Kaluluwa

36 2 1
                                    


Ang kaluluwa nung batang yun ay dahil sa krimen na napaginipan ko! Parang nung isang gabi lang akala ko hindi iyon totoo dahil sa panaginip lang yun panaginip! Pero hindi eh! Totoo iyon! At eto ako ngayon isa ng kaluluwa!


Napasinghap ako. Nagmuni muni sa kwarto ko habang kasama ko parin ang batang iyon! Si Sandro! Nakaupo ako kasama nya nakatingin lang ako sa katawan ko na nakahiga kasama ni mama. Ngayon hindi ko alam kung may pag asa pa bang makabalik sa katawan ko.


Lumipas ang isang isang linggo. Hindi pa din ako nababalik sa dati kong katawan. Hindi pa din nagigising ang katawan ko! Ang kaluluwa ko naglalakbay pa rin kasama nitong batang namatay dito sa Private room ng Hospital.


Tinanong ko yung batang kaluluwa. Pero hindi pa din sya nagsasalita. Ayaw nya pero nais ko syang tulungan kung bakit hindi matahimik ang kaluluwa! Naglakad sya sinundan ko nanaman sya kung saan sya pupunta. Aalamin ko ang mga nangyari at mga posibilidad kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagkamatay nya at nang pamilya nila.


Pababa na kami. Normal lang sa kanya ang makakita ng kapwa nya kaluluwa din. Hindi normal yun para sa akin. Hindi ko matanggap ang pag alis ng kaluluwa ko sa katawan ko! At eto ako kung ano mang pwede kong magawa para lang makabalik muli sa dati kong buhay na buhay na katawan.


Eto na lang siguro ang tanging paraan para makabalik kailangan kong tulungan ang batang ito nang sagayon matulungan nya rin ako.


Pababa na kami at marami din kaming nadadaanang mga kaluluwa! Grabe para din silang tao na paggala gala sa Hospital! Imbis na matakot ako inisip ko na lang na kaparehas ko na din sila na kaluluwa ako! Kaya patuloy kong sinundan ang bata!


Nakapasok kami sa C. R. Nagiba ang paligid. Marami akong nakitang kakaibang mga bagay na nakita. Kagaya ng duguang mga patay na kumpol kumpol sa paligid ng mga inidoro! Ang gripo sa C.R. imbis na tubig ang inilalabas ay dug! Ang mga pader ay nagkalat ang mga dugo galing sa mga taong namatay! Nagiging pula ang paligid dahil sa dugo na nakapalibot sa paligid nitong C.R. Duguang mga labi. Andami na sigurong namatay dito kaya madaming nagpaparamdam. Kakalibot ng along mga mata sa paligid sa loob ng C.R. Nakalimutan kong isipin at sundan ang batang kaluluwa!


Nakalabas na sya at agad naman din akong lumabas! Palinga linga ako sa kaliwa't kanan. Hayon maabutan ko sya pumasok sa may emergency room. Duon ko nakita ang babaeng buntis na may ipinapanganak na bata. Nakita ko na ipinagmamasdan nya yung nanganganak siguro iniisip nya na kung buhay pa siguro ang kanyang ina ay ganito nya makikita.

Hinintay ko sya hanggat hindi pa sya nakalalabas sa emergency room. Hinihintay nya siguro matapos ang panganganak! Lubusan ko din napagmamasdan ang nanganganak na babae at maraming mga nurse ang nakapalibot at doctor na nagpapaanak. Marami ng dugo ang kanilang mga pamunas at ang tubig sa plangana ay puno na ng dugo!

Ganon siguro kahirap manganak! Kalahati siguro ng dugo ng tao ay nawawala sa katawan. Kitang kita ko na pinagpapawisan at hirap ang ina sa pagpapalabas ng anak! Lumipas ang oras sa paglalabor ng ina doon.

Samakatuwid nailabas naman nya ang anak nya sa sinapupunan nya! Kaso nalagotan ng hininga ang ina sa huli. Namatay ito. Ngunit ang anak ay isang himala na nabuhay! Sa matinding hirap na dinanas ng kanyang ina.


Nakita ko si sandro na nanonood sa pinanganak na bata! Tila ba ansaya nya! Iniisip nya siguro na kung ipinanganak ng kanyang ina eh masaya din sya.


Lumabas na kami at nagtungo sa lumang room sa Hospital din. Walang kagamit gamit o kung ano man. Malinis at isang malaking espasyo ito ng kwarto. Pumasok kami doon. Malaki ito at parang maalikabok na rin sa katagalan.

Binalikan namin yung nakaraan nila. Yung buhay pa at masaya pa sila. Kung saan hindi pa alam ng lahat ang totoo! Na ikagagalit at ikagugulat ng pamilya nila.

Wayback past ... [Fast Flashback]


Nag iba ang paligid nagkaroon ng pagkakahawig sa panaginip ko. Yung may kama na may kutson sa may lapag. At sa kabilang dako naman ay ang kama na may kutson na kung saan natutulog si Sandro.


Ang pinto ay biglang bumukas. Nakita ko ang ama nila ay pumasok. May dalang bote ng alak. Bangag at lasing. At heto lumapit sya sa kanyang mag ina. Kinausap at pinatamaan at binaril na naman. Ako etong nasa sulok pinapanood ang pagpapatay sa kanila ng sarili nilang ama na si anthon.

Sa pagputok ng baril ay isang bata ang walang kamalay malay na namatay! Sa pagsilay ko sa pagputok ng bungo nya at pagsirit ng dugo mula sa kanyang ulo ay nalulunod na sya at pinaligo ang sariling dugo sa kanyang sarili. Ang kasama ko palang bata at napakatindi ng dinanas sa krimen. Ako etong nasa sulok na bigla nalang napatulo ang luha. Grabe hindi ko kayang makita ang pamilyang pinapatay ng sarili nilang ama! Pinipigilan ko ang mag ingay sa paghikbi sa pagkaiyak. Baka malamang may taong naririto. Ngunit nakita ako at tumingin sa akin ng masama. Tumayo ako ng lakas loob at naglakad patungo sa kanya. Pinigilan ko sya hanggang malaglag sa kamay nya ang baril. Dinampot ko at sa wakas itinutok ko naman sa kanya! Nakita ko si Sandro na kanina lang naliligo sa dugo sa pag basag ng bungo. Ngayon ay halos walang kadugo dugo at walang bahid ng sakit sa katawan.

"Iputok mo na ate Anna Bellie!" Sabi nya sa akin kahit na ama nya ito. Alam kong masakit yun para sa kanya. Ngunit para na din makaligtas ang ina nya ay mas mabuti na rin siguro. Nakatingin ako sa mga mata ni sandro alam kong mahirap pero kailangan.


Nagdadalawang isip ako kung ipuputok ko na ba ang baril na hawak ko ngayon. Halong takot, kaba, at mga emosyong namamayani ngayon sa kinatatayuan ko. Naginginig kong itinutok ang baril sa ama.


Nag aalinlangan kung ipuputok ko na ba?!





✴✳❇     ✴✳❇     ✴✳❇

"Psychotic 12:00"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon