Prologue

90 5 0
                                    


Gabing tahimik ...


Madilim ang paligid. Wala akong makita. Nakahiga ako sa higaan ko. Ang mga kapatid ko natutulog nadin. Mag-isa na lang akong gising. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.


Ang tanging naririnig ko ay ang orasan namin.


Tik!   Tak!

Tik!   Tak!

Tik!   Tak!


Paulit ulit ang tunog.


Maya maya lang may naririnig akong mga yapak ng paa tila ba may naghahabulan malapit sa aking tulugan. Pinilit ko itulog ang mga hindi pangkaraniwang tunog na iyon.


Lumipas ang mga minuto


Tik!   Tak!

Tik!   Tak!

Tik!   Tak!


Gaya lamang ng pangkaraniwang tunog ng orasan. Subalit ano tong bumibilis na tunog ang naririnig ko.


Tik!   Tik!

Tik!   Tik!

Tik!   Tik!


May kakaibang tunog nanaman akong nadinig malapit sa ilalim at sa may gilid ng aking hinihigan. Sa pagkakataong ito kinabahan ako at lalong hindi pinatulog ng mga posibleng iniisip ko.


Lumilipas na ang oras hating gabi na siguro.


Pagod na ang aking katawan. At gustong gusto ko na matulog. Pero ang buhay parin ang utak ko gumagana parin. At nandun parin ang kaba ko sa mga hindi ko maipaliwanag na mga ingay.


Ang init sa loob ng bahay namin kahit may bintilador na nakabukas. Nag iba ang ihip ng hangin lumamig na tila may malamig na dumampi sa braso ko. Na mas lalo pang kinabahan ang puso ko. May bulong akong narinig na malapit sa tenga ko. At ang mga yapak ng paa ay mas lalong lumalakas.


Tik!   Tik!

Tik!   Tik!

Tik!   Tik!


Basang basa na ang damit ko. Dahil sa mga paramdam ng hindi ko maipaliwanag na ingay tuwing gabi. Nandon parin ang takot at kaba sa mga pangyayari.


Pagtapos ng 12:00 ng gabi. Hindi ko alam kung pano ako nakatulog. Panong paraan? Hanggang sa nakatulog na ako nung gabing iyon.






❇✴✳     ❇✴✳    ❇✴✳

"Psychotic 12:00"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon