EHC - 13

1.6K 44 39
                                    

Kim's POV

"Ano bang pag-uusapan natin, Kimmy?" Tanong ni Camille.

"Oo nga. Ba't may pa-meeting ka?" Tanong pa ni Mela.

Nandito kami ngayon sa sala. Nagpatawag kasi ako ng 'meeting' dahil may sasabihin ako sa kanila.

"Tama kasi tayo, guys." Naguluhan naman sila sa sinabi ko. "Tama tayo na mahal pa rin nila ang isa't isa."

"Sabi na eh!" Natuwa naman sila.

"Kaya lang naguguluhan si Ara. Mahal pa rin niya si Mika pero mahal niya rin si Bang." Dagdag ko.

"Hindi naman pwedeng dalawa ang mahal niya. Meron dapat mas matimbang." Sabi ni Ria.

"'Yun nga eh. Sabi ko sa kaniya, isipin niyang mabuti. Pakiramdaman niya kung sino ba talaga ang mas mahal niya." Sabi ko naman.

"Pero malakas ang kutob kong si bf ang pipiliin niya." Sabi ni Jessey.

"Ako rin. Si Mika talaga ang pipiliin niya." Pagsang-ayon naman ni Cienne.

"Parang hindi na kasi masaya si Ara kay Bang. Alam kong napapagod na siya. At alam kong mas mahal niya talaga si Mika. Hindi niya lang matanggap sa sarili niya kasi hindi na pwede. Kaya sinusubukan niyang mahalin si Bang pero hindi niya 'yon mahihigitan." Paliwanag ko.

"Ano na gagawin natin?" Tanong ni Mela. Tinignan naman nila ako.

"Sa ngayon, hayaan muna natin siyang mag-isip. Kapag nakapili na siya, dun tayo tutulong." Sagot ko.
 
 
"Eh si Mika? Mahal niya rin ba si Kiefer?" Natigilan naman ako sa tanong ni Camille. Nakita kong ganon din si Jessey. Alam kong alam din niya 'yung tungkol kina Mika at Kiefer.

Kim, isip isip. Hindi mo pwedeng sabihin 'yung totoo.
 
 
"Hindi ko alam. Baka pareho lang sila ni Ara." Sinubukan kong hindi mautal dahil siguradong mapapansin nila 'yon. Buti na lang medyo sanay na ako sa pagdadahilan.

"Ano ba naman 'tong dalawang 'to. They still love each other but they're also in love with someone else." Sabi ni Carol.

"Basta hayaan muna natin ang love life nila. Ngayon, 'wag muna tayo mangialam. Kapag kailangan na nila tayo, dun tayo umeksena. Okay?" Tumango-tango naman sila.
 
 
- - - -
 
Ara's POV

Habang kumakain, busy ako sa pag-iisip kaya tahimik lang ako. Tahimik lang din si Bang.
 
 
Sino ba sa tingin mo ang mas mahal mo?

Hindi ko alam. Mahal ko si Bang pero mahal ko pa rin si Mika. Alam kong hindi pwedeng dalawa ang mahal ko dahil meron dapat mas matimbang sa kanilang dalawa.
 
 
 
Sino sa kanilang dalawa 'yung sa tingin mong mas liligaya ka?

Masaya naman ako kay Bang pero madalas kasi kaming mag-away o magtalo. Medyo napapagod na rin akong umintindi at magpaliwanag.

Masaya rin naman ako kay Mika. Kahit corny, natatawa ako sa mga jokes at banat niya. Ngumiti lang siya, napapangiti na rin ako. Basta masaya ako kapag kasama ko siya.
 
 
 
Sino 'yung alam mong hindi mo kayang mawala sa buhay mo?

Kay Bang, hindi ko alam. Namimiss ko naman siya kapag matagal kaming hindi nagkakasama pero hindi naman ako sobrang nalulungkot o nangungulila. Nung umalis naman si Mika, hindi ko siya maalis sa isip ko. Palagi kong iniisip kung kamusta na kaya siya don, kung may kaibigan ba siyang masasandalan at malalapitan doon. Wala na rin kasi kami masyadong balita sa kaniya.
 
 
"Ara, lalad-lakad tayo sa beach. Magpahangin lang." Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Bang. Tumango naman ako at umalis na kami sa tent. Ang sarap ng lamig ng hangin tapos 'yung tunog pa ng alon, nakakarelax.

Everything Has Changed (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon