Ara's POV
"As I always say, I want to do this for you." Buong puso kong sabi.
Alam kong naguguluhan siya sa sinabi ko pati na rin sa mga kilos ko. Pero totoo naman eh. Gusto ko talagang gawin 'to para sa kaniya. I want to show her my love kahit sa mga ganitong paraan lang. Gusto kong iparamdam sa kaniya na mahalaga siya. Kahit pa isipin niyang dahil lang sa best friend ko siya.
Hindi ko naman pwedeng biglain si Mika na mahal ko pa rin siya. Naniniwala pa rin ako sa three-month rule, bilang respeto na rin kay Bang, kahit pa siya mismo ang nagtutulak sa aking mabawi si Mika at kahit siya mismo ay walang respeto. (Ay, joke lang!) Ayoko rin namang masira 'yung Miefer dahil sa akin. Mukhang mahal naman kasi talaga nila ang isa't isa.
Ang gulo. Ang hirap.
Gusto kong maging kami ulit ni Mika pero ayokong sirain ang relasyon nila. Paano ko naman gagawin 'yon? Hay. Kaya ganito na lang muna. Pasimpleng dumadamoves para 'di masyadong halata.
"Ang sweet naman ng dalawang 'to. Sa sobrang sweet, nakalimutan na tayo." Rinig kong sabi ni Carol. Sino pa ba ang tinutukoy niya, eh 'di kami."Palagi na lang may sariling mundo." Dagdag pa ni Ate Kim.
"Kami na naman nakita niyo." Sabi ni Mika sa kanila. "Nananahimik kami rito eh."
"Ang cute niyo kasi tignan, Ate." Kumento ni Kianna.
"No Malice nga 'di ba, guys? Respeto naman sa realidad. Tsaka magkaibigan lang kami ni Ara. Parang hindi naman appropriate 'yung 'sweet' sa amin."
Aw! Aray naman, Mika. Natamaan ako sa sinabi mo. Ang sakit masyado. Nagbabalak pa lang akong maging akin ka ulit, na-friendzone na ako agad. At ang sakit nung realidad ah? Oo na, alam ko namang walang tayo sa totoong buhay.
Natahimik kaming lahat. Pansin ko namang napatingin sa akin sina Ate Kim at Carol. Alam kong iniisip nila kung ano ang nararamdaman ko sa sinabi ni Mika. Alam kong alam nilang nasasaktan ako ngayon. Tinignan ko lang sila, 'yung makahulugang tingin. Gets na nila 'yon."Ahm, guys. Gusto niyo ba ng dessert? Magpapakuha ako." Tanong ni Kimmy sa kanila. Bumalik na sa pagiging light ang mood dahil nakarinig ng dessert. Nag-e-effort ding magpatawa si Carol para makalimutan na 'yung kanina.
I know na ramdan nilang lahat ang tensyon. They all know about our past kaya ganon. Alam din nila na mahal ko pa rin si Mika. Kahit 'yung break up namin ni Bang, alam nila. Siya lang talaga ang walang alam.
Ewan ko nga rin sa sarili ko eh. Hindi ko pa masabi sa kaniya na break na kami ni Bang para hindi na niya isipin na baka mainis si Bang or what dahil sa closeness namin. Hay, ewan! Ang sabog ko na. Pero kasi, ano naman sa kaniya kung wala na kami ni Bang? Assuming na hindi na niya talaga ako mahal, wala lang sa kaniya 'yon. May Kiefer naman siya eh. Pero kung mahal pa rin niya ako, na sana totoo, hindi pa rin pwede kasi nga may Kiefer siya. Ang unfair naman kay Kiefer kasi parang naging rebound lang siya.
Hay, nako. Sumasakit ang ulo ko kakaisip.
- - - -
Mika's POVNatahimik sila sa sinabi ko. Wala namang mali doon eh. Tama naman ako, na No Malice dapat. Respeto sa girlfriend ni Ara, 'di ba? Okay lang naman 'yung inaasar kaming dalawa or shiniship ganon pero iba kasi ang sitwasyon eh. May totoong lovelife 'yung tao.
Buti na lang nagyaya si Ate Kim na magdessert. Hindi kami tatanggi diyan.
"So paano? Punta na kami sa dorm. Kaya mo na ba, Cars?" Tanong ni Ate Kim kay Carol. Pauwi na kasi kami."Oo. Sanay naman na akong mag-isa." Biro niya pero alam kong nalulungkot siya. Ever since kasi parang naiiwan siya. Out of place, ganon. Madalas pa siyang thirdwheel.

BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanficYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...