Shontelle's POVPunong-puno ang gym ng mga estudyante ngayon, nakipag siksikan kaming magkakaibigan upang hanapin ang upuan na may pangalan namin. May laro ng basketball sila JD kaya hindi pwedeng hindi ako manonood.
Umupo kami sa likod ng bleachers ng mga players apat na row mula sa kanila, nagpatulong ako kay Lander para sa upuan namin kasi kung si JD yung aasahan malamang tatanggihan lang ako nun. Pumayag naman si Lander pero may kapalit. Pumayag na lang din ako kaysa naman sa likod kami umupo.
Lumapit sa amin si Lander nang makita kaming nandoon na mismo sa pwesto na ni-reserve para sa amin.
"You doing' good?"
"Yeah, thank you so much."
"Do you have it?"
"Malamang oo, anong akala mo sa akin? Di marunong tumupad sa usapan?"
"Shin naman, wag mo namang ipahalata masyado na ayaw mo sa akin. Nasasaktan ako."
Tsk, nag-acting pa ang kumag.
I saw Zia rolled her eyes as if she's pissed.
Nakikita ko naman sa mukha ng iba kong kaibigan ang pagtataka. Well, I didn't tell them anyway.
"Cheer for me guys okay? Especially you Zia." Kinindatan pa nya yung friend ko.
Sumama naman ang timpla ng mukha ni Zia.
"Tss, wag na. Masasayang lang yung laway ko sayo."
"Oy, hindi ah! You know I'm so good at this."
Napatingin na lang kami sa dalawa habang natatawa, ano kayang meron sa kanila?
Pumito na yung Referee para sa warm up nila kaya tumakbo si Lander papunta sa gitna.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na ang game. At dahil team captain si JD pasok agad sya pati na rin si Lander.
Phoenix vs. Warriors, Phoenix yung team ng school namin na Standford while sa kabila naman ang kalaban na galing sa Shinua University. Balita namin magaling din daw ‘to kaya inaabangan ng mga tao ang game ngayon.
"Go JD!!! Hooo!!!" Kaka simula pa lang pero todo bigay agad ang sigaw ko. Sa kalaban kasi dapat yung bola kaso inagaw ni JD at mabilis na tumakbo papunta sa kanilang ring habang nag di-dribble ng bola. Maraming humarang sa kanya pero nakaiwas naman at no'ng nakakuha ng tiempo ay agad tumira. Shoot for 2 points!
Napahiyaw ako sabay tayo.
"Good job JD! I love you more!"Sinaway naman ako ng mga kaibigan ko kaso hindi ako nagpa pigil. May napapatingin na din sa amin lalo na sa akin pero duh! Who cares?!
Kung makasigaw naman kala mo sya yung girlfriend.
Lakas ng loob nyang mag I love you huh?
Ano ba yan?
Kapal naman ng mukha nya.
Dinig na dinig ko yung mga sinasabi nila kaya ‘di ko napigilang mag react.
"Will you please mind your own business?! Kung gusto nyo eh di sumigaw din kayo at mag I love you! Problema ba yon?!"
Sinaway agad ako ni Chelsea.
"Kainis eh, problema nila!" Na bad trip tuloy ako.
Tumahimik naman sila kaya rinig na rinig ko ang gulat na sigaw ng mga tao.
Oh my God!
Okay lang kaya sya?!
Kawawa naman si Lander.
BINABASA MO ANG
Love Me
RomanceHave you experienced being a fan to someone who is popular? Having a crush on him and as days passes by you didn't know your falling for him? Meet Shontelle Imari Nia Forbes, a girl who has everything except her long time crush; Justin Drake Ponce...