Mika's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas after ng Ilocos trip namin. Dalawang linggo na rin simula nung nakatanggap kami ng letter mula sa isang management.
For Mika Aereen M. Reyes, Victonara S. Galang, and Kim A. Fajardo
They're asking us to join their team for a volleyball tournament. Natuwa kami, syempre. Namimiss na namin ang paglalaro ng volleyball. Sabi kasi nila Ate Kim, after naming umalis ng kambal, nagfocus na lang sila sa pagnenegosyo at hindi na muna sumali sa mga liga. Ngayong may opportunity na, hindi na namin palalampasin. And besides, ilang taon na rin kami.So tinanggap namin 'yung offer. At magsisimula na ang training namin mamaya. Kaya ito kaming tatlo, nag-aayos ng gamit.
"Hindi ko alam kung marunong pa akong magvolleyball." Natatawang sabi ni Ate Kim.
"Ako rin eh." Nagkasabay pa kami ni Ara. Kaya itong si Kimmy, inasar na naman kami.
"Meant to be talaga kayo, 'no?" Inirapan ko lang siya. Si Ara naman, umiling-iling.
"Kaya nga naniniwala akong kayo ang para sa isa't isa eh." Dagdag niya pa sabay labas ng kwarto namin.
Awkward silence.
Meant for each other ba talaga kayo? Hay.
Inayos ko na lang 'yung bag ko at nauna nang lumabas. Sumunod na rin si Ara. Nagpaalam na kami sa kanila at sumakay na sa kotse ni Ara. Siya rin ang magdadrive papunta sa isang gym na sinabi sa letter.Hindi naman gaanong matraffic kaya nakarating kami agad. Pagkapasok namin, wala pang tao. Kaya umupo muna kami sa bench. Pagkalipas ng ilang minuto, may narinig kaming ingay mula sa pintuan.
May ilang taong pumasok at nagulat kami.
"Mga ateee!" Sigaw nila sabay takbo at yakap sa amin."Guys, awat na! Hindi na kami makahinga!" Biro ko at bumitaw na sila.
"Ate, bakit kayo nandito?" Tanong nung isa. Tapos biglang nanlaki ang singkit niyang mata. "Don't tell me, kayo 'yung bagong players na dadagdag sa team!" Masaya niyang sabi.
Ngumiti naman kami at bigla silang nagtatatalon.
"Seryoso, Ate?" Pag-uulit nila.
"Yes, babies." Sagot naman ni Ate Kim na lalo nilang ikinatuwa.
You read it right. Babies. Mga babies namin noong Senior year namin sa DLSU. Nandito sila Tin, Mayang, Eli, Kianna, Majoy, Justine, Desiree, CJ at Dawn.
Bigla namang dumating sina Ate Cyd at Ate Mowky, kasama si...
"Coach Ramil!" Tumakbo kaming tatlo at niyakap si coach."Namiss ka namin, Tay!" Sabi ni Ara.
"Namiss ko rin kayo, mga anak." Sabi naman ni coach at bumitaw na kami.
Nakakatuwa. Nagmistulang reunion ng Lady Spikers 'to. Or better yet, parang DLSU team pa rin kami! Tapos si Coach Ramil pa ang coach namin. Ayos!
"Welcome to the team!" Bati ni Ate Cyd at nagtaas pa ng dalawang kamay. Pumalakpak naman 'yung iba. Umayos na kami ng pwesto sa bench dahil may sasabihin daw si Coach Ramil.
"Welcome, ladies." Paninimula niya. "Three weeks from now, magsisimula na ang tournament. Monday to Friday ang trainings natin. Free days niyo na ang weekends. AM-PM ang schedule, so mas convenient kung sama-sama na lang kayo."
"Mags-stay tayo sa isang dorm." Sabi naman ni Ate Cyd. "At ang dorm na tinutukoy ko ay ang dati nating dorm." Natuwa naman kami.
Taray! Parang UAAP lang ah. Parang hindi kami gumraduate at hindi kami nagkahiwalay.

BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfictionYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...