EHC - 15

1.8K 59 19
                                    

Ara's POV

After naming magmerienda, naisipan naming magmovie marathon na lang. Baka hindi na rin kami kumain ng dinner dahil busog pa kami.

"Anong gusto niyong panoorin?" Tanong ni Ate Kim na siniset-up 'yung player.

"Romance?" Suggestion ni Cienne.

"'Wag na romance. Nakakasawa na." Pagtanggi naman ni Carol. Palibhasa, walang love life eh.

"Horror na lang!" Sagot naman nitong si Mika. Sumang-ayon din ang iba.

"Sige, 'yun na lang. Ikaw na bahala pumili diyan, Kimmy." Sabi ko. Inayos na niya 'yung player at umupo na sa tabi ni Mela. Bale sa tatlong sofa dito, magkatabi sila, magkatabi kami ni Mika, magkatabi ang JeRia, at magkakatabi naman 'yung tatlo sa sahig.

Intro pa lang ng movie, ramdam ko nang kinakabahan 'tong katabi ko. Tuwing nakakagulat ang scene, sisigaw sila. Nangunguna na diyan si Mika. Halos hindi ko na nga maintindihan 'yung palabas eh. Natatawa na lang ako deep inside. Ang lakas ng loob magyaya na manood ng horror, takot na takot naman.

Lalo na 'tong si Mika. Alam ko namang dati pa lang, natatakot siyang manood ng mga horror movies. Matapang lang 'yan mag-suggest. Pero pabor sa akin 'to. Why?

"Waah!" Sigaw ni Mika sabay yakap sa akin at siniksik pa ang mukha sa bandang leeg ko.

'Yan ang tinutukoy ko. Nagiging clingy siya sa akin. Haha! Kinikilig ako, promise. Kaya gustong-gusto kong nanonood kami ng ganitong palabas eh.

"Nandiyan pa rin ba 'yung multo?" Bulong niya sa akin habang nakatago pa rin. Mapagtripan nga.

"Wala na." Sagot ko. Pero nung tumingin siya sa TV, saktong nakakagulat ang eksena. Kaya ayun, napasigaw na naman 'tong si Mika at lalong sumiksik sa akin. Natawa ako nang mahina.

"Nakakainis ka naman eh! Sabi mo, wala na." Reklamo niya sa akin.

"Malay ko bang babalik 'yon." Sabi ko naman.

Natapos ang movie na puro sigaw at tili ang narinig ko. Ang tatanda na nila pero parang mga batang naniniwala sa multo.

"'Yung totoo? Comedy ba ang pinanood natin at nakangiti kayong tatlo?" Tanong ni Cienne. Ako, si Ate Kim, at si Ria ang tinutukoy niya. Hindi lang pala ako ang naka-chancing, sila rin pala. Haha!

"Nakakatawa kasi mga itsura niyo eh." Sabi naman ni Kimmy. "Ang tatanda niyo na para matakot sa ganiyan."

"Hindi naman porket matanda na, wala nang kinakatakutan." Seryosong sabi ni Mela. Natahimik tuloy kami. Parang may hugot siya don eh. Pero bigla naman siyang tumawa. "Joke lang. Sige na, pumili na kayo ng susunod na movie."

Si Camille na lang ang pumili nung susunod. RomCom ang pinili niya para mawala 'yung takot nila.

"Ang sweet naman niya." Rinig kong kumento ni Mika. 'Yung scene kasi ay nagprepare 'yung guy ng surprise para sa girl.

Kaya ko rin namang gawin 'yan eh. Mas bongga pa.

Hala siya. Ano 'yan, pati leading man sa movie, pagseselosan mo?

Ewan ko ba. Naiinis kasi ako sa sarili ko dahil hindi ko na magawa ang mga ganiyan. 'Yung pagsurpresa sa kaniya tuwing espesyal o kahit ordinaryong araw lang, 'yung pagsilbihan siya na parang prinsesa, 'yung gagawin ang lahat para pasayahin siya. Hay.

Pero natuwa naman ako bigla nang sumandal sa akin si Mika. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at pinulupot pa niya ang braso niya sa braso ko.

Tinignan ko siya.

Everything Has Changed (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon