Nakatingin ang buong pamilya ngayon sa akin."Isa itong malaking pagkakamali kung magkamali man akong maiputok ang baril" iniisip kong hindi ko pwedeng gawin ito kahit sinabihan na ako ni Sandro na barilin ko na ang kanyang ama.
Namumugto ang luha ng inang buntis. At kita ko din sa mata ng kanilang ama na ilang kilometro lang ang layo sa tapat ko. Nakita ko rin sa mata nung batang kasama ko na si Sandro ang pag aalala. Hinihintay nila kung ano ang mangyayari. Nakasalalay sa mga kamay ko. Pero hindi ko talaga kaya!
Naisip ko muli ang mama ko na siguradong binabantayan ako sa may Private room. Naisip ko na may ama rin ako kaya alam ko kung gano kasakit ang mawalan ng isang ama. Alam kong kahit may mga hindi siguradong mga desisyon ang ipinaabot sa akin. Kailangan ko paring isipin ang mabuti sa masama.
Nailaglag ko ang baril. Hindi ko talaga kaya! Hindi ko magawa kahit alam kong may ibang mapapatay pa sya. Basta ayokong pumatay.
Napaupo ako sa pagbagsak ng baril. Hindi ko maisip bakit hindi ko pa itinuloy. Naramdaman kong may matigas na bagay ang pumasok sa puso ko. Napahawak ako sa may puso ko. Nakapa ko ang dugo sa puso ko. Tumingin ako at hawak naman ngayon ng ama ang baril na ibinagsak ko. Isa na namang bala ang ipinatama sa puso ko!
Ansakit! Ansakit! Sobrang sakit!
Bang! Bang! Bang! Hanggang sa malagutan ako ng hininga nakita ko si Sandro sa tabi ko at niyakap ako. Grabe hindi ko makita, naglalaho ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan na akong namatay. Nadamay ako katulad ni Sandro.
Naliligo na siguro ako sa dugo. Paulit ulit na pinagbabaril. Walang awang pinapatay. Nadamay ako wala akong kasalanan. Sa bawat balang tumatagos sa puso ko ay parang sinasaksak ako ng wala nang pag asa pang mabuhay. Ang pusong kumakalat at unti unting nabubutas at kumakawala ang dugo. Ang katatagan ko ay nawalan ng lakas pinahina nito ang puso ko. Pinahinto ang pagdaloy ng dugo kung hindi man malamang naghalo halo na ang mga di dapat. At kapag nalamon na ng masamang mga elemento ang buhay ko mawawalan na into ng silbi.
Di na ako makakahinga dahil sa pyesang nakalawang. Nakulangan ng pyesa. At sinira ang mga matataas na pader na ginawa kong harang sa mga taong masasama. Pero hindi pa sapat at nasira nila ako. Mga patibong para sa mapayapang pamumuhay. May mga taong pilit sinisira ito. Nasasaktan ka sa mga taong hindi nakokontento at kinukuha, sinisira ang buhay natin.
Lumiwanag ang paligid ko. Malaulap ang kinauupuan ko ngayon. Anlambot, ansaya, ang gaan sa kalooban. Tiningnan ko ang katawan ko walang bahid ng dugo at kahit ano man.
Maliwanag nasa langit ako. May lalaking sumalubong sa akin na nakaputi. Tila ba gumaan ang kalooban ko nung nakita ko sya. May napakalaking gate o yung tinatawag nating Gate Of Heaven! Tanaw ko sa loob ang mga kamag anak kong na mayapa na. Inilahad nya ang kanyang kamay sa akin. Sinusundo na ako. Nasa langit na ako ibig sabihin patay na pala ako. Gusto kong hawakan ang kamay ng taga sundo. Ngunit sa kabilang banda nakita ko ang pamilya kong nagbabantay at hinihintay akong magising. Natutulog na ako ng 2 linggo ang nakaraan.
Hindi pwede mas kailangan pa ako ng mga magulang ko. Hindi pa ako pwedeng magpahinga. Alam kong naiintindihan ako ng taga sundo. At ngumiti sya sa akin ng may pag asa na nabuhayan ako ng loob. Hindi na nya inilahad ang palad nya. Hindi ko sya nakausap.
Lumulutang ako paibaba. Dinadala ako ng mga anghel sa langit papunta sa kwarto ko kung saan ako natutulog ng mahimbing. Naconfine at hindi na alam kung mabubuhay pa. Dalawang anghel ang kumapit sa braso ko papunta sa katawan ko. Nakaramdam ako ng pag asa.
Naramdaman kong bumagsak at bumigat ang katawan ko. Humihinga at tumitibok ang puso ko. Dumilat ako. Nakabalik ako sa wakas! Nasilayan ng pamilya ko ang paggising ko. Ang haba na pala ng tulog ko. 2 weeks na.
Ginalaw galaw ko ang sarili ko. Totoong totoo! Nakabalik na talaga ako. Laking pasasalamat ko sa mga anghel sa langit na ipinadala muli ako dito sa mundo ng mga tao. Alam kong araw araw babantayan nila ako.
Ang mga anghel sa langit ang palaging nagbabantay sa pagtulog at pagising natin. Lahat tayo biniyayaan ng kanya kanyang mga tagabantay o anghel sa langit. Kaya dapat lamang maging mabuti tayong anak ng diyos! Dahil ama natin ang nasa langit dapat lamang na maging mabuti tayo.
Ang langit ay napakaganda maraming ulap, maliwanag, at punong puno ng pag asa, at mga anghel ay naroon. Higit sa lahat ay nandoon ang Panginoon Diyos! Mariin laging sasambitin sa isipan na huwag patutukso sa kung anong kasamaang patitinag ka. Mahalaga huwag lalabag sa kagustuhan ng diyos. Palaging manalig sa kabutihan!
❇✳✴ ❇✳✴ ❇✳✴
BINABASA MO ANG
"Psychotic 12:00"
Mystery / ThrillerSabi ko sayo matulog ka ng maaga ... Kapag gising ka pa ng Hating Gabi! Magpaparamdam na ako ... Magtago ka na ... Bata! "Tik! Tik! Tik!" I'm Anna Bellie. Do you believe in ghost? Well I don't know to handle these kind of horrors! But in the end thi...