Chapter 16-I Saw Him

169 9 21
                                    


Shontelle's POV

Nakakatuwa na tulong-tulong ang mga kaibigan ni JD para ayusin ang booth. Buti na lang walang pasok dahil may Emergency faculty meeting daw. Kaya matapos ang dramahan namin ni JD, nandito kami lahat sa loob ng booth nagsiksikan. Sa laki ba naman ng mga boys. Psh.

"Wag mong walain yan huh? Pag nawala yan magagalit ako. Alagaan mo yan tulad ng pag-alaga ko sayo dito sa puso ko." Napangiti ako sa sinabi nya sa akin, kaya mahal na mahal ko 'to eh. Ang sweet-sweet, yung tipong magkaka diabetes ka sa sobrang sweet.

"Ikaw na talaga ang tweet JD, tsaka tingnan mo naman ang ganda-ganda kaya ng booth."

"Malamang maganda yan, san ka ba nakakita na macho na ay gwapo pa ang may gawa? Oh, huh?" Sagot ni Theo na pinakita pa ang abs tsaka pinalaki ang mga muscles at nag pogi sign.

"O, punas-punas din ng laway Marga pag may time." Asar ni Harris sa kaibigan ko.

Nagkagulo na sila sa loob kaya nag react na ang hari.

"Magsitigil nga kayo! Ang kakapal nyo talaga, naki tambay na nga kayo nag-iingay pa. Kinain nyo pa yung pinaghirapan ko para sa girlfriend ko. Pssh."

"Ito naman, ang damot-damot. Sabi ni God share your blessings." Drama ni Alen.

"Tss. ‘Di lahat ng blessing pwedeng i-share. Alangan namang pati si Nia i-share ko, eh di tang-ina nyo!"

"Kaya nga hanggang pagkain lang kami diba?" Sabad naman ni Patrick.

"Tss."

Natatawa ako sa sarili habang naiimagine ang mga boys na nagde decorate. Ang cute siguro nila tingnan. Malamang hindi nila ‘to natapos ng walang bangayan na nangyari.

"Magkano naman nagastos mo dito JD?" Nakuha ni Marga ang atensyon ng lahat, biglang natigil sa kanya-kanyang ginagawa. Tsaka nagtinginan sa isa't-isa.

"Siguro around 20k to 30k?" Dagdag ni Chelsea.

Kanya-kanyang reaksyon na naman sila. May naubo, may nabulunan, may napabuga ng iniinom at may nasamid. Nagtataka tuloy ako na napatingin sa kanila. Anong meron?

"Kung alam nyo lang." Sagot ni Patrick na unang nakabawi. Saka nagpaalam na at umalis.

Napailing naman na sumunod si Alen na parang pinipigilang tumawa. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila dahil inaantok na yata. Pero si Lander may iniwang salita bago tumalikod.

"You're one hell of a lucky girl. This asshole just spent more than billions this day just to have you."

Naiwan akong napanganga,pati na rin sina Marga at Chelsea.Itong maliit na kubo na ‘to? Billion? Paano? Nagpapatawa ba sya? Pero bakit walang tumawa?

"Don't mind them." Napatingin ako sa katabi kong nagsalita na nakasandal at nakapikit ang mata habang naka yakap sa bewang ko.

Napatingin ako sa daliri ko na may suot na singsing. Napatingin din doon ang dalawa. Could it be?

Nanlaki ang mata ko sa naisip, agad kong ginising si JD.

"Babe, how much is the ring? Is it expensive? Like more than a million each? Billion?!" Tinapik tapik ko ang pisngi nya.

Oh God! Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito pag nagkataon! This guy is really impossible!

"Ouch! Babe, that hurts." Napalaks yata ang tapik ko sa kanya kaya napadaing sya. Pero wala akong pakialam, ang importante sagutin nya ang tanong ko.

"Totoo ba?"

"I'm willing to spent all of my wealth just for you Babe. You're worth it anyway." Kahit na shock ako ‘di ko pa rin maiwasang kiligin sa sinabi nya.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon