Chapter 21-The Meeting

181 13 8
                                    

Shontelle's POV

Slowly, I went inside the room where Rad is lying. Mag-isa akong pumasok sapagkat binigyan nila kami ng privacy, walang ibang tao sa loob kundi kaming dalawa.

Halos di ako humihinga habang

naglalakad ng dahan-dahan papalit sa kanya. Lumingon sya sa akin nang makalapit na ako. Halos hindi ako makapaniwala sa itsura nya, ang laki na ng ipinayat nya. Ibang-iba na sya dati sa Rad na kilala ko at hinangaan, namumutla at nangayayat.

Ngumiti sya ng tipid kaya napangiti din ako ng tipid. Pinigilan kong huwag umiyak sa harap nya, ayaw na ayaw pa naman nitong kaawaan sya ng iba.

"H-hi." He said slowly, pati sa pagsasalita nakangiwi sya. Hindi na daw kasi tuwid ang dila nya kaya minsan nahihirapan, iilan lamang ito sa mga side effects ng sakit nya. Half of his body is paralyzed, he's also vomiting,may severe headache, memory problem as well as vision too.

Gamot na lang ang tanging bumubuhay sa kanya kaya grabe ang ipinayat nya. Kaya pala balot na balot sya pag lumalabas dati, tsaka yung ulo nya may part na wala ng buhok dahil sa operation. Ang bilis lang ng araw biglang ganito ang nangyari. Parang kailan lang tumatakas pa sya sa mga nurse nya ngayon nakaratay na sya sa kama at halos ‘di makagalaw.

"I-i-i-m-m s-sh-sh-o-r-ry." Sabi nya nahihirapan sa pagbigkas dahil nakangiwi na sya. Ginalaw nya ang isang kamay na hindi paralisado at sinubukang abutin ang kamay ko. Inabot ko na lang iyon dahil hirap na hirap na syang gumalaw. May luha ding tumulo sa isang mata nya kaya napaiyak na din ako. Pinahiran ko iyon at hinawakan ng dalawa kong kamay ang payat nyang kamay na putlang-putla na at medyo malamig.

"Sshhhh, it's okay and I'm sorry too. I'm really really sorry. Natagalan akong pumunta sayo dito kasi pinalipas ko muna ang sama ng loob ko. Nasaktan ako and at the same time ‘di ko matanggap na, na." Napapikit ako ng mariin sa naisip, hindi ko kayang tapusin. Mabigat sa dibdib.

"I-i-i M-m-m-mi-mi-mi-s-s-s y-y-y-ou."

Napahagulhol na ako, awang-awa sa kalagayan nya. Mas masakit pala ang makita syang ganito sa harap ko mismo at wala man lang akong maitulong. Nagmatigas pa ako.

Paulit-ulit lang syang humingi ng tawad, hanggang sa bigla syang nahirapan sa paghinga. I press the buzzer right away, I couldn't help myself from panicking. I was so scared that I haven't notice my hands were already shaking.

Biglang nagkagulo ang lahat, the doctors, my family and his family. Halos wala na akong makita sa paligid dahil sa dami ng luhang pumapatak sa akin. Then suddenly, I heard the most terrible sound in my whole life. The sound from the electrocardiograph machine which monitors the heart of the patient.

Beeeeeppppppp...

Napapikit ako ng mariin, kasabay ng tunog ay ang pagpalahaw ng iyak ni Tita Jessica. I saw the doctor shook his head.

"Time of death, 8:45 PM." Sabi ng doctor.

"I'm sorry, we did our best but he didn't make it anymore." Then the doctor left.


JD's POV

Isang linggong ibinurol ang labi ni Rad, marami ang nagdalamhati at nakiramay. Gabi-gabi din akong puyat, hindi pa ako nakakabawi hanggang ngayon na pa siyam na.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil ang laki ng naitulong nila. Not only for moral support but they also came here to help and assist the visitors. At syempre, sa nag-iisang babae na mahal na mahal ko at hindi ako iniwan kahit saglit. Naalala ko pa noong unang lamay pa lang at nakita ko sya. I asked a little time from her to talk about us.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon