Mukhang Pinto iyon kanila mama sa kabilang kwarto!Sa kwarto nila mama at papa yun lang ang may pinto sa itaas yung sa amin wala. Wala namang bintana sa may labas noon pero ganon lamang ang kalabog sa pagsara ng sobrang lakas na parang galit!
Dali dali akong umakyat. Sa pagmamadali ko nakalimutan ko ng patayin ang bintilador. Pagkaakyat ko nakasarado ang pinto. Nangamba ako sa kung ano mang mangyari sa kapatid kong bunso na si Ryan. Napaisip tuloy ako bigla nung nangyari saakin kagabi ang mga pagpaparamdam na hindi ko maintindihan.
"Ryan! Ryan! Ryan!" sigaw ko habang kumakatok sa labas.
Agad naman nya itong binuksan.
"Oh! Ate anna! Bakit mo naman binulabog ang pagtulog ko!" sabi nya ng naiinis
"Kanina lang lumagabog ang pintuan mo? Hindi ka ba nagising nun! Kaya nga ako umakyat?" sabi ko na may halong pagtataka
"Wala naman ate ah! Kita mo na natutulog ako!" inis nyang sabi
"H- ha hala??? Eh sino ba yun narinig kong nagsara ng malakas ng pinto???"
Bago pa nya marinig yung sasabihin ko. Sinaraduhan na nya yung kwarto nya. Iniisip ko bakit hindi siya nagising samantalang ako nasa ibaba nagulat at nagmamadaling umakyat dahil dun.
Dumako ako sa kwarto namin baka sakaling nandoon ang dahilan ngunit ang tanging nadatnan ko sa gitna ng ako'y dumaan ay isang bola ng basketball. Nagtataka ako kung saan to galing? Wala naman kaming ganito.
Nilagpasan ko at di pinansin ang bola.
Naglakad ako malapit sa higaan ko sa may dulo kung saan malapit ang bintana. Tinanaw ko ang may labas at kitang kita ko ang mga puno at ang iba pang mga bahay. Huminga ako ng malalim. Iniisip ko na baka nababaliw na ako kung bakit ko ba iniisip na may multo na nagpaparamdam dito sa aming bahay gayong wala naman akong sapat na ebidensya! Ayoko na muli pang sariwain ang mga katatakutang gawa gawa ng isip ko?
Habang nakatanaw ako sa may bintana namin. Gumulong ang bola at ngayon walang katao tao sa bahay namin tanging ako lang at ang kapatid ko na natutulog sa may kabilang kwarto. Dumampi sa may paanan ko pinulot ko ang bola na kanina lamang nasa malayo pa yun. Pagkapulot ko naglakad ako at tumingin sa labas kung sino ang nagpagulong ng bola hanggang sa makarating ako sa may hagdan. Nakakapagtaka may nagpaparamdam? Totoo ba to. Malabo ang paningin ko pero nakita ko na may dumaan na medyo madilim na anino na parang may tao sa ibaba kaya kulay itim ang nakita ko na hindi ko maaninag na parang anino.
"Papa! Andyan na si Papa!"
Binitawan ko ang bola na hawak. Sa galak kong andyan na si Papa. Na karaniwang dala nya ay pasalubong nya sa amin. Dali dali akong bumaba. Pumunta ako sa may kusina. Sa may C.R pumunta rin ako pero wala parin. Eto na naman ako namamalikmata lang ata. Mukang tao yung nakita kong dumaan. Sino yun? tanong ko sa sarili ko. Natakot ako baka nga na may tao rito. Nakakapagtaka?
Humiga na lamang ulit ako at muling itinutok ang bintalador sa akin. Namamalikmata lang ata ako. Iniisip ko nanaman yung mga bagay na dapat hindi ko iniisip natatakot na tuloy ako.
❇✴✳ ❇✴✳ ❇✴✳
BINABASA MO ANG
"Psychotic 12:00"
Misterio / SuspensoSabi ko sayo matulog ka ng maaga ... Kapag gising ka pa ng Hating Gabi! Magpaparamdam na ako ... Magtago ka na ... Bata! "Tik! Tik! Tik!" I'm Anna Bellie. Do you believe in ghost? Well I don't know to handle these kind of horrors! But in the end thi...