Private room

25 2 0
                                    


Private room. Kung saan ako nakaconfine. Ang panaginip ko nung gabi may pahiwatig ang lahat ng iyon. Ang mga boses, salitaan, iyakan, putok ng baril! Lahat ng iyon ay nagsync parin sa utak ko!


"Gusto ko ng makaalis! Ayoko ko na rito!" Sigaw ako ng sigaw na kumakawala sa higaan ko.


Nagsidatingan ang mga nurse. Pinahihinto nila ako sa pagwala ko! Dumating rin ang isang doctor. Kinakalma nila ako. Hindi ko mapigilan ang pagwawala tanging ang gusto ko mangyari ay matapos na ang lahat ng ito. Gulong gulo na ang isip ko. Kailangan ko na talagang makaalis at makawala sa kwartong ito. Ayoko ng pati ako ginugulo ng mga taong namatay na at sumakabila ng buhay! Ano bang nangyayari sa akin?


Huminto ako at muli humiga. Humiga ako dahil may ininject sa akin na bigla na lang akong napagod at makatulog. Gumagalaw ang paligid. Pati ang mga nurse at doctor ay lumulutang sa paningin ko. Umiikot at nalalasing ako at tsaka nawalan ng malay.


Eto nanaman ako nasa panaginip ko. Sabi ko ayoko na! Ayoko na! Ngunit hindi parin ako tinitigilan. Hindi ako gumagalaw. Ang katawan ko ay parang mabigat na nakadangan sa paghinga ko.


Nagising ako! Hindi ako makapaniwalang nakatatayo na ako! Naglakad lakad ako. Lumabas sa Private room ng kwartong iyon.


Nakasalubong ko ang ibat- ibang klase ng tao. Mga nakaputi. Nurse at doctor. Mga pasyente na kasama ang mga guardian nila. May mga naka wheel chair na tinutulak ng nurse. May bata akong nakita kagaya ko sumilip sya sa akin at hinabol ko kung saan sya pumupunta. Pumunta sya sa medyo wala ng katao taong lugar at doon ko nakita ang mas maraming pasyente na nagtitipon! Wala akong kaalam alam kung ano mang nangyayari. Basta ang alam ko sinundan ko yung batang sumisilip kanina sa akin sa may hallway!


Nawala yung bata. Hinanap ko sa napakadaming pasyenteng nagtitipon. Ngunit nabigo ako at nagtinginan na lamang ang lahat ng pasyente. Wala silang mga mukha! Ikinatakot ko yun ng nagharapan silang sabay sabay habang itinuturo ako!


Unti unti akong gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na kakaiba na iyon! Kumaripas ako ng takbo! Hindi ako tumingin man kahit saglit sa likuran upang makita kung nahahabol man nila ako! Basta ang alam ko ang bilis ko at natatakot na muling bumalik dun sa mga walang mga mukhang pasyente na iyon!


Malayo na rin ang natakbo ko! Huminto ako at huminga ng hingal dahil sa pagod. Nagtago ako at nakikita ko nanaman ang bata! Sinundan ko nanaman sya dahil hindi ko na alam ang pabalik duon sa kwarto ko! Kahit na minsang ipinahamak na ako nung batang iyon! Tumakbo ako hanggang saan sya pupunta!


Bumalik kami sa mga normal na mga tao. Nakabalik kami hanggang sa naging normal ang mga nakikita ko! Nakita ko ang mama ko may dalang pagkain para sa akin!


Tinawag ko sya. "Mama! Mama! Andito po ako!" Sigaw ko habang papalapit sya sa akin.


Hindi nya ako naririnig. Kahit anlakas lakas na ng boses ko. Bigo pa rin at tuloy tuloy sya sa paglalakad. Hanggang sa dinaanan nya ako sa harap ko. Ngunit himala hindi ako nasaktan o natumba man lang! Hinawakan ko ang mga bagay sa paligid ko! Hindi ko sila nahahawakan! Naging invisible na ako! O di kaya nasa panaginip pa kaya ako?


Sinundan ko naman ngayon ang mama ko! Habang umiiyak dahil iniisip kung babalik pa ako sa katawan ko ng normal! Papasok na sya ngunit ako napadaan na lamang sa pinto ng walang kagalos galos! Nakapasok ako ng nakasara ang pinto! Naunahan ko ang mama ko sa pagpasok sa Private room! Tsaka lamang nya binuksan iyon.


Tanaw ko ang sarili kong katawan na nakahiga. Tulog na tulog at walang malay! Inihiga ko ang kaluluwa ko sa katawan ko. 3 minuto akong humiga. Ngunit pagkatayo ko andoon pa rin ang totoo kong katawan ko nakahiga at natutulog! Nandoon na rin ang mama ko nagbabantay sa akin nakahawak sa kamay ko.


Tumulo na lamang ang luha ko dahil nawawalan ako ng pag asa na makabalik sa tunay na buhay na katawan. Nakita ko ang batang sinusundan ko kanina. Nakatingin sa akin ng malungkot nandito din sya sa loob ng Private room! Nakatingin at hindi ko alam kung may kailangan.


Pero parang namumukha ko yung bata. Sya yung nasa krimen na pinatay ng sarili nyang ama! Sya si Sandro ang binaril ng kanyang ama sa utak at nalunod sa sariling dugo!


Ngayon alam ko na kung bakit! Nagpapakita sya dahil namatay din sya sa Private room ng Hospital na ito!


Muli kong sinibukan na bumalik sa katawan...


Bigong bigo ako at naiiwan ang katawan kong nakahiga pa rin. Hindi ko alam baka mamamatay na ako! Tinanong ko yung batang kaluluwa. "Sinusundo mo na ba ako! Kaya ka narito ngayon! Bakit hindi ako makabalik sa katawan ko?!?!"


Hindi sya sumasagot. Tahimik lang syang naglalaro ng hindi ko alam kung anong bagay ang nilalaro nya!






❇✴✳      ❇✴✳      ❇✴✳

"Psychotic 12:00"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon