*Chapter 3: Ang dahilan ng isang malandi.*
Day 3
Dumating ako sa office na may dala dalang itlog na maalat. Seryoso. Bumili ako. Akala ata nung unggoy na yun di ko siya bibilhan ah. Kailangan niya 'tong kainin sa harapan ko. Kundi, lagot siya sa akin!
Oo. Bad mood ako. At lahat ng bumabati sa akin ay dinededma ko lang. Bwisit. If I know, pinag-uusapan nila ako dahil nga sa nangyari kahapon. Punyetacles. Hindi ako makakapayag.
"Good morning Ma'am." Bati sakin ng mukhang paa kong sekretarya na hawak hawak ang tubig ko. Kinuha ko ito at inirapan siya saka tuloy tuloy na pumasok sa office ko.
"Tell me, may kinalaman ka ba sa nangyari kahapon?"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. At dahil doon, mas lalo lang akong nabwisit. Kung meron lang akong barbeque stick, malamang matagal ko na itong tinuhog!
"W-wala po!"
"Oh really?" Sabi ko saka ako ngumisi.
"Wala po talaga Ma'am.."
"Siguraduhin mo lang." My jaw clenched. "Dahil kapag nalaman kong may kinalaman ka dun, talagang ipapahiya kita." Mataray kong sabi saka ako umalis sa harapan niya at pumasok sa main office ko.
Bwisit.
Pagkababa ko ng mga gamit ko naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko kaya sinagot ko agad ito.
"Nicole Cortez speaking."
"Bitter butter ko!"
Oh. For pete's sake.
"Hoy. Baconsilog boy. May dala akong maraming itlog na maalat. Halika rito't kainin lahat ng 'to."
"Seryoso?"
"Oo. Seryoso." Bwisit na sagot ko sakanya. Ano bang tingin ng taong 'to? Hindi ako tumutupad ng usapan. Hah.
"May meeting ako ngayon. Puntahan nalang kita mamaya."
"Wha-"
Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin dahil ibinaba na niya ito.
Aba-! Talaga namang siya pa may ganang magbaba?! Bwisit yun ah! =___=
Hindi ko nalang siya inisip. Lecheng lalaki yun.
Nicole, chill lang. Di bagay sa ganda mo.
I did my work and nakakalipas na ang ilang oras, break time na. Excited ako dahil kakain na pero naiinis rin ako dahil wala akong kasabay. Wala naman kasi ang bruha kong kaibigan na si George.
Lumabas ako at napadaan sa room kung saan naroon ang nagtatawanang guards.
Bigla akong may naisip.
Dito.
Dito lahat makikita ang mga bagay bagay. Nandito ang mga CCTV Videos.
Matalino nga talaga ako. Agad akong pumasok kaya napahinto ang dalawang guards pagtawa. Ngumisi ako ng makita kong nagulat sila. "M-Ma'am, ano po yun?"
"May kailangan lang akong hanapin." Cool na sagot ko.
Unti unti akong napatingin sa gilid nila at may nakitang isang sobre. Napangisi ako lalo at ng mapansin nila ito ay namula sila't tinakpan ang mga ito.
"Ma'am bawal po kayo dito." Sabi nung isa sabay tayo.
"Bakit naman?"
Papunta na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. "Ma'am hindi po-"
BINABASA MO ANG
The NBSB's Sweetest Downfall
HumorCompleted in 2013 but retelling in 2022. New version will be different and a lot more matured, reader discretion is advised.