First story completed! Isang malakas na hurray naman dyan :)
Para sa mga readers na hindi ako iniwan hanggang ngayon. SalaMuch ng marami ;)*** Load media to check Shontelle and JD's outfit***
JD's POV
I turned my back to face her and smiled sadly. Humugot ako ng malalim na hininga, may bumara kasi sa lalamunan ko baka mag breakdown ako dito. Then I fake a laugh, I don't wanna show her how sad I am and for letting her know my proposal failed. Tangina! ‘Di pa nga ako nagpo-propose tinanggihan na! Saklap nun. Actually ang lungkot ko ngayon, balak ko sanang bulabugin ang mga walang kwenta kong kaibigan para mag-inuman.
"I'm sorry, but yeah… I was about to proposed pero hindi pa man ay tinanggihan mo na ako. Sorry kung parang nagmamadali ako, it's just that i-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumakbo sya palapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit nyang sabi habang umiiyak.
Parang piniga ang puso ko nang makita syang umiiyak. Right at that moment, biglang nawala ang pagdaramdam ko sa kanya. Gusto ko na lang kalimutan yun at wag ng pag-usapan pa.
"Hindi ko naman alam eh, hinulaan ko lang taz totoo pala. Oo sinabi kong gusto kong dahan-dahanin natin pero kung magpo-propose ka tatanggapin ko talaga yun. Nung sinabi kong tatanggihan kita joke lang naman yun dapat eh. Huhuhu."
I can't help myself from smiling while listening to her, imagine? Ginagawa nyang biro yun samantalang ako grabe na ang kaba pag proposal na ang pag-uusapan. Kakaiba talaga tong girlfriend ko, hay. Wala eh, mahal ko eh...
"Shhh, it's okay. I'm fine now, ang gusto ko lang ngayon ay tumigil ka na sa pag-iyak. You know I hate seeing you cry right?" Nakayakap pa rin ako sa kanya kaya ramdam ko ang pag tango nya.
"Sayang, dapat pala ‘di na ako nag joke kanina. Sana pala engage na tayo. Tsk." Kumalas sya para ayusin ang sarili nya kaya tinulungan ko na sya.
"Babe, let's not talk about it anymore. It's not your fault okay? Napaisip din kasi ako kaya ako natakot. Baka nga masyado akong mabilis para sayo. Baka isipin mong binabakuran na kita kaya ako naghihigpit. Natakot akong baka sa sobrang higpit ko mawala ka." Isa din yun sa reason ko kung bakit hindi ko itinuloy ang proposal.
Hawak-kamay kaming pumunta sa garden nila at umupo sa damuhan. Nakapatong sa balikat ko ang ulo nya habang naka suporta naman ang dalawa kong kamay sa likuran. I smelled her hair while she's talking what happened a while ago. Hindi daw sya nagkamali ng hinala, kaya daw nandoon ang mga importanteng tao sa buhay namin, yung banner, yung kilos ng mga kaibigan namin.
"Tsaka itong singsing na sobrang ganda, sayang hindi mo nai propose sa akin." Kahit nakapikit alam kong tinitingnan nya yun.
"Its not wasted dahil suot pa rin sya ng babaeng pagbibigyan ko. And don't even blame yourself, ang lahat ng ginagawa ko ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng ginawa mo noon sa akin. The pain I've caused you, I know how it feels. Kaya bumabawi ako sayo ngayon,palitan natin ng masasayang alaala ang sakit na dulot ng nakaraan." Sabi ko na lang, hinayang na hinayang eh. ‘Di maka move on, tsk.
Hindi pa rin sya tumigil,kinu kwenta pa rin nya ang lahat ng pinaghirapan ko na nasayang daw. Nanatili akong tahimik, nakapikit ang mata at ninanamnam ang sarap na dulot ng posisyon namin.
"Babe, are you even listening?"
"Uhuh."
"Nakatulog ka na yata eh, kanina ka pa walang imik at nakapikit pa."
BINABASA MO ANG
Love Me
RomantizmHave you experienced being a fan to someone who is popular? Having a crush on him and as days passes by you didn't know your falling for him? Meet Shontelle Imari Nia Forbes, a girl who has everything except her long time crush; Justin Drake Ponce...