Happy 1k reads mga Darlings :)
JD's POV
"JD, sa wakas! Nakasama ka din sa gala namin ngayon."
Sumalubong sa akin si Harris, halatang katatapos lang makipag karera dahil hindi pa naka bihis.
"Huhulaan ko, nag-away kayo no?"
Pagka pareho talaga ang baho,nagkakasundo. Tulad nalang ng mga ito, sa basketball lang nagpapakita. Pag nag-inuman ang ibang barkada wala sila. Dugo yata iniinom ng mga ‘to eh, tsaka pulutan nila yung mga napatay nila. Kasamang kainuman ang mga bala't baril. Tsk.
"Andrew, pag sumama ba away agad? Di ba pwedeng hiwalay na?"
Sinuntok ko ng pabiro si Theo na agad namang sinalag, pinilipit pa talaga ang kamay ko sa likod. Loko talaga, tinotoo ba naman!
"Theo, let go of my hand! It fucking hurts!"
Binitawan naman nya at nagtawanan sila. Tss, porket mga agent ang mga gago pinatulan ako.
"I'm gonna tell your Dad about this." Takot to sa ama eh, tingnan natin ngayon.
"Don't you dare Standford!" Sigaw nya sa akin.
"Ssshh," Nagpa linga-linga ako sa paligid baka kasi marinig. Buti na lang lahat yata sila busy.
"Don't call me with my last name!"
Hirap talaga pag may kaibigan kang mga secret agents. Wala kang natatagong baho."We had a deal then." Yung Dad nya kasi ang founder ng grupo nila at kabilin-bilinan nitong bawal gamitin ang mga natutunan nila sa mga taong civilian. Magkakaroon ng parusa ang sinumang lumabag. Knowing his Dad, baka ipatapon sya sa disyerto.
Wala akong magawa kundi ang pumayag, hindi pa oras para gamitin ang apelyido kong Standford. Sa ngayon makikipag-inuman muna ako sa mga gagong ‘to, nakakamiss din pala ang mga tangina.
"Good thing wala kaming assignment ngayon, naabutan mo kami."
Tinanggap ko ang basong may lamang alak na inabot ni Andrew. Nandito kami sa bar na pagmamay-ari ni Harris, pero piling tao lang ang mga nakakaalam ng mga negosyo nila. Kumbaga yung mga close family at iilang kaibigan.
"Bakasyon ako ngayon, tangina ang sarap ng walang iniisip. Ahhh, this is life." Si Theo alam ko lagi ‘tong sinasabak ng ama nya sa mga misyon, tini-train ang loko dahil nag-iisang tagapagmana ng pamilya.
"So, anong problema mo? Wag mong sabihing nandito ka para kumustahin kami?"
Sa kanilang tatlo madaling makaramdam ‘tong si Theo. Laging open yan sa kahit anong bagay, mature mag-isip at talagang may pakinabang. Hindi katulad nitong dalawa na puro kalokohan ang alam.
Kinuwento ko sa kanila ang dahilan ng pag-aaway namin ni Nia.
"Tss, yun lang nag-away na kayo agad? Tsk, maliit na bagay pinapalaki."
"You don't know the feeling Theo, I'm the boyfriend here and all along wala akong alam? That's bullshit!"
Kaming dalawa na lang ang nag-uusap, busy sa pambabae sina Harris at Andrew. Masyado na daw silang tigang sa trabaho nila kaya lubus-lubusin na ngayon.
"Exactly, your her boyfriend and now you know the feeling. Ngayon baliktarin natin ang sitwasyon. How would Nia feel if her boyfriend has secret?"
"And why are we talking about myself here?"
"Because definitely, the topic will end up to you."
"Mine is different from hers!"
"Magkaiba talaga, mas mabigat yung sayo compared sa kanya and you're acting like saint. Eh ikaw ang mas may grabeng tinatago."
BINABASA MO ANG
Love Me
RomanceHave you experienced being a fan to someone who is popular? Having a crush on him and as days passes by you didn't know your falling for him? Meet Shontelle Imari Nia Forbes, a girl who has everything except her long time crush; Justin Drake Ponce...