Ara's POV
After ng training, naisipan naming magmovie marathon pero hindi rin masyadong matagal kasi may morning training pa kami bukas. Nasa kaniya-kaniya na kaming kwarto para magpahinga. Tulog na yata 'yung mga roommates ko, samantalang ako, gising na gising pa.
Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko.Bang calling...
Hay. Ganitong oras niya talaga naisipang tumawag? Bumangon ako at pumunta sa veranda at doon sinagot.
"Hey. Napatawag ka?"
"Did I wake you up, baby?"
"No. Hindi naman ako makatulog eh. Ikaw, bakit gising ka pa? And how's your training pala kanina?" Tanong ko.
I forgot to mention na kasali rin si Bang sa tournament but for a different team. So ibig sabihin, kalaban namin sila.
"Same reason, can't sleep. Okay naman 'yung training kanina. Medyo late nga lang natapos." May iba pa siyang kinukwento pero hindi ko naman masyadong inintindi.
Paikot-ikot lang ako rito sa veranda nang mapansin ko 'yung baso sa lamesita. May lamang tubig at may yelo pa. Sino namang uminom nito at iniwan dito?
May bigla namang dumating na ikinagulat ko.
"Ye!"
"Vic? Nakikinig ka ba? At anong, 'Ye'?" Oops. Nakalimutan kong kausap ko nga pala si Bang. Nagmouth naman ng 'sorry' si Mika at akmang aalis na nang pigilan ko siya. Nagmouth ako ng 'wait lang'."Sorry, Bang. Bukas na lang ulit. Bye!" Magsasalita pa siya pero in-end ko na yung call at in-off yung phone ko.
Ang rude mo, Vic. Natawa na lang ako deep inside.
"Sorry. Nakaistorbo yata ako." Paumanhin ni Mika. Umupo ako sa katabing upuan niya."Hindi, okay lang. Tatapusin ko na rin naman 'yung call." Paliwanag ko. "Bakit nga pala gising ka pa?"
"Hindi ako makatulog eh kaya naisipan kong kumain na lang." Sabay pakita ng chips na hawak niya. So sa kaniya pala 'yung baso ng tubig dito.
"Ikaw ba?" Balik-tanong niya.
"Hindi rin ako makatulog." Sagot ko naman. "Tumawag din kasi si Bang." Tumango lang siya at binuksan 'yung chips.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Nung una, masaya pa yung usapan pero naging seryoso na.
"About the past..." Panimula ko."Past is past, Ara. Kalimutan na natin 'yun." Sabi niya sabay ngiti.
"Hay. You're right. Pero, Mika, I want to say sorry sa nangyari dati." Hinawakan naman niya 'yung kamay ko.
"Wala na 'yon, okay? Pareho naman tayong mali dati. Siguro, masyado pa tayong bata noon para sa ganong bagay. Pero sabi ko nga, kalimutan na natin 'yung nangyari." Paliwanag niya. Ngumiti na lang ako.
"Friends?" Sabi niya at inilahad ang kamay niya.
"Best friends." Sagot ko naman at nakipag-shakehands. Natawa na lang kami.
"Ang gaan sa pakiramdam na friends na tayo ulit. I mean, friends naman talaga tayo. Pero ngayon, hindi na masyadong awkward." Paliwanag ko."Oo nga eh. Baka maapektuhan din ang team kung naiilang tayo sa isa't isa." Sabi naman niya. Nag-usap pa kami saglit bago naisipang matulog na. Masarap ang tulog ko nito, for sure.
"Galingan natin, guys. Isipin natin na totoong laban talaga 'to." Sabi ni Ate Kim sa aming kagrupo niya.Dinivide kasi kami ni coach into two groups para maglaban. Ka-group ko sila Ate Kim, Majoy, Des, Mayang, Tin, at CJ. Sa kabila naman sila Mika, Ate Mowky, Ate Cyd, Kianna, Justine, Eli, at Dawn.
Nagstart na. Unang nagserve si Ate Kim. Na-receive ni Dawn, sinet ni Ate Mowky kay Kianna at pak! Na-dig ni CJ, sinet sa akin ni Kimmy pero na-block ako ni Mika. Buti na lang nasalo ni Des. I-seset na ni Kimmy pero tinira niya 'yung bola papunta sa kabila. Kaya lang alerto si Dawn kaya nasalo niya. Sinet naman ni Ate Mowky ang bola kay Mika para sa isang quick attack... at beng! Score nila. Pero napaupo si Mika sa tira niya. Sakto namang nasa tapat ko siya kaya tinulungan ko siyang makatayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/65731690-288-k34673.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfictionYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...