Bang's POV
Last game na namin today. Do or die na talaga dahil Championship na. At kalaban namin ang team nila Ara. Their team is a really strong team. Warm-up pa lang, game face na agad. Pero hindi pa rin nawala ang kakulitan nila. Sumasayaw-sayaw pa nga sila eh.
Hindi ko alam kung bakit ko pinapanood 'yung kabilang team instead na magfocus sa sarili kong team. Ayan tuloy, natamaan ako ng bola.
"Baka naman matunaw si Ara mo." Sabi sa akin ng teammate ko. Napangiti naman ako. Hindi dahil sa sinabi niyang 'Ara mo' pero dahil sa nakikita ko ngayon. Si Ara kasi ang tumutulong kay Mika magstretching habang nagtatawanan pa. Ang cute lang nila.
"Hala siya oh! Kinikilig." Tukso pa niya sa akin.
"Hindi naman ako kay Ara kinikilig eh. Sa kanilang dalawa ni Mika." Naguluhan naman siya sa sinabi ko kaya pinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari.
"Iba ka, girl! Ikaw na nag-let go, shiniship mo pa sila." Kumento niya. "Hayaan mo, dadating din ang Mr. Right mo."
Mr? Pwede rin. Honestly, I never had a boyfriend. Open naman ako sa possibilities. Pero right now, hindi ko muna iniisip 'yan.
After mag-warm up, nagready na kami. Simula pa lang talagang pahirapan na kaming maka-score dahil sa galing ng defense ng team nila sa floor at sa net. Beastmode na rin sila kaya ang lakas lalo ng offense.Paiba-iba ang pinapanood ko. Since hindi ako masyadong pinaglalaro ni coach, nandito lang ako sa gilid. Minsan 'yung game ang pinapanood ko, minsan naman silang dalawa. Ewan ko ba. Parang wala tuloy akong silbi sa team namin. Hindi ko kasi maiwasang hindi sila tignan. Kitang-kita ko ang spark sa mga tingin nila. Hindi lang dahil sa tuwa na naka-score sila, may something talaga. At kahit pa grouphug, alam kong chumachancing din 'tong si Ara.
Hindi ko na namalayang tapos na pala at nakuha nila ang First Set. Pero bumawi 'yung team namin sa second. Parang naging kampante at relaxed din kasi sila sa one-set advantage. Pero naging wake up call ang pagkatalo nila at ma lalo lang yata silang lumakas sa Third Set dahil BMDC na. Lalo na si Ara, sunod-sunod na puntos ang nakuha niya. At nagtuloy-tuloy na hanggang sa fourth at huling Set.
Binigay na namin ang best namin pero hindi pa sapat. Magaling talaga ang team nila. Medyo naluha ako dahil natalo kami. Pero masaya pa rin naman ako kasi masaya sila. Teka, 'yung game pa rin ba ang tinutukoy ko?
Nag-grouphug kami ng team namin. Hindi pa naman 'to ang last kasi pwede pa kaming maglaro next year. Babawi na lang kami. Matapos ang iyakan, pumila na kami at isa-isang nakipagkamay sa kabilang team. May ilang nagyakapan pa bilang pag-congratulate na rin sa kanila.
Nilapitan ko si Ara at niyakap pero saglit lang. Don't get it wrong, friendly hug 'yon.
"Congrats!" Sabi ko.
"Uy, thank you! Congrats din sa inyo." Sabi niya.
"Nakita ko 'yung mga pasimpleng damoves mo ah." Biro ko sa kaniya.
"Galawang Galang eh." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ko pa kasi masabi sa kaniya. Kaya ito, hokage muna ako."
"Hanap ka lang ng tyempo para sabihin sa kaniya. Pero 'wag mo biglain, take it slow lang." Sabi ko at tumango siya bilang sagot.
"Oh, sige na. Puntahan ko lang 'yung mahal mo." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako. Nung makita ko si Mika, nilapitan ko siya at niyakap. Ramdam kong nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik.
"Sorry sa mga nagawa ko dati, Mika." Sabi ko. "I'm really sorry."
"Ano ka ba. Okay lang 'yun! Naiintindihan ko naman." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanficYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...