Mika's POV
"Ye?" rinig kong tawag sa labas ng kwarto nang may kumatok pero hindi ako bumangon o sumagot. Inaantok pa talaga ako. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at bumalik sa pagtulog.
"Hapon na, tulog ka pa rin?" Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko.
"Mika," muling tawag ni kung sino man 'to. "Mika, gumising ka na. Hindi ka pa kumakain." Tinapik-tapik pa ako sa braso.
"Inaantok pa ako," reklamo ko.
"Naiintindihan ko naman kung naninibago ka sa oras dito sa Pinas, pero hindi ka pa nag-aalmusal o tanghalian. Isama mo na rin 'yung merienda."
Hmm? Anong oras na ba? Kaya siguro puro pagkain ang napapanaginipan ko.
Dumilat na ako pero hindi ko pa inaalis 'yung kumot. Medyo nakikita ko kung sino ang gumigising sa akin. Nanlaki naman 'yung mata ko nang marealize na si Ara pala 'to. Hindi ko man lang siya nabosesan?
"Hay, hindi ka pa rin nagbabago. Ang batugan mo pa rin." Tumayo naman siya. "Sige, matulog ka muna. Gisingin na lang kita kapag kakain na ng hapunan." Lumapit siya at hinalikan ako sa noo.
O_ONarinig ko naman na lumabas na siya ng kwarto kaya inalis ko na ang kumot. Napahawak ako sa noo ko.
Para saan 'yon?
Hanggang ngayon, hindi ako makaget-over. Parang ramdam ko pa rin ang halik niya sa noo ko.
Ang OA mo, Mika, ah. Ano naman kung hinalikan ka sa noo? Normal lang naman 'yun sa inyo dati.
'Yun nga eh. Dati 'yon. Iba na ngayon 'no. May dating na sa akin lalo pa't...Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Kung anu-ano pa 'tong iniisip ko eh. Naghilamos lang ako at nagmumog. Paglabas ko naman ng CR, chineck ko 'yung phone ko. May ilang messages lang naman.
From: KieferHey, good morning. I guess tulog ka pa. Haha! After ng kwento mo kagabi, naisip ko na hindi ka nakatulog agad. I know you. ;) Nothing much to say. Nangangamusta lang about sa pagstay mo diyan.
Hindi kasi dito natulog ang boys. No boys allowed daw eh. Naiintindihan naman namin. May condo naman si Kiefer, medyo malayo nga lang dito.About sa text niya, tumawag kasi ako kagabi at nagkwento ng kung anu-ano. Alam kong nagpapahinga na siya no'n pero nakinig pa rin siya.
Nagreply ako,To: Kiefer
Jwu, haha! You're right. Umaga na nga yata ako nakatulog eh. Thank you last night. And I'm fine naman. Ngayon pa lang ako kakain. May kwento nga pala ako ulit! I'll just tell you when we meet. :)
Nireplyan ko rin 'yung ibang messages. Mga nangangamustang relatives, some friends, pati na rin ang ilang friends na nameet ko sa US.Pero may isang message na hindi ko pa narereplyan,
From: Mommy
Hi, anak. Kamusta? Are you okay there at your friends' house?
Nasa Bulacan sila ngayon. Ako lang kasi pumunta sa America.Hindi pa ako makapagreply. I don't know why. Namimiss ko naman si Mommy. Sobra. It's just that... naninibago lang ako. Replyan ko na nga,
To: Mommy
Okay naman ako dito. Baka bukas na lang ako pumunta diyan.
Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa at lumabas na ng kwarto. Parang ang tahimik naman. Bumaba ako at naabutan sina Ate Kim at Ara sa kusina na nagluluto."Hi," bati ko. Mukhang nagulat naman sila.
"Ano ba 'yan, Ye! Bigla bigla ka na lang sumusulpot diyan," reklamo ni Ate Kim. Natawa naman ako sa facial expression niya.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfictionYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...