Mika's POV
"'Wag kang matakot. I'm here."
Simple lang naman ang sinabi ni Ara pero bakit ang laki ng epekto sa 'kin? Lalo yata akong kinabahan sa ginawa niya eh.
"Alam mo, sayang lang 'yung pagsakay natin dito kung hindi mo titignan ang view." Rinig kong sabi niya. "Ang ganda kaya."
Nakapikit kasi ako. Natatakot akong dumilat kasi nalulula ako.
"Miks, I swear, ang ganda ng view. You should open your eyes. Don't worry, nandito lang naman ako." Sabi pa niya at naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Huminga akong malalim. At dahil sabi niya, dumilat na ako.
"Wow." 'Yan na lang ang nasabi ko. Tama nga siya. Ang ganda ng view.
Pinagmasdan ko 'yung paligid. Nasa taas kami ng dagat. Ang linaw pati ng tubig. Tanaw din mula dito ang buong resort pati rin ang kalapit bayan. Lalo pang gumanda kasi malapit na magsunset.
"Told you." Sabi niya sabay ngiti. Ngumiti na rin ako.
Medyo matagal din bago kami nakarating sa end point. More than one kilometer kasi ang haba nito eh. Natanaw namin sila Ate Kim doon at kumaway-kaway pa. Tinanggalan naman kami ng harness pagdating doon. Nilapitan na namin sila at lahat sila nakangiti nang nakakaloko.
"Mukha kayong ewan." Sabi ni Ara.
"Bakit?" Takang tanong ko naman. Ngumuso naman si Mela at tinignan ko kung ano 'yon.
Ay! Napabitaw kami bigla ni Ara. Nakakahiya! Hindi ko na pala namalayang magkahawak pa rin kami ng kamay.
"Kayo ah. Baka mamaya kayo na pala ul--" Pinutol naman ni Ara 'yung sasabihin ni Cienne.
"Baba na tayo. Gutom na ako." At nauna na siyang bumaba. Lahat kami nagulat. Bigla kasi siyang nainis.
"Anyare dun?" Tanong ni Ate Kim. Nagkibit-balikat ako.
"Tara, baba na rin tayo." Sabi ko na lang at nauna nang bumaba. Sumunod naman sila.
Dumiretso na kami sa restaurant ng resort kasi dun namin nakitang pumunta si Ara. Nakita naman namin siyang nakaupo sa sulok. Lumapit kami at umupo na rin.
"Ano gusto niyo, guys?" Tanong niya habang nagtitingin sa menu pero ang seryoso niya. Pumili naman kami at umorder. Hindi rin nagtagal, dumating na 'yung food at kumain na kami.
Magkatapat kami ng pwesto ni Ara. Alam niyo na kung bakit. Lagi namang sinasadya ng mga kaibigan namin 'yon.
Kanina pa siya tahimik. Nakikisali naman siya minsan sa usapan nila pero ako, hindi niya pinapansin o kahit tingin man lang, wala.
Hindi naman sa required siyang kausapin ako or what. Kaso bakit ang cold niya pagdating sa akin ngayon? Well, naiintindihan ko naman kung ganon ang trato niya. I mean, after what happened in the past, ang awkward naman talaga. Pero okay naman kami kanina pati noong mga nakaraang araw. May pagka-thoughful pa nga siya eh. Ano kaya nangyari dun?
Tahimik na lang din akong kumain at hindi na muna ako nakisali sa kulitan nila.
"'Di ba pumunta tayo dito para mag-enjoy at magrelax? Eh bakit parang nagluluksa kayo diyan?" Sabi ni Mela, and I know na kami ang tinutukoy niya. Nakatingin sila sa amin. Ito namang si Ara, parang wala lang. Patuloy lang siya sa pagkain.
"Pasensya na, guys. Medyo pagod lang kasi." Sabi ko na lang. Tumango-tango lang naman sila saka kumain na ulit. Tinignan ko naman si Ara at napatingin din siya sa akin pero umiwas agad.
Ano ba ang problema?
"Chill chill lang muna tayo." Sabi ni Ate Kim at uminom ng beer. Nandito kami ngayon sa isang kubo malalit sa pool at sa villa namin. After kasi naming magswimming kanina, naisipan nilang uminom.
![](https://img.wattpad.com/cover/65731690-288-k34673.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfictionYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...