Dumilat ako at tumambad sa akin ang 3 ilaw. Ang liwanag at madaming nakamask na tao. Naidilat ko na ang aking mata nasa hospital ako ngayong mga sandali. Nakahiga ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko sa pagkakalaglag ko sa hagdan. Antangi kong naaalala ay ang pagkabagok ko na sanhi kung bakit ako ngayon nasa hospital!Nagsialisan na ang mga gumagamot sa akin. Mga nars at ang isang doctor. At pagkaalis nila pumasok naman ang aking nanay na umiiyak!
"Anak ano ba n-nangyari s-ayo.." Nag aalala nyang tanong na maluhaluha pa.
"Ma! Wag po kayong magalala gagaling po ako agad!"
Itataas ko sana yung kamay ko at pupunasan ang luha ni mama. Pero hindi ko nagawa at kumirot lang sa sakit ang mga ugat ko. Kaya hindi ko na lamang naiabot ang kamay ko. Ganon na lamang kasakit at katindi ang naranasan ko nung nakita ko ang matanda na nakaitim.
Ikinuwento ko kay mama tungkol dun sa matandang nakaitim. Sinabi ko ang lahat kung bakit ako nadisgrasya ng ganito katindi. Ang sabi ni mama matagal na daw kasi yung bahay na tinitirhan namin nung mga ninuno pa namin yun ng panahon ng mga hapon.
At dahil salat kami sa pera kahit gusto na namin lumipat ng bahay dahil sa mga nakikita at nagpaparamdam samin. Tinanggap ko na lang ang mga sinabi ni mama sakin na walang ibang paraan kundi tirhan namin iyon. Sabi naman nya saakin kapag nakaluwag luwag kami lilipat kami ng bagong bahay. Pansamantala muna lalo na ngayong madaming gastusin. Lalo na ngayong na hospital ako.
Umalis muna si mama upang bumili ng pagkain. Ako naman nakatingin lang sa itaas. Pumikit ako. Huminga ng malalim. Inimulat ang mata. Hindi klaro ang paningin ko. May nagbabantay sa aking itim. Pumikit ulit ako. At inimulat ang mata ko. Nawala ang itim na tao. Ngunit pagkatingin ko sa dextrose ko kulay pula ang tubig nito na parang dugo na kumukulay rito. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko papunta sa katawan ko dadaloy iyong dating kulay tubig na dextrose naging dugo na ngayon.
Hindi ako makagalaw sa nangyayari lalo na at masakit ang buo kong katawan sa aksidente. Kumukulo ang dextrose na nakasabit. Hindi ko iyon dugo ngunit parang galit na galit at kumukulo ang dugo. Pabilis ng pabilis ang daloy nito. Hanggang sa nawalan na ako ng malay. Nakatulog ako.
Nagising ako nangdidilim ang paningin na parang galit. Nakita ko nalamang ang mama ko nagbabantay sa akin. Muli kong tiningnan ang dextrose kulay tubig naman sya hindi dugo. Kaso kakaiiba ang pakiramdam ko ngayon. May kakaiba. Nararamdaman ko na may nagbabantay sa akin.
Nakatulala ako sa may room ko dito sa Hospital. Nakatingin ng malayo sa may pinto. Bumubukas sarado ito habang nakatitig lang ako hindi ko na rin maipikit dahil sa kakaibang ihip ng hangin.
Tila ba parang normal na sa akin ang lahat. Mga hindi pangkaraniwan na mga nilalang ang nakita ko. Yung naglalaro sa pinto ay may batang pasyente na nilalaruan iyon. Bukas sarado! Lumalakas ang kalabog nito ngunit ang mama ko hindi parin nagigising. Ako lang ang nakakarinig, nakakakita, nakararamdam, at nakakaintindi sa mga nangyayari.
Pumikit na lang ako sa mga nakikita ko muli ko itong inimulat at tumingin sa paligid.
Nakita ko may mga pasyente madami sila. May mga naka mask, yung iba nakatungkod, duguan, may mga disabilities. Nakatitig sila pinagpapawisan ako. Ang tanging inisip ko baka kunin na ako. Pero ayoko! May lumapit sa akin at nginitian ng babaeng may mahabang buhok! At lalaking may kutsilyo sa ulo nakangiti sa akin! At halos lahat bata man o matanda nakatingin habang sabay sabay tumawa ng malakas!
Lalong kumabog ang puso ko! Nabibingi na ako sa lakas ng tawanan sa loob ng kwarto ng hospital na ito! Mga taong patay na hindi ko alam at nagpapakita sila saakin!
Lalong lumalakas at lalong dumadami! Ang mama ko hindi pa rin nagigising tulog na tulog. Ako para akong nababaliw sa mga naririnig ko!Nagdasal muna ako sana matapos na ito! Nakapikit ako habang nagdadasal mahigpit kong idinasal ang sarili kong dasal! Sabay sign of the cross! Habang tumatagal humihinto ang ingay na naririnig ko. Idinilat at naglaho ang lahat ng tao sa paligid!
Mahihinuhang mga patay na ito. Gumagambala dahil sa hindi maipaliwanag na sinapit.
❇✳✴ ✴✳❇ ❇✳✴
BINABASA MO ANG
"Psychotic 12:00"
Misteri / ThrillerSabi ko sayo matulog ka ng maaga ... Kapag gising ka pa ng Hating Gabi! Magpaparamdam na ako ... Magtago ka na ... Bata! "Tik! Tik! Tik!" I'm Anna Bellie. Do you believe in ghost? Well I don't know to handle these kind of horrors! But in the end thi...