Noong una hindi ko pa matanggap ang lahat. Naguguluhan ako. Bakit ako? Ako ang dabat makaranas nitong kakaibang pandama? Kung ano ano ang naiisip ko. Pinipigilan ko ngunit lalong lumalala! Kinokontrol ko at hindi na lamang iniisip pa kung minsan.Nagising na ang aking ina.
May kumatok at pumasok sa pinto. Na biglang napatingin kami ni mama. Hindi ko alam kung sino ang papasok? Tanging iniisip ko ay yung mga nagpaparamdam sa akin.
Kinabahan ako! At ngayon masisilayan rin ng magulang ko. Ngunit ... Nagkamali ako ...
"Oh Anna! Kamusta nakatulog ka ba ng mahimbing?" wika ng aking ina na kagigising pa lamang.
"Ah kasi po ma--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko nagsidatingan ang mga kapatid ko.
"Hala ate! Anong nangyari sayo?" Sabi ni Ryan.
"Be! Anong nangyari? Okay ka lang ba!" sabi ni ate Erica.
"Naku anak! Grabe nahospital ka! Ano bang nangyari? Bakit ka nadisgrasya ng ganyan katindi." nag-aalalang sabi ni papa.
"Nahulog sya sa hagdan. Ang sabi nya may nakita daw syang matandang nakaitim kaya nahulog sya sa hagdaan." Pahayag ni mama sa mga kapatid ko at kay papa.
"O-opo ganun na nga po" sabi ko
Hanggang sa nagkuwentuhan, nagkasiyahan, at pagsasama ng pamilya namin na halos dati hindi nakukumpleto ang pamilya namin. Dahil sa may mga trabaho o di kaya may mga pasok sa eskwelahan o sa work. Ngayon ko lang ulit nakita ang pamilya ko na ganito kasaya. Yung tipong masaya at buo ang pamilya. Sa pamilya ko nakita ang tunay na pagmamahal. Kaya mahal na mahal ko sila.
Hanggang sa mag gabi. Nagsialisan na ang mga kapatid ko at ang papa ko pati na rin ang mama ko dahil hindi naman pwedeng lumiban sa work. Ganon sila ka responsible sa duties. Ako na lang ang naiwan mag isa nag gagabi na at kakatapos ko narin kumain. Tanaw ko sa katabi kong di kalayuan na bintina. Ang mga ilaw sa labas, nagtataasang mga gusali, masayang mga pook, at sarap ng hangin, at higit sa lahat ang kalangitan na nagdidilim na bumabalot sa kadiliman ng gabi.
Hanggang ngayon nakahiga ako rito halos mag dadalawang araw na! Pero naigagalaw ko naman ang katawan ko kahit papaano. Hindi gaya nung isang araw nanakit ang mga buto ko at hapdi ng katawan ang daing ko sanhi sa mga sugat na dinanas sa pagkahulog ko sa hagdan.
Huminga ako ng malalim. Enhale. Exhale. Ng nakapikit at idinilat ang mga mata nakatingala habang nakatitig sa ilaw. Biglang pumasok ang isang nurse at sinabi kung may kailangan pa ako. Sabi ko pakipatay na lang po ang ilaw. Pinatay naman nya iyon at agad umalis. Private room ito kaya ako lamang ang nagiisang pasyente.
Antanging nagsisilbing liwanag ay yung lamp na katabi ko at ang liwanag sa labas ng bintana. Hanggang sa nakatulog na ako. Kinalimutan muna ang mga kababalaghang bumabalot sa isipan at mga pangyayaring ako lamang ang saksi sa mga di pangkaraniwang mga nilalang.
Di katagalan ng pagtulog ko may nalaglag ata na gamit sa room ko. O baka may tao! Nagising ako at pinagmasdan ang paligid. Wala akong makita kadiliman lamang ang bumabalot ng gabing iyon.
Tik!. Tik!. Tik!.
May mga yapak ng paa akong naririnig sa malayo at alam kong papalapit na ang tunog na iyon. Nasasanay akong palagi silang nagpaparamdam sa akin. Natulog ako at binalewala ang pagpaparamdam at baka guni guni ko lamang iyon.
Pagkatapos ng mga narinig ko ay ibinuhos ng maitim na kalangitan ang malalakas na ulan. Umuulan at kumukulog at kumikidlat sa labas. Nararamdaman ko. At nawala na ang yapak o ano mang tunog na iyon. Pero dama ko parin ang mga matang nakabantay sa kadiliman sa pagtulog ko.
Mga matang nakabantay sa kadiliman ko! May mga patay na nanghihingi ng hustisya! Pero kailangan ko malaman kung ano man iyon?
Natulog ako kasabay ng pagbuhos ng malalakas na ulan na naiisip ang dama nitong ulan. Kay lamig na parang mga patay na nagpaparamdam sa pagtulog ko.
BINABASA MO ANG
"Psychotic 12:00"
Mystery / ThrillerSabi ko sayo matulog ka ng maaga ... Kapag gising ka pa ng Hating Gabi! Magpaparamdam na ako ... Magtago ka na ... Bata! "Tik! Tik! Tik!" I'm Anna Bellie. Do you believe in ghost? Well I don't know to handle these kind of horrors! But in the end thi...