JD's POV
Kinapa ko agad ang gilid ko nang naalimpungatan ako. Kahit antok na antok dahil alas singko y medya pa base sa nakita kong orasan ay minulat ko agad ang aking mata. Natataranta akong bumangon nang marinig kong may nagduduwal sa banyo namin.
Fuck! My wife!
Oo, wife talaga. As in asawa. We just get married three months ago, five months after our engagement party. Ngayon, nandito na kami nakatira sa sarili naming bahay na pinagawa ko talaga para sa amin. Sinadya ko din na malapit sa pinapasukan kong office.
Lagi syang ganito kada umaga, sinugod ko nga sya agad noon sa clinic ni Zia dahil akala ko kung napano. Thank God she's safe. Nawala ang kaba ko at napalitan ng walang katumbas na saya nang sinabi ni Zia na buntis ang asawa ko. Oo, buntis. Galing ko noh? I wouldn't be a team captain for nothing. Yeah, blame my skills for being a sharpshooter. Imagine? Kahit walang ilaw shoot agad! Nakapikit pa ako nyan huh! How much more during day time? Na, I would probably ask my wife with this.
"Hey Babe, you okay?" Pinapawisan na ang mukha nya,gulo-gulo din ang buhok dahil kakabangon lang. Magpa ganun pa man, hindi yun nakakabawas sa pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hinagod ko ang likod nya tsaka inayos at tinalian ang buhok.
"Babe, ang sarap mong murahin alam mo yun?" Nakapikit nyang sabi sa akin. Hapong-hapo ang itsura nya.
Napangiwi na lang ako, buti hindi ako binatukan. Dati kasi ‘di nya talaga mapigilan ang sarili nya eh, ang dali nyang mainis. Minsan nga sinabi nyang tanga ako, alam na daw na hindi sya okay tinatanong pa. Sobrang moody na eh, but still I understand her.
Naglakad kami pabalik sa kama habang naka alalay ako sa kanya. Naawa ako sa asawa ko, one month pa lang ang baby namin pero nahihilo na sya.
Tinulungan ko syang mahiga sa kama.
"You want something?" Humiga ako patagilid sa harap nya, pinahiga ko sya sa braso ko at niyakap.
"Yeah Babe, could you cook lasagna for me. This time, ibahin mo ang lasa. Hmmm?" Sumiksik pa sya sa akin and inhaled my scent.
Oh no! Im doomed!
Mas mahirap pa kasi ang magluto na kunwari wala kang alam kaysa hindi mo alam pero ita-try mong magluto. You know me, I'm so good in cooking.
"Okay, I'll just go down. Wait me here, bawal gumalaw ng gumalaw. Baka mapano si Baby." She just rolled her eyes, hindi ako kumpormi sa kilos nya kaya sinigurado ko muna ang sagot nya bago umalis. Matigas pa naman ang ulo nito.
Hinalikan ko muna sya sa noo bago lumabas para ipaghanda sya ng gusto nya.
"Babe?!"
Napalingon ako sa lakas ng sigaw nya, tamang-tama naman na pasalubong sa akin ang nakalutang na unan.
Shit!
I forced myself not to yell, sensitive pa naman yan. Sabi nya kasi minumura ko sya, eh expression ko na talaga yun.
Sapul ako sa mukha binato ba naman ako ng unan! Kahit medyo masakit dahil may kabigatan yun binalewala ko na.
"Did I tell you to go out?"
"Ah, no?" Patanong kong sabi sa kanya. Bago pa sya mag-emote ay lumapit na ako at humingi ng sorry. Nahiga ulit ako sa tabi nya.
"What the hell?!" Tinulak nya ako ng malakas dahilan ng pagkahulog ko mula sa kama. "Your smell is awful! Lumayo ka nga sa akin!"
Kitams? Ugh, pregnant women! Masakit ang pagkaka bagsak ko kaya napamura ako sa isip.
Damn!
BINABASA MO ANG
Love Me
RomanceHave you experienced being a fan to someone who is popular? Having a crush on him and as days passes by you didn't know your falling for him? Meet Shontelle Imari Nia Forbes, a girl who has everything except her long time crush; Justin Drake Ponce...