Chapter 12-Taking Care

193 14 8
                                    

***Load media to check out playlist; Grow Old With You by Adam Sandler***

JD's POV

Seryoso akong nakikinig sa mga sinabi ni Tita.

"Hindi kami makakauwi ngayon so take good care of her, wala syang kasama maliban sa mga katulong dahil nandito din si Khian."

Kinausap din ako ng asawa ni Tita.

"We just told her a while ago that we're out of the town for business meeting. But honestly, nandito kami ngayon."

Nararamdaman ko ang bigat at lungkot sa boses nya. Napatango na lang ako, naiintindihan ko sila. Natutuwa ako na makakasama ko si Nia pero hindi sa ganitong paraan at sitwasyon.

"She's sick so I'm counting on you, sleep in our house and don't break my trust. That's all I'm asking for."

"Yeah, don't worry. I know my limitations. I'll keep in touch with you regarding her situation."

Nagpaalam na ang mag-asawa kaya binigay ko sa kanya ang phone.

"I'll be sleeping in your house." I said.

"Are you fucking serious?!"

Hinimas-himas ko ang kanyang likod dahil nakita ko syang napangiwi. Nabigla siguro ang katawan nya sa pagsigaw.

"Your mouth Babe, and please tone down your voice."

Malumanay kong sabi sa kanya. Ipinaliwanag ko na lang ang pangyayari para kumalma agad sya.

"Tsk, they're overacting. I can manage myself."

"Yeah with you being sick, I'm sure you can."

I don't mind if I'm being sarcastic to her, minsan talaga kailangan eh. Sa tigas ba naman ng ulo nya.

Pagdating ng Prof namin tinanong nya kami kung kailan ang balak naming mag praktis.

"I'm afraid Prof we can't, Nia is sick. We'll let you know if she's already okay."

            *******************

Shontelle's POV

Hindi na naman ako mapakali dahil sa mga tingin na ipinukol nila sa amin. Patungo kami sa tambayan naming Café ngayon at magkasama kami ni JD. Mula kaninang umaga lage na syang nakadikit sa akin, baka kasi may sakit ako. Tsaka hindi nawawala ang paghawak nya sa kamay ko at pag-alalay, bagamat hindi ako sanay ay okay lang naman sa akin kaso pag may napapatingin nako-conscious ako.

"Ewan ko sayo! Sabi ng wag kang lapit ng lapit sa akin eh!"

Ang sigaw ni Zia ang naabutan namin. Nagtatalo yata sila ni Lander.

"Bakit ba? Eh dati naman okay lang sayo ah!"

"Dati yun, hindi na ngayon!"

"Ano ba talaga ang problema mo?"

"Ikaw, ikaw ang problema ko!"

Tinuro pa ni Zia si Lander sabay walk out. Yung mga kaibigan naming iba ay nakatingin lang sa kanila. Kung dati kami ni JD ang nagsisigawan at nakaka kuha ng atensyon, ngayon sila naman.

Sinundan naman ni Lander ang nagmamadaling si Zia.

Inalalayan akong umupo ni JD, habang takang-taka naman ako kung anong nangyari sa dalawa.

"What happened to them?"

Walang sumagot sa akin, bagkus nakatingin lang silang lahat. Kahit walang question mark na nakatatak sa noo malalaman mong nagtatanong sila base sa ipinakita nilang expression sa mukha.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon