EHC - 14

1.9K 66 42
                                    

Ara's POV

Ang saya ko. Sobra. Though there's a part of me na nalulungkot dahil alam kong masakit para kay Bang, ang sarap lang talaga sa pakiramdam na siya na mismo ang nag-let go.

Naging unfair ko kay Bang. She loves me so much pero hindi ko mabigay nang buong-buo ang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya she really deserves someone better. While I, on the other hand, needs to follow what my heart says. I know hindi na pwede kasi may Kiefer na siya pero I believe na kami ang para sa isa't isa. I also believe what Bang said, na mahal pa rin ako ni Mika. Confident lang talaga ako, haha!

So anyway, nag-enjoy kami ni Bang dito sa resort. Sinulit na namin kasi magiging iba na ang buhay namin pagbalik sa Manila. Hindi ko pa nga alam kung ano ang una kong gagawin eh.
 
 
"Ara." Tawag niya sa akin. Nakaupo lang kami dito ilalim ng puno, pinagmamasdan ang paligid.

"Hmm?"

"Ano na gagawin natin dito?" Tanong niya habang hinahawakan ang necklace na pareho kaming meron. Pati rin 'yung singsing namin.

"Hindi ko alam. Gusto mo bang itabi natin?" Natawa naman siya sa tanong ko.

"Ang pangit naman kung itatago natin 'tong mga 'to, tapos magiging kayo na ulit ni Mika." Sabi niya. Napangiti naman ako bigla. Na-imagine ko kasing kami na ulit. "At dun din sa 'the one' ko."

"Tama ka naman. Pero, ikaw? Ano ba gusto mong gawin dito?" Balik-tanong ko. Nag-isip naman siya.
 
 
"Itapon natin." Sagot niya. "Dun oh." Sabay turo sa dagat.

"Sige. Ikaw bahala." Tinanggal naman namin 'yung kwintas at singsing, at pinagsama. Nilagay namin ang mga singsing sa kwintas.

"Tara." Sabi niya at tumayo na kami. Naglakad kami papunta sa dagat hanggang sa abot namin.

"BaRa out." Bulong niya. Hinalikan niya muna 'yung kwintas bago binato sa malayong parte ng dagat. Medyo natawa ako sa sinabi niyang, 'BaRa out'. Ganon din naman ang ginawa ko at bumalik na kami sa pampang.

"Hindi naman siguro tayo sisitahin ng may-ari ng resort?" Birong tanong ko.

"Hindi 'yan." Sabi na lang niya. Bumalik na kami sa kwarto namin para mag-ayos ng gamit. Nauna siyang maligo kaya naisipan kong magmuni-muni muna sa balkonahe.

Kinuha ko 'yung phone ko at pinagmasdan ang pictures namin ni Mika. It's been years pero nandito pa rin 'tong mga 'to. Mga selfies niya ang karamihan dito. Basta maiwan mo sa kaniya yung phone mo, asahan mo nang puro mukha niya ang bubungad sa camera roll mo.

Napahinto naman ako sa pagscroll nang makita ko 'yung picture namin nung huling anniversary namin. Ilang taon na sana kami ngayon kung 'di lang kami naghiwalay.
 
 
 
"Ang cute niyo talaga." Nagulat naman ako kay Bang na bigla-biglang nagsasalita sa likod ko.

"The two of you would've have been the cutest loveteam, 'no?" Kumento niya. "Sayang nga lang." Bigla naman siyang nalungkot.

Bilib din ako dito kay Bang eh. Alam kong nasasaktan siya pero todo push siya sa akin kay Mika. Idol!

"Look. See the difference?" Sabi niya sabay pakita ng picture namin sa phone niya at tinabi sa phone ko. "There's a difference between the way you look at me and the way you look at her."

Pinagmasdan ko 'yung dalawang larawan. Tama nga siya. Iba ang ngiti ko kapag kasama ko si Mika. Hay! Ano ba, Bang? Okay ka lang ba talaga?

"Kaya you better go there and take a bath na, nang makabalik na tayo sa Manila para masimulan mo na ang 'Operation: Win Mika Back'." Sabi niya at tinulak na ako papasok. Nginitian ko na lang siya bago pumunta sa banyo.
 
 
 
 
 
"So we're here." Sabi niya pagkahinto sa tapat ng bahay namin. "Sana kahit papaano, nag-enjoy ka."

Everything Has Changed (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon