12:00 pm. 'Umaga'

47 4 0
                                    


Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako nung gabing iyon?


At totoo ba ang nasaksihan kong dugong pumatak sa kumot ko na nagmula sa itaas?


Yung tunog na parang may naglalakad na tao. Mga yapak ng paa na unti unti lumalapit sa akin.


At yung pagpatay ng ilaw habang nagC.R. ako?


Totoo ba ang lahat ng pangyayaring nagparamdam sa akin kahapon lang?


Totoo ba kayang may multo? O guni guni ko lamang ang mga nadarama ko.


Bata pa lang ako, Oo, nakakaramdam na ako ng hindi pangkaraniwan na mga pakiramdam. Pero matagal na yung panahong iyon nung nasa probinsya pa kami. Sa bahay kubo namin parati akong nakakaramdam ng mga kung ano anong di ko maipaliwanag na guni guni. Naalala ko nun naglalaro kami ng mga kapatid ko sa may tabing ilog may nakita akong di pangkaraniwan na mukha na maputla at nakatitig ng masama. Mapula ang mata na nanlilisik. At ang buhok nito ay mahaba at magulo. Napatingin ako nung titignan ko yung kapatid kong naliligo dahil tinawag niya ako. Pagkatapos tiningnan ko muli pero naglaho na parang bula. Namamalikmata lang ata ako nun.


"Anak kakain na! Nakatulala ka nanaman dyan!" wika ni mama


Nagising ako sa realidad habang nakatulala. Muli kong binalikan yung kagabi. At sariwa parin ang mga pangyayari. Amdami kong tanong sa isip ko.


"Opo ma! Nandyan na po" sabi ko.


"Patayin mo na muna yang T.V! Pati yung bintilador" wika ni mama.


Pagkatapos kong patayin lahat. Pumunta na ako sa hapag kaininan. Nakatulala parin sa mga nangyari kagabi.


"At dahil sa late ka na gumising. Oh yung ate erica mo kakaalis lang. Yung papa mo naman umalis kay aga aga pa lang pumunta lang sa amo nya kukunin yung sweldo nya. Mamaya lang papasok na ako sa trabaho. Kaya kayo na lang ng bunsong kapatid mo ang maiiwan. Bantayan mo yun baka maglaro sa labas" wika ni mama


"Psychotic 12:00"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon