Chapter 16 / Original Version 2013

14.8K 218 72
                                    

Chapter 16 *And today, I am officially missing you.

I'm no longer Sour Cream's Bitter Butter. I'm no longer his Bitter Butter. He's no longer my Sour Cream. He's no longer my boyfriend.

Yan lang yung nasa isip ko habang naglalakad ako papunta sa building namin. Kalalabas ko lang galing ng sasakyan ko at ito, pinaiikot-ikot ko pa ang susi sa mga daliri ko. Nakita ako ng mga empleyado at agad akong binati. I gave them a small smile, unconciously. Nabigla ata sila? Pero seriously. Wala ako sa sarili ko ngayon. Umakyat na ako. Grrrr. Naiinis nanaman ako. No. Di ako sure kung naiinis ako or nalulungkot.

"What the fuck Nicole Y. Cortez! May balak ka pa palang pumasok!?" At agad ko namang nakita ang kaibigan kong naka-upo sa staircase. Sabi ko na nga ba eh. Kanina pa 'ko nito hinihintay.

"Ay nako. Wala ako sa mood ngayon, Georgina." Babala ko rito. Alam ko naman na matagal nila akong kino-contact. Siguro badtrip parin sila sa'kin. But I don't care. Kung badtrip sila, edi mas badtrip ako sakanila. Tsk.

"Leche naman, Nicole. Wala rin ako sa mood no. We've been calling you for like.. How many days? Ah. Dalawa?" Sarkastikong tanong niya sakin. I just rolled my eyes. "Look, you're mom's sick."

"Talaga?" Tanong ko dahilan para manlaki ang mata niya. Nako. If I know, hindi naman totoo ang sinasabi niya. Syempre, alam naman niyang uuwi ako kapag sinabi niya yun. "Calm down, Georgina. Uuwi na ako. Break na kami ni Bryan. Magiging masaya na rin sa wakas si Mama."

Pero kung kanina, nanlaki ang mata niya. Hindi lang mata niya ang nanlaki ngayon, pati bunganga niya. Her jaw dropped. I heaved a sigh. I knew it. Hindi niya ine-expect na makikipag-break ako. "WHAT?"

"I don't have time to tell you what happened." Naiinis kong sagot sakanya.

"You owe us an explanation, Nics." Seryosong sabi niya sakin. Malapit na kami sa floor namin. I just sighed. Hindi nanaman 'to titigil. Oo nalang, Nicole. 

"Yeah. Sige. Kakausapin ko kayo mamaya. Thanks for not leaving my mom. Uuwi na 'ko mamaya. Hwag niyo ring masyadong asahan na makwe-kwento ko sainyo ng buo. And.. George." Napatingin ako sakanya. Tinignan naman niya ako. "Sorry din." Yun lang ang sinabi ko at napanganga naman siya. I just ignored it saka ako umalis papunta sa office ko.

Sa totoo lang, hindi ko parin alam kung anong sasabihin ko sa nanay ko kapag nakita ko siya. I love her. Syempre naman. Kaya nga pinili ko siya diba? She have had enough. Kung si Bryan ang pinili ko, baka magtakang magpakamatay nanaman siya. At 'yun ang kinatatakot ko. Alam niyang nagpapalipas lang ako ng init ng ulo ko. At alam rin niyang siya ang pipiliin ko.

Sumakit ang ulo ko kapag naalala ko lahat. I want Bryan for me. I want him for myself. Gusto ko akin lang siya. Pero gusto ko ring suportahan ako ni mama doon. 

Masakit yung sinapit ni mama. She tried to kill herself. Pero hindi nangyari yun. Sa huli, nabulag lang siya. Hindi niya ako iniwan at ganun rin ako. Lagi kong naiisip, baka isipin ni mama na pinagpalit ko na siya sa isang lalaking tatlong taon ko palang nakakasama, o nakikilala. 

"Good morning po Ma'am." Bati sakin nang sekretarya ko. 

"Pakisabi naman yung sched ko. Dito." Pumasok ako sa main office ko at sumunod naman siya. Hawak hawak niya na ang isang notebook nang maka-upo ako sa swivel chair ko. Minasahe ko ang ulo ko habang binabanggit niya ang schedule ko.

"Meron po kayong meeting with  Mrs. Rodriguez nang 9:30. Hanggang 10am po yun. Then lunch meeting po with Ms. Henson and Mrs. Almireiz nang 11:30am-12:30pm. Meeting po with the vice president 2 to 4 pm. Yun lang po." 

Gusto kong umirap. Dalawang oras yung meeting na kasama si Bryan. Yun pa talaga nag finale ha? Nakaka-inis naman talaga. Kaasar. Makikita ko pa siya. Paano naman ako makikipag-usap sakanya na hindi man lang... kinakabahan?

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon