Chapter 12 (2) / Original Version 2013

18.9K 171 56
                                    

Chapter 12.5: Siguro ka ba na ikaw lang talaga?

Nadapa ako. Nope. Actually muntik lang. Grabe nga eh. Ang daming nagkakagusto sakin. Pati ba naman ang floor? Gosh. Hindi ko na kakayanin pa kung pati gravity at sahig ay magkakagusto sakin. Di ko kaya.

Pero buti nalang nahawakan ako ni Bryan. Kaya naging okay.

Kaya eto ako, kasama siya malapit sa kainan kung saan nakahanda ang samu't saring mga pagkain.

"Please tell me that you won't be singing in front of these people." Saad ko sakanya. Umiling siya sa akin. "Please tell me that there are no flowers or chocolates." Umiling parin siya. "And please tell me that there are no fireworks." He smiled at me saka siya umiling muli.

"I won't be singing. I won't give you flowers and chocolates. And there are no fireworks." He assured me while smiling. Why is he even smiling? Pero shet. Shocked parin ang beauty ko.

"That's good." Sagot ko sakanya.

"Are you surprised?" 

Nagsimula ang music at kanya kanyang party na. Pumunta sila sa iba't ibang side ng bar kung saan nagsimula na silang mag-usap, mag-kwentuhan at yung iba naman ay kung hindi kumakain, nagsasayaw.

Isang cocktail party ang inihanda ni Bryan kung saan merong naka-project sa harap ng stage na 'Happy First Month Bryan and Nicole' 

"I am." Honest na sagot ko sakanya. Totoo naman. Nakaka-gulat. Nakaka-takot. 

Sa sobrang shocked ko pa nga, ay nakatayo parin ako dito. Hindi makapaniwala sa party na para sa akin  — sa amin pala. Kasi nga, tuwing may party. Kakain agad ako. Wala na akong pake basta kakain ako. Pero hindi eh. nandito parin ako. Katabi niya.

"Akala ko.."

Ngumiti siya sa akin. "Ayoko na kasing masyadong OA yung surprise ko. Baka kasi makornihan ka nanaman. Dapat nga may mga balloons and romantic candles."

Natawa ako sa sinabi niya. Gusto kong mag-mura sa isip ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa. Iniisip ko palang yung sinabi ni Bryan, nakokornihan na agad agad ako. "Mas okay na 'to Bryan."

"Kasi nga, efforts come from our heart.. Right?"

And I can't help but smile. "Ginawa mo lahat ng 'to? Kailan pa?"

"Pagkagising ko.. Yung calendar agad yung tinignan ko. Sakto naman 1 week pa yung natitira kaya nagpatulong ako kay Nico."

Agad na naalala ko ang ginawa ni Nico. Yung putek na baklang mayamang halimaw na yun! Hindi ko pa nakikita yun in person ah! "Speaking of the devil, paki-sapak nga yung best friend mong si Nico."

"Ha? Bakit?"

"Binabaan ako ng phone. Kainis kaya!"

Tumawa siya ng mahina saka niya niya inilagay ang kamay niya sa bewang ko. "Wag na nating pag-usapan si Nico." Bulong niya sakin.

"Whatever."

Naglakad kami papunta sa iba't ibang mga tao. He introduced me to his friends. Yung mga kakilala niya nandito. Mga kaibigan ko rin pala nandito. So basically, wala kaming ibang ginawa kundi i-entertain ang mga tao dahil nga sa party daw namin 'to.

Noong nagkaroon ako ng time na humiwalay kay Bryan, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang hagilapin ang tatlo kong kaibigan na nanlalaki na.

"What the fuck naman, Nics! Bakit mo naman kami bigla bigla nalang paalisin dun?" Reklamo ni George.

"Oo nga! Ito naman!" Sabi pa ni Mia.

"Eh kasi.." Hindi ko rin alam kung bakit. Ah! "Eh kasi may itatanong ako!"

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon