Chapter 20-The Revelations

166 13 13
                                    

JD's POV

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatingin kay Nia. Kinurot ang puso ko watching her cried and tears were running down on her face. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot na para bang katapusan na ng lahat.

Pareho kaming hindi nakagalaw ni Chelsea sa kinatatayuan namin. Mabilis syang tumakbo palayo, hahabulin ko sana sya kaso may nakita akong envelope na nahulog kaya pinulot ko yun. Napamura ako nang makitang picture ko yun nung pumunta ako sa Condo ni Brielle. I crumpled the picture and throw it away. Mabilis akong nag lakad paalis, hindi ko na inantay si Chelsea. I have to do something, kailangan kong mailabas ang galit ko.

Habang nagmamaneho ako papunta sa Bar, tinawagan ko ang grupo. Isang dial lang at automatic na connected na kaming lahat, miminsan lang ‘to nagagamit at yun ay sa panahon ng emergency katulad ngayon. Actually anim kami sa pangkat ko, nahahati kami sa dalawa  dahil ang iba ay nandoon kay Lander. Pero protocol sa grupo na ipaalam sa lahat ang gagawing hakbang para hindi malito.

"Start the operation, Nia knows everything follow her. I'll be at the fucking bar, others stand by." Alam na ng lahat ang gagawin nila kaya hindi ko na kailangang banggitin pa kung sino ang saan.

Maingay kong pinark ang kotse ko sa tapat mismo ng bar. Sinarado ko ng malakas ang pintuan nyun at nagmamadaling pumasok sa loob. Walang babalang sinipa ang mga lamesa at upuan, hinagis sa kung saan. Wala pang masyadong tao kaya mabilis na nagpuntahan ang lahat sa gilid. Umiiwas sa mga hinagis ko habang malalakas na nagtilian. Maraming nabasag at nasira pero hindi pa rin ako tumigil. Nagsisigaw ako sa galit, galit na galit talaga ako na pag nakita ko ang babaeng yun ay sasakalin ko sya ng mahigpit hanggang sa di na sya makahinga at magmakaawa sa akin. Pero hindi ko sya titigilan hanggang sa mamatay na sya!

Para namang sinadya ng pagkakataon at narinig ko syang nagsisigaw.

"Oh no! Help! Somebody help! Someone call the police." Malakas nyang sigaw, natataranta pa nyang inutusan ang mga bouncer para pigilan ako.

Bago pa sila nakalapit ay nagdatingan sina Harris, Zach at Frio. Kalmado silang pumasok at hinila ang mga bouncer na malalaki ang katawan. Parang hindi tao ang hawak nila kundi papel dahil walang kahirap-hirap nila itong hinila pabalik.

"Walang makikialam, kami ng bahala dito." Mahina ngunit maawtoridad na sabi ni Hariss.

Hindi ko na sila pinansin, alam kong ako ang sinundan nila. Binalingan ko si Brielle na takot na takot. While I'm walking towards her, she's also stepping backwards. Inisang hakbang ko ang pagitan naming at mahigpit na hinawakan sa dalawang balikat. Marahas ko syang hinila at inalog-alog sya na dahilan ng pagsigaw nya.

"I already fucking told you right?! And what the hell did you do?! Dinagdagan mo pa ang problema kong tangina ka!" Paulit-ulit ko syang inalog-alog ng malakas. Hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nya at paghingi ng patawad. Binalewala ko rin ang pagtawag ng mga kasama ko para warningan ako para patigilin.

"I'm sorry, I'm sorry." Hingi nya ng tawad habang umiiyak.
"Kinailangan ko lang gawin yun. May dahilan ako."

"Putang inang dahilan yan!" Saka malakas ko syang tinulak, sumadsad sya sa poder na nasa likuran nya. Napahiyaw sya sa sakit pero nagbingi-bingihan ako. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang pisngi nya gamit ang isang kamay.

"Paano kung sabihin ko sayong papatayin kita ngayon at ang dahilan ko ay ang galit ko sayo?! Magugustuhan mo ba yun?! Huh?!"

Mas lumakas pa ang iyak nya at sunod-sunod na humingi ng tawad. Pero dahil inubos nya ang pasensya ko, hindi ko sya pinansin. Tinaas ko ang kanang kamay ko para sampalin sya.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon