UNEDITED.
Chapter 21: The Last Chapter; Goodbye
"She saw some girl sucking Bryan's face." Napatigil ako habang papunta na sa restaurant kung saan magkikita kami ni Bryan. Napalingon ako kay Chanel na mukhang nagulat rin sa sinabi niya.
"What?" tanong ko. Napatigil rin si George at Mia sa pagke-kwentuhan.
"Sorry.." Kinagat niya ang labi niya. "Sorry, ngayon ko lang sinabi."
"Who saw who?" hindi makapaniwalang tanong ko. Para kasi akong nabingi sa sinabi niya.
"Si Joanne. Remember? Yung pinag-attendan natin ng kasal? Kaya kilala niya si Bryan," pagpapaliwanag niya saka siya tumingin kay Mia para humingi ng tulong. Napanganga ako saka ko tinignan si Mia para siya ang magsalita.
Napalunok siya. "Ah oo, eh kasi nakita namin si Joanne last week sa.. sa.. Max's noong wala kayo dito ni George."
"Kailan pa?" iritableng tanong ko sakanila. Sobrang dami kong iniisip at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong sasabog. Kahit naman hindi ko pa alam ang buong pangyayari, naiisip ko palang na may ibang humalik sakanya, naiinis na ako.
"Nung.. Nung nasa El Nido kayo?" Parang hindi pa sigurado si Chanel. Ganyan siya kapag kinakabahan. Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Niloloko mo ba ako?" Napahalakhak ako ng mahina. "Niloloko niyo ba ako? Eh kasama namin si Bryan sa El Nido. Ano? Nandun din si Joanne?" I rolled my eyes. Saka ko kinuha yung bag ko para makaalis na nang muling magsalita si Mia.
"Ano," hindi niya alam sasabihin niya. Tinignan ko siya. Bakit ba hindi nila masabi agad?
"ANO?" At hindi ko na rin kayang pigilan pa yung sarili ko. Kanina pa ako naiinis. Naasar na ako sakanila. Hindi pa kasi sabihin kung anong sasabihin!
"Nangyari yun nung nakipag-break ka kay Bryan? Sa araw mismo na yun.. Diba kwinento mo samin kung kailan?" Sa sobrang bagal ni Chanel magsalita, sumingit na rin si Mia.
"Pero sabi ni Joanne, yung babae daw yung humalik. Tinulak din naman daw ni Bryan eh," medyo nilakas ni Mia yung sinabi niya saka siya tumingin kay Chanel na parang tinatanong kung bakit ang bagal niya mag-explain.
"Saan naman?" tanong ko. Gusto kong sakalin kung sino man yung babaeng yun. Leche siya! Kapal ng mukhang manghalik ng lalaki na meron namang ibang gusto... ibang mahal.
"Sa republiq. Hindi daw nakuhaan kasi.. Kasi madilim. At tsaka syempre, biglaan. Kaya walang picture." Tinignan nila akong tatlo na para bang tinatanong kung anong gagawin ko. Shit lang. Shit. Sa totoo lang, gusto kong sumabog pero hindi pwede. I need to flip my hair, smile and move on. PERO PANO KO GAGAWIN YUN?! Huminga ako ng malalim saka nag-isip ng maayos.
"Guys, I'm not gonna leave Bryan, again. Hindi makitid utak ko. Sinabi niyo na diba? Yung babae yung humalik. Hindi si Bryan." Kahit mahirap, magtitiwala talaga ako. Itatanong ko nalang din sakanya since magkikita naman kami.
Nagulat ako nang magpalakpakan silang tatalo. They were freaking smiling ear to ear.
"You've changed a lot. You're in love with him!" Chanel exclaimed. Nanlaki ang mata ko saka ko tinakpan ang bibig niya kaya naman napatawa yung dalawa sa likod namin.
"Not too loud! Mamaya marinig ka ni mama!" I whisper yelled. Lokaret talaga 'to! Patay nanaman ako kapag nalaman yun ni Mama. Edi pinaghiwalay kami?
"Speaking of, wala ka ba talagang balak sabihin sa mama mo?"
"Meron. Bukas na," nakangiting saad ko sakanila kaya napangiti rin sila.
"Wow. Buti naman naisip mo pa yan, Nics!" masayang sabi sa'kin ni Mia. Kahit ako nagulat dahil sobrang positive ata ni Mia? Eh diba bitter bitter din yan.
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
MizahCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.