Kim's POV
A month later...
Mapapasubok ako nito ah. Magdadrive ako ng ilang hours? Eight to ten hours? Pero buti na lang alternate kami ni Ara. Sina Mela at Mika rin, pwede kaming palitan. Okay na rin 'to para ma-experience naman namin ang long drive.
"Pangs, okay na ba 'yung gamit mo? Wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Mela my loves.
"Yes, pangs. 'Yung sa'yo ba?" Balik tanong ko. Ganon lang talaga endearment namin. Pangs: pangit, for short.
"Yup. Excited na ako!"
"Ako rin eh. First time nating makakapunta sa Ilocos. Pero bago natin ma-enjoy 'yun, looooong drive muna." Binack hug naman niya ako.
"Eh nagvolunteer kang magdrive. Alam mo namang malayo 'yon."
"Ayos lang naman. Ayoko rin namang nakaupo lang ako magdamag sa biyahe, nakatanaw sa labas ng bintana at walang magawa kung 'di magsounds." Natawa naman siya.
"Ikaw talaga. Pero masaya ako kasi gagawin mo 'yun for us." Napangiti naman ako. Kiniss ko nga siya sa pisngi.
"I love you." Malambing niyang sabi.
"I love you, too." Unti-unting naglalapit ang aming mukha. Ilang inches na lang.
"Oy, lovebirds! Aalis na daw tayo." Napa-facepalm naman ako at natawa naman si Mela. Panira talaga ng moment 'tong si Carol. Palibhasa, broken hearted."Okay lang 'yan, Kimmy. Next time na lang." Sabi ni Mela at hinila na palabas ng kwarto 'yung maleta namin. "Baba na tayo." Ako na ang nagdala ng gamit pababa.
"Na-check niyo na ba lahat? Appliances, bintana, pinto?" Tanong ni Jessey. Tumango naman kami.
"Let's go! Off to Ilocos!" Nilagay na namin sa van ang mga gamit namin at sumakay na. Ako muna ang magdadrive. Nasa tabi ko naman si Mela.
Seating Arrangement:
Me Mela
Ara Mika
Jessey Ria
Cienne Cams Carol
Nandito pa lang kami sa NLEX pero medyo nangangawit na ako."Guys, stop over muna tayo ah." Sabi ko sa kanila.
"Mag-ccr lang din ako." Sabi naman ni Cienne.
Lumiko na ako sa isang gas station at nagpark. Lumabas muna ako at nag-unat.
"Gusto mo, ako na magdrive?" Tanong ni Ara na kakababa lang ng van.
"Ako na muna. Nangalay lang ako. Mamaya na lang sa susunod na stop over natin." Tumango naman siya.
"Bili lang ako sa convenience store." Paalam niya.
"Sama ako." Sabi ko naman. So pumunta nga kami at nagtingin ng pwedeng bilhin. Bumili lang kami ng ilang chips at drinks para sa biyahe namin. Bumalik na rin kami sa van at ready na kaming umalis ulit.
Makalipas ang dalawang oras, nagstop-over ulit kami. Turn naman ni Ara magdrive. Ako na ang umupo sa passenger's seat at dun na si Mela sa tabi ni Mika.Habang nasa biyahe, nagkukwentuhan lang kami ni Ara. Sina Jessey at Ria, tulog. 'Yung iba naman kumakain.
"Buksan ko lang 'to ah?" Sabi ko. Tumango naman si Ara. In-on ko yung music player ng van. Sinave namin diyan ang mga paborito naming kanta. Nakikisabay din kami paminsan minsan sa pagkanta. Gising na rin pala sina Jessey at nakisali na rin.
Halos kabisado ko na 'yung mga kanta dito pati rin ang kagkasunod-sunod. At natuwa ako nang maalala ko kung ano ang next na kanta.
Torete
Intro pa lang, natigilan na si Ara. Tumingin naman ako sa side ni Mika at ganon din siya. Hindi lang nila pinapahalata. Mahina akong tumawa at nilakasan pa 'yung volume.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed (KaRa)
FanfikceYears have already passed and some things weren't the same anymore. Can they still bring it back to the way it was before? Is their love for each other no longer to be found? Or will they prove that it's sweeter the second time around? EVERYTHING HA...