Chapter 04 / Original Version 2013

25.6K 226 68
                                    

UNEDITED.

*Chapter 4: Hindi ko alam kung anong meron sa'yo*

Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ko. I can't believe na sinabi ko sakanyang matagal ko na nga talaga siyang napansin.

Well- Oo naman. Totoo 'yon. Kasabay ng pagpapansin niya ay ang mga panahong kinaiinisan ko siya. Dahil ang una kong tingin sakanya ay isang malanding lalaki na pasakit lang sa mga kababaihan. Na para bang laro lang sakanya ang *insert SPG word that starts with S and end with X*

Dati, ang tingin ko sakanya ay isang walang effort, sinungaling, malandi at manlolokong lalaki. Pero unti, unti, nagbabago ito. Che! Wag niyong sabihin na in love na ako sakanya dahil hindi?! Ano 'yon, agad agad?! At hindi ko rin siya gusto. Ok?! HINDI KO SIYA GUSTO. Inuulit ko para lang alam niyo, HINDI KO SIYA GUSTO.

"Hoy Sadako! Bat ngayon ka lang?! Ang alam ko ay half day lang ang mga tao sa opisina ngayon dahil Sunday. At hello? Uso sumagot ng phone! Sarap mong ibalibag!" Bungad sakin ni Georgina pagka-apak na pagka-apak ko palang ng bahay.

Yeah. Sunday ngayon. Pumasok kami dahil mayroon kaming kailangan tapusin. Unfortunately, 7:45 na akong nakauwi dito. Pero dapat talaga, mga 1 ay naka-uwi na ako.

Sinabi ko kay Georgina na hintayin ako sa kuwarto bago ko i-kwento sakanya ang mga pangyayari. Pinuntahan ko muna agad si Nanay.

Kumatok ako sa kwarto niya at agad naman siyang sumagot.

"Ma, nandito na po ako." 

Ngumiti siya at umupo ng dahan dahan sa kanyang kama.

"Anak.."

Hindi ko kwinento sakanya ang mga nangyayari sakin. Ayoko. Hindi ko dapat ikwento sakanya 'yon dahil dapat ay puro masasaya lamang. Buti nalang ay narito si George para alagaan si Nanay. Kasi bukod sa best friend ko siya ay nalaman ko ring second cousin ko pala siya.

Eversince na may trabaho ako, nandito sina Chanel at Mia para alagaan si Mama. Pero dahil busy sila, ito namang si Georgina ang nag-aalaga. Kaya malaki ang utang na loob ko sa mga bruhang iyan.

I-kwinento ko kay George ang mga nangyari kanina.

Verbatim ulit.

Langya, madali akong maka-memorize ng mga bagay bagay. Even the smallest details, naalala ko ito.

"That sluts!" Sigaw ni George kaya napalo ko siya ng automatic. 

"Leche! 'Hwag kang maingay! Baka marinig tayo ni Mama!"

"Manahimik ka diyan matandang inaamag na Sadakong NBSB!" Saway niya sakin saka siya tumayo at nagpamewang. "Sound proof itong kwartong 'to kaya sisigaw ako hanggat kaya ko! Hwag kang epal, ok?!"

"Ang epal mo talaga!" Yamot kong sabi sakanya sabay inirapan lang niya ako.

"Seriously?! Nagawa nung mukhang taeng babaeng 'yun sa'yo?!"

"Oo nga." Iritable kong sagot habang nagbibihis.

Inihagis niya ang unan saka padabog na naupo rito. Aba! Leche tong babaeng 'to! Mas galit pa ata sakin!

"Ay nako! Ipapatalsik ko sila!"

"Wow, sino ka para magpatalsik!"

"I am Georgina Charostine Sylvia Felix! Heller?! I can do anything!"

"Ano ba! Mapapatalsik na 'yun. I am sure."

"But still- fuck that slut."

Harsh talaga kami mag-salita. Kaya nga bawal ang bata kapag magkakasama kami. Isama mo pa kapag narito sina Chanel and Mia. 

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon