Chapter 1-It Hurts

651 55 122
                                    

Shontelle's POV

"Hey JD, good morning!" Masaya kong bati sa pinakagwapong lalaki sa balat ng saging, ay este... Earth pala. Ang pinakamamahal kong si Justin Drake Ponce. Lahat ng sobra nasa kanya na, sobrang yaman, sobrang sungit, sobrang gwapo, sobrang playboy, sobrang sikat sa school at higit sa lahat sobrang mahal na mahal ko.

Nagsimula sa crush nung first year college, but when we were in 2nd year I realized I'm falling for him. Then last year I decided to express my feelings for him. Which is sobrang sakit kasi he turned me down. After that, I started following him just to give something or invite him for a date. Paulit-ulit lang lahat at paulit din nya akong sinasaktan sa pamamagitan ng pagtanggi o di kaya ay sa mga masasakit na salita. Sobrang lakas ba ng fighting spirit ko? Siguro, pero nasasaktan din ako ha. Di ako manhid, its just that for me hindi ko pa nagagawa ang lahat for him to realize that we are destined to be together.

Hindi nya man lang ako binigyang pansin nang binati ko sya. As usual, ganyan naman talaga sya eh. Wala ng bago.

Deretso lang ang lakad nya patungo sa gym kung saan sila nagpapraktis mag basketball. Dahil sa makulit ako at makapal ang mukha, sinundan ko sya.

"Are you free after your class? I wanna ask you out on a date."

Bigla syang huminto at humarap sa akin, at dahil nakasunod ako tumama ang katawan nya sa akin. Nabigla naman ko nong maramdaman ko yong something sa katawan namin.

Oh! My gulay! Ang tigas ng katawan! Parang ang sarap yakapin, ilan kaya abs nito?

"Seriously? A fucking date?" Sambit nya na parang di makapaniwala. "Do you know how much I hate those girls whose asking me on a date? God! You're so cheap! I thought you're different from those girls whose been flirting with me. Guess I was wrong." Iling-iling pa nyang sabi sabay lakad.

Kahit sanay na ako sa pakikitungo nya sa akin nasasaktan pa rin ako lalo na pag nakakarinig ako ng malulutong na mura mula sa kanya. Pero binalewala ko lang at patuloy pa rin na sumunod sa kanya.

'Tong lalaking to kung makareact para namang ngayon lang inaya eh ilang beses na kaya. Tsaka for sure 'di lang ako, may iba pa.

"Come on JD, I'm inviting you coz I know you wouldn't even try asking me."

"Iyon naman pala eh! You know I wouldn't dare so it only means I'm not interested to you. You should also know  that."

Nawala ang saya ko when I heard him say that. Oh com'on, harap-harapan ba naman? May kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko. I sighed and felt sad at the same time.

"If I would have fall for you dapat dati pa. But for Christ sake! It's been fucking years and yet you're still fucking here fucking chasing me!"

Napalingon ang ibang estudyante sa lakas ng sigaw ni JD at sa malutong nyang mura. Kitang-kita na din sa mukha nya ang inis at parang gusto nya ng manakit.

I just bow my head so he wouldn't see my face that I'm about to cry.

"I just love you so much."

"That's bullshit!"

Nabigla ako sa lakas ng sigaw nya at panggigigil. Then he pulled me forcely on my arm paharap sa kanya, nanlaki ang mga mata ko sa gulat at takot. Isama pa na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba at napatitig ako sa mga mata nya na  parang apoy na umuusok sa galit habang nakatingin sa akin.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon