Ara's POV
Game Day. So far, so good ang performance ng team namin. We're currently in first place sa standings at wala pa rin kaming talo.
Kalaban namin ang team ni Bang ngayon. Medyo mahirap maglaro knowing na kalaban ko ang girlfriend ko. Pero syempre, hindi ko hahayaang maging dahilan 'yon para maapektuhan ang play ko. Gusto kong manalo kami.
Medyo madaming nanonood parang tulad sa UAAP dati. Naging sikat na rin kasi ang tournament na 'to kaya mas dumami na ang fans and supporters. 'Yung iba nga, since Season 74 pa. Kahit gumraduate na kami, nandiyan pa rin sila para sa amin.
Tinawag na ang first six. Ako, si Ate Kim, Ate Cyd, Kianna, Mika, at Dawn ang maglalaro. Kasama rin si Bang sa first six ng team nila.>>
Nakuha namin ang first and second set, kaya all-out na rin ang kabilang team para makuha ang third set. Beastmode naman si Bang at halos ibaon niya na 'yung bola sa sahig.
"A block by Bang Pineda!" Rinig kong sabi ng commentator. Na-block niya ang quick attack ni Mika. Kita ko namang sinamaan ng tingin ni Bang si Mika at parang nagsmirk pa.Feeling ko pinepersonal niya 'yung laro ngayon. Parang hindi lang kasi angas 'yon eh. Parang inis o galit na. Tsk. Ganiyan na naman siya pagdating kay Mika.
Pero bumawi naman si Mika at nakapuntos siya. Sinide hug ko siya, which is normal lang naman sa amin tuwing nakakascore. Pero kitang-kita kong pinagmamasdan kami ni Bang. Hay!Si Mika na ang nagserve. Na-receive naman nang maayos ng kabilang team. Sinet ang bola kay Bang at pak! Hindi nasalo ni Mika kaya muntikan na siyang ma-facial talaga sa sobrang lakas ng palo, at napaupo siya sa sahig. Tinulungan ko naman siyang makatayo.
"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
"Okay lang. Medyo masakit lang yung pisngi ko." Sagot naman niya sabay himas sa mukha niya. "Mukhang may galit sa akin 'yung girlfriend mo." Dagdag biro niya pa.
"Ako na nagsosorry sa ginawa niya. Kakausapin ko na lang siya mamaya." Sabi ko bago siya pumunta sa bench.
Umayos na ako ng pwesto at tinitigan si Bang. Beastmode na ako ngayon. Hindi pwedeng manakit, lalong-lalo na kay Mika. Kaya sunod-sunod na puntos ang ginawa ko.
And we won!
"Grabe, feel na feel ko ang tensyon sa pagitan niyo." Sabi ni Ate Cyd habang naka-grouphug kami ng team."Oo nga. Parang personalan na 'yung laban eh." Sabi naman ni Kianna.
Pansin ko namang tahimik lang si Mika. Hays! Bakit naman kasi ganiyan si Bang eh. Alam kong seryoso siya sa mga staredown at trashtalk niyang 'yun dahil naiinis at nagseselos siya kay Mika.
"'Wag na nga nating pag-usapan 'yon. Magcelebrate na lang tayo dahil wala pa rin tayong talo!" Sabi na lang ni Ate Kim at binigyan niya ako ng makahulugang tingin.
After ng team dinner ay pinuntahan ko si Bang sa condo niya. Hindi ako nagsabi na pupunta ako kasi alam kong alam niyang kakausapin ko talaga siya. Alam niyang hindi ko palalampasin ang ginawa niya kay Mika."Hi, baby!" Bati niya sabay beso.
"Do you want anything? Water, juice?" Alok niya. Umiling naman ako, at umupo sa sofa. Tinignan ko lang siya, at na-gets naman niya ang ibig kong sabihin. Umupo siya sa katapat na sofa.
"Okay, okay. I'm sorry sa ginawa ko kanina. I admit, sinadya ko 'yon. Nainis kasi ako eh. You know me naman, I don't like the two of you being that close." Paliwanag niya.
"I know you're jealous, but you don't have to hurt her." May diin kong sabi. "Wala naman siyang ginagawang masama. 'Yung pagiging close? Natural lang naman 'yon kasi nga magkaibigan kami. At ganon naman talaga tuwing may games. Why can't you understand that?" Hindi naman siya umimik.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfictionYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...