Chapter 18-She's back

170 11 8
                                    


***Click media to check Brielle's image***

Shontelle's POV

Ilang weeks na ang lumipas ngunit hindi pa rin humupa ang usapan tungkol sa FD.

Ang hot hot ni JD dun sa sayaw nila! Buti na lang nakunan ko ng video!

Oo nga girl, nakakabusog yung katawan, shit! Ang abs siksik, liglig, malaman at umaapaw sa charaapp...

Sayang no? Halatang in love na in love kay Shontelle mula ulo hanggang sa dulo ng kuko.

Napailing na lang ako sa pinagsasabi nila. Nasasayang ang oras nila sa pakikipag-kwentuhan sa walang kwentang bagay. Hello! Boyfriend ko yung pinag-uusapan nila no! Walang kwenta yun sa kanila, asa pa silang mapunta sa kanila si JD. Eh mahal na mahal ako nun, tsaka syempre mahal na mahal ko din.

Habang naglalakad, nakita ko na naman yung tarpaulin na nakadikit yata sa halos lahat ng sulok nitong school. Kaiba din 'tong si JD, kinaumagahan ba naman sumalubong agad sa entrance ang malaking tarpaulin na may picture naming dalawa. Sya daw nag palagay nung mga yun, at ito pa ang pinakamatindi sa lahat.

"Babe, mali yata ang pagkakagawa nyan." Sabi ko sa kanya nung napansin ko ang print ng tarpaulin.

Sabi nya wala eh 'di ko pa nga nasasabi kung anong nakita ko.

"Bakit? Nakita mo ba ang nakita ko?"

"Basta walang mali dyan." Pinanindigan talaga nya ang kanyang sagot.

Pero hindi ako nagpaawat. "Look at that. It says, "Congratulations to our new Mr. and Mrs. Standford!" Yun lang talaga ang nakasulat, as in walang karugtong na University. Tsaka malaking picture na namin with all the designs pa.

"Diba mali?"

"Ah, yaan mo na. Baka nga nagkamali ang nagprint."

"Eh, bat ngiting-ngiti ka?"

Yung mukha nya kasi parang ang saya! Seriously? Tuwang-tuwa pa sya dyan sa mali?

         ************************

Pauwi na ako nang makita ko si Zia. Lately ang dalang nya ng makipagkita sa amin. 'Di naman nagsasabi kung anong problema. Nung binati ko sya nag hi lang din at nagpaalam na, halata sa mukha nito ang lungkot at ang bigat na pinagdadaanan. Napabuntong-hininga ako, nakakalungkot kasi na nandito kaming mga kaibigan nya pero pinili nyang kimkimin yung problema nya. Nasundan ko na lang sya ng tingin.

"Maybe she's not ready yet, let's give her time." Nakita ko na lang na nasa tabi ko sina Chelsea at Marga. Nakatingin din sya sa papalayong si Zia.

"Until when?" Miss na miss ko na sya eh.

"Until she's ready, hindi naman mawawala ang friendship natin kung hindi sya madalas sumama sa atin di ba?" Tama nga naman si Chelsea.

"Himala, mag-isa ka yata ngayon? Asan na ang clingy mong boyfriend?"

Clingy nga yun pero nakakamiss, tulad na lang ngayon. Sanay na kasi akong magkasama kami palagi. And I don't mind him being clingy and possessive, isa yun sa bumubuo ng pagkatao nya at tanggap ko.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon