Chapter 9-The Reason

219 16 20
                                    


Shontelle's POV

Kompleto kaming kumain ng agahan sa lamesa. Perfect timing para sa desisyon ko.

"Ahm, Mom. Do you still need a model in your designs?"

Tumahimik ang hapag-kainan, pasimple ko silang sinilip sa gilid ng aking mga mata. Nagkunwari akong walang napansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Why? You'll recommend someone again?" Napangiti ako sa tanong ni Mommy, dati kasi nag re recommend ako sa mga friends kong interesado sa modeling. Lagi naman nila akong inaalok.

"Maybe, we'll see. So, is there a slot?"

"Tss, dami pang pasakalye. Go straight to the point Shin."

"Tsk, kahit kailan talaga panira ka ng diskarte."

"At ano na naman yang pinag-aawayan nyo?"

"Dad, we're not fighting okay?"

"Yeah Dad, hindi nya ako inaaway, inaasar nya ako."

"O sya, mamaya na yang asaran. Nasa hapagkainan tayo." Si Mom pwede na ‘tong referee, bilis makaawat eh.

"So, ano nga yung sabi mo honey?"

"I'm planning to give it a try Mom. You know? Modeling?" Tulad ng inaasahan ko, nagulat talaga sila excluding Khian.

"But why?" Nagulat din ako sa tanong ni Mom, I thought matutuwa sila.

"Anong why? Diba dati nyo pa ako inaalok? Bat parang hindi yata kayo masaya ngayon?"

"Eh, di ba sabi mo ayaw ni JD?" Napatingin pa si Mom kay Dad na tumango-tango.

"That was before, iba na ang sitwasyon ngayon kaysa noon."

Napa titig ang magulang ko sa akin.

"Finally! Nagising na rin sa mahabang tulog si sleeping beauty! Welcome to the world Shontelle Imari Nia Forbes!"

"Ano ba! Lumayo-layo ka nga sa akin!"

Ogag talaga ‘tong kapatid ko,kung makapang-asar wagas! May pa yakap-yakap pang nalalaman. Tss.

"Why Dear sister? Naiinis ka na ba? Wag naman, kakasimula ko pa lang ah..."

"Whatever!" Binalingan ko na lang si Mom, masira pa ang kain ko sa kanya. "So, pwede pa ba ako?"

"Pag-isipan mo kaya muna yan? You know, I'm just worried. You're graduating and I know you'll be busy."

"Yaan mo na Ma, let her. Malaki na yan." Buti  si Dad, parang Palawan Express lang. Walang kuskos balungos. Lels.

"Yun oh! Kaya mahal na mahal kita Dad eh."

Sa mga desisyon ko, kay Dad talaga ang last say. Kaya okay na ako kahit hindi papayag si Mom.

"So, kailan ako magsisimula?" Excited na ako, sa wakas! Nagsisimula na akong magdesisyon na walang iniisip na iba. Hindi katulad dati na nakasalalay lahat kay JD. Napailing-iling ako sa naisip at napabuntong-hininga.

             ********************

JD's POV

Alas tres pa lang ng hapon nandito na ako sa bahay ng mga Forbes. Dala-dala ko syempre ang mga gamit ng totoong manliligaw. Kung ano yun, secret na lang muna, baka mausog eh di pa matuloy.

"JD, ang aga mo yata? Maupo ka muna, ipapahanda kita ng meryenda."

"No need Tita, I'm okay. I just want to see Nia if she's her."

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon