EHC - 21

1.1K 37 9
                                    

Mika's POV

[Flashback continuation]

"I can see nga na may special connection kayong dalawa, from the way you look at each other." Kumento ng nag-iinterview at tumango-tango. "And parang instead of 'forever'..."

"We believe in lifetime." Sabay naming sabi ni Ara. Napangiti kami bigla.

"If you don't mind me asking, is there, ahm, are you two together?"

Tinignan ko si Ara na nakatingin din sa akin. Nawala 'yung ngiti ko kasi alam ko namang walang kami.
 
 
 
"Let's just say, the ship is sailing and we're getting there." Dahil sa sinabi ni Ara, hindi ko na malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Mahal pa rin ba niya ako?

Alam ba niyang mahal ko siya?

Totoo ba 'yon o pinapaasa niya lang ako?

Ugh! Ano ba ibig niyang sabihin?

- End of Flashback -
 
 
Naputol ang pag-reminisce ko nang tapikin ako ni Ate Kim.

"Uy, Ye. Kanina ka pa tulala diyan?" Sabi niya. "Ano ba iniisip mo?"

"Kimmy, naguguluhan ako eh." Sagot ko. Umupo siya sa tabi ko dito sa bench. Ako lang mag-isa kasi bumili sila Kianna ng food.

"What? May nagugustuhan ka na bang iba? Hindi mo na siya mahal? Paano na si wafs--"

"Teka lang. Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Humingi naman siya ng paumanhin. "Naguguluhan ako sa sinabi niya nung isang araw."

"Ah, yung interview sa inyo?" Tumango ako at napangisi siya. "Kinikilig nga ako sa mga sinabi ni Ara."

"Kinikilig din ako kaya nga gulong-gulo isip ko. Para saan kasi 'yun? Bakit kailangang ganon? Hindi ko... hindi ko maintindihan eh."

"Edi tanungin mo siya. Mag-usap kayo." Simple niyang sagot.

"Gusto ko naman siyang kausapin tungkol don. Hindi ko lang alam kung paano o ano ang sasabihin ko."

"Hmm.. take this opportunity to clear things out, ngayong vacation natin. At some point, for sure, magkakaroon kayo ng solo moment. Dun kayo mag-usap." Tumango naman ako sa payo niya.

"Thank you, Kimmy! The best ka talaga." Sinide hug ko pa siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Anything for KaRa."
 
 
 
"Sali naman ako sa grouphug na 'yan." Napalingon kami pareho at nakita namin si Ara na kadadating lang.

"Selos ka lang, wafs." Biro ni Ate Kim.

"Oo eh. Pa'no ba 'yan?" Bumitaw naman si Ate Kim dahil sa sinabi ni Ara at natawa na lang sa reaction niya.

"Ewan ko sa inyo, guys." Sabi ko. "Ang kulit niyo talaga."

"Kami na lang ang magha-hug ni wafs." Sabi ni Ate Kim. Nagyakapan naman sila.

"Ang clingy!" Biglang sabi ni Ate Cyd. Nandiyan na pala 'yung iba naming teammates pati si coach.
 
 
Umayos na sila at nagready na kami sa pag-alis. Pagkatapos ay sumakay na kami sa eroplano. Magkakatabi kaming tatlo. Ako ang nasa gitna, si Ara sa window side at si Kimmy sa may aisle. Since medyo takot ako sa heights, kinakabahan ako tuwing sumasakay ng airplane. Pero nakasanayan ko na rin kasi ilang beses na akong bumiyahe to and from America.

Bago mag-take off, nagselfie muna kami. May group picture din ang team at syempre, kaming wafs. Hindi naman ganon katagal ang biyahe papuntang Palawan kaya nakarating kami agad. Pagdating sa airport ng Puerto Princesa, kinuha na namin ang mga gamit at dumiretso sa parking lot para hanapin ang van na gagamitin namin. Meron din kaming driver na magtu-tour sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has Changed (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon