Nandito ako sa tulugan ko. Dahil hindi pa ako makatulog. Pinag laruan ko muna cellphone ko. Nag update sa Wattpad. Yung ate ko nagbabasa rin ng wattpad. Kaya may kasama akong gising.Ilang minuto rin ang lumipas. Sa paggamit ng cellphone ko. Hindi ko narin namalayan ang oras. Tumingin ako sa gawing kanan. Nagulat ako ... Tulog na yung ate ko na kanina lang may ilaw yung gamit nyang cellphone.
Nakaramdam ako ng pag ihi. Tumayo na ako at mag isa naglakad ang tanging ilaw ay itong ilaw ng cellphone ko.
Habang naglalakad ako. Muli ko nanaman narinig ang mga yapak ng paa. Napahinto ako sa paglakad.
"Krek! Krek!" katunog ni garage
Tumingin ako sa paligid at inilawan kung saan nagmula ngunit hindi klaro kasi madilim. Inisip ko na lang na baka may dumaan lang na daga.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakababa na ako at papunta na sa C.R.
Habang patapos na akong umihi biglang namatay ang ilaw. Nagshut at kadiliman na lang ang bumabalot sa kalaliman ng gabi.
" Tug ... Tug ... Tug ... " tumibok agad ng mabilis yung puso ko at nagblock out yung paningin ko sa biglang namatay ang ilaw.
Buti naka ilaw parin ang flashlight ng cellphone. Dali dali kong inayos yung suot ko at lumabas na. Nakaramdam ako ng uhaw pero dahil sa kinabahan ako sa biglaang pagpatay ng ilaw na hindi ko alam kung sino? Ang pumatay ng ilaw. Nawala na sa isip ko na uminom pa. Hindi na ako uminom.
Chineck ko kung anong oras nakita ko sa cellphone ko ...
12:00 am. na ng Hating gabi.
Aakyat na ako sa kwarto na nanginginig yung tuhod. Nang muli ko nanamang marinig ang yapak ng paa na may naglalakad.
"Krek! Krek!"
Dahil sa kaba ko nadapa ako habang paakyat. Nasa malayo pa yung tunog sa pagkakarinig ko. Dali dali akong nagkaripas umakyat baka maabutan ako! Nagkasugat yung tuhod ko pero di ko ininda yung sakit at umakyat na hanggang makapunta sa kwarto at nakahiga na.
Walang pintuan ang kwarto namin dahil malaki ang espasyo nito at kakasya ang 3 kama para sa amin. Ako yung sa pinakadulo sa kaliwa. Sa gitna yung ate erica ko. At sa una sa kanan yung bunso naming lalaki na si ryan.
Agad akong nagtalukbong ng kumot kahit mainit. Dahil sa takot ko! pero palapit ng palapit ang mga yabag ng mga paa. Pawis na pawis ako na naliligo sa pawis ang init grabe. Natetense ako sa kung ano man ang susunod na mangyayari. Tumitindi ang kaba ko habang lumalakas at hanggang sa ... marinig ko sa may tabi ko huminto ang yabag.
"Krek! Krek!"
Tumahimik ng mahabang minuto ang lumipas. Nawala ang nakakatindig balahibong tunog ng isang nilalang na naglalakad na patungo sa akin. Na biglang tumigil ...
Sa isip ko wala na ata dahil nainitan na ako at tanggalin na sana...
Chineck ko yung oras sa cellphone ko ulit.
Pa-paanong hindi nagbabago ang oras? 12:00 am. Parin!
Pero parang sa nangyari ang dami ng oras na lumipas. Nakapagtataka, binuksan ko yung flashlight sa cellphone. Nakatutok sa itaas ang ilaw. Habang nakatalukbong ako yung puti kong kumot na naiilawan may pumapatak na dugo galing sa itaas!!!
Nanlaki yung mata ko sa na kita ko.
Du-dugo ... Kanino nang galing ang dugong iyan!Nanlaki yung mata ko. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Totoo ba ang nakita ko? Dugo puma..patak galing sa itaas...
Agad kong pinatay ang ilaw ng cellphone ko. At hindi ko na muling tinanggal pa ang kumot na nakatalukbong sa buong katawan ko. Kahit na dumadaloy ang pawis ko sa buong katawan ko sa sobrang init.
❇✴✳ ❇✴✳ ❇✴✳
A\N: Una pa lang yan. Kung nakaramdam kayo tumingin lang kayo sa likod baka andyan na sya!
Vote & Comment! Kung nagustuhan ang mga pagpaparamdam kay Anna Bellie!
Continue ...
BINABASA MO ANG
"Psychotic 12:00"
Mystery / ThrillerSabi ko sayo matulog ka ng maaga ... Kapag gising ka pa ng Hating Gabi! Magpaparamdam na ako ... Magtago ka na ... Bata! "Tik! Tik! Tik!" I'm Anna Bellie. Do you believe in ghost? Well I don't know to handle these kind of horrors! But in the end thi...