Bakit ngayon pa? Shit shit. Tinignan ko siya. Napakunot ang noo ko nang makita ko kung gaano siya ka-haggard. Tumabi siya sa sasakyan ko. Shit. Alam niyang sasakyan ko 'yun! Oh my gosh. Bad move, Nicole. Bakit pumunta siya dito?!
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
ComédieCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.